• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Paolo Contis, ‘proud as a friend’ kay Yen Santos matapos magwaging Best Actress sa Urian

Richard de Leon by Richard de Leon
November 18, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
Paolo Contis, ‘proud as a friend’ kay Yen Santos matapos magwaging Best Actress sa Urian

Yen Santos at Paolo Contis (Larawan mula sa IG ni Yen Santos/Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kaagad na nagpaabot ng pagbati ang aktor na si Paolo Contis sa kaniyang “friend” at leading lady sa pelikulang “A Faraway Land” na si Yen Santos, matapos nitong manalong “Best Actress” para sa 45th Gawad Urian sa ginanap na Gabi ng Parangal nitong Huwebes ng gabi, Nobyembre 17, sa Cine Adarna ng UPFI Film Center sa University of the Philippines Diliman sa Quezon City.

Ito ang kauna-unahang acting award ni Yen sa tanang showbiz career niya kaya naman proud na proud ang kaniyang espesyal na kaibigang si Paolo, dahil natamo pa niya ito dahil sa kanilang pinag-usapang pelikula, na siya ring pinag-ugatan ng mga espekulasyong higit pa sa magkaibigan ang kanilang pagtitinginan.

Matatandaang sa kasagsagan ng isyu ng hiwalayan nina Paolo at dating karelasyong si Kapuso actress LJ Reyes, ay nadawit at nakaladkad ang pangalan ni Yen na siya umanong third party, matapos silang maispatang magkasama sa Baguio City.

Bagay na pinabulaanan naman ng aktor at ipinagtanggol ang aktres, kaya sumikat ang linyahang “as a friend”. Dahil sa isyung ito ay tila nanahimik sa showbiz si Yen, gayundin sa social media.

Sa pagkapanalo ni Yen kasama ng iba pang premyadong artists, isa sa mga unang nagpaabot ng pagbati sa kaniya ay si Paolo.

“Congratulations Lilieyen Santos. I’m sooooooo proud of you!! Very well deserved! See you in awhile,” congraulatory message ni Paolo kay Yen kung saan itinag pa ito sa Facebook account nito. Kalakip nito ang litrato ni Yen na tinanggap ang tropeo kasama naman ang itinanghal na Best Actor na si John Arcilla mula sa pelikulang “On the Job: The Missing 8”. Si Paolo ay nominado rin sa pagka-Best Actor para sa kanilang pelikula ni Yen.

John Arcilla at Yen Santos (Screengrab mula sa FB ni Paolo Contis via PEP)

Marami ang nakapansin sa new look ni Yen na blooming daw. Ito ang unang pagdalo ni Yen sa isang showbiz event matapos ang kontrobersiyang kinasangkutan. Hanggang ngayon, hindi pa siya direktang nagsasalita hinggil sa tunay na relasyon nila ni Paolo.

Sa hindi malamang kadahilanan ay hindi na makita ang congratulatory post ni Paolo para kay Yen sa kaniyang personal FB account, habang isinusulat ang artikulong ito.

Tags: A Faraway Landbest actressGawad Urian AwardsPaolo ContisYen Santos
Previous Post

Bagong silang na sanggol, inabandona, nakalagay sa loob ng plastic bag sa Quezon

Next Post

Cynthia Villar, umani ng batikos sa netizens; senador, trending sa Twitter

Next Post
Cynthia Villar, umani ng batikos sa netizens; senador, trending sa Twitter

Cynthia Villar, umani ng batikos sa netizens; senador, trending sa Twitter

Broom Broom Balita

  • NPA commander, inaresto sa Surigao del Sur
  • Filipinas, umabante sa FIFA women’s ranking
  • Camarines Norte, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol
  • Bulkang Ili Lewotolok sa Indonesia, sumabog, nagbuga ng usok at abo
  • Selena Gomez, nagsalita hinggil sa natatanggap na ‘death threats’ ni Hailey Bieber
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.