• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Covid-19 positivity rate sa NCR, bumaba pa sa 7.4%

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
November 17, 2022
in Balita Archive
0
‘Pinas, low risk na sa COVID-19 transmission

(FILE PHOTO BY ALI VICOY / MANILA BULLETIN)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Iniulat ng independiyenteng OCTA Research Group na bumaba pa ang Covid-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR).

Batay sa datos ng OCTA, na ibinahagi ni Dr. Guido David sa kanyang Twitter account nitong Huwebes, nabatid na ang seven-day positivity rate ng Covid-19 sa NCR ay nasa 7.4% na lamang hanggang noong Nobyembre 15, o pagbaba mula sa dating 7.8% noong Nobyembre 8.

Gayunman, sinabi ni David na ang naturang mas mabagal na rate ay indikasyong posibleng nagpa-plateau na ang trend.

Inihayag pa ni David na bagamat attainable o maaari pang makamit ang less than 5% na positivity rate kung magpapatuloy ang downtrend, may posibilidad aniya na ang positivity rate ay manatiling lampas sa antas na ito.

“The seven-day positivity rate for COVID in the NCR decreased slightly from 7.8% as of November 8, 2022 to 7.4% as of November 15. The slower rate of decrease indicates a plateauing of the trend,” tweet pa ni David.

“While less than 5% positivity rate is still attainable if the downtrend continues, there is a possibility that the positivity rate will remain above this level,” aniya pa.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsyento ng mga taong nagpopositibo sa Covid-19 mula sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na isinailalim sa pagsusuri.

Kaugnay nito, sinabi rin ni David na mayroon pa ring posibilidad na magkaroon ng uptick o pagtaas ng mga kaso ng Covid-19.

Ayon kay David, tumaas ang reproduction number sa rehiyon ng mula sa dating 0.83 noong Nobyembre 6 ay naging 1.02 noong Nobyembre 13.

Ang reproduction number ay tumutukoy sa bilang ng mga taong maaaring ihawa ng sakit ng isang pasyente.  Ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay indikasyon nang pagbagal ng hawahan ng virus.

Ang weekly growth rate naman ay tumaas rin ng mula -18% ay naging 11% dahil sa pagtaas ng mga bagong kaso ng sakit ng mula 240 ay naging 268.

Sinabi naman ni David na ang naobserbahang pagtaas ng mga kaso ay maaaring dahil sa mas mababang testing volume dahil sa katatapos na holiday.

Ang hospital utilization rate naman aniya ay nananatiling very low at ang NCR ay nananatili pa ring nasa low risk hanggang sa ngayon. 

Previous Post

Nagkaalitan! Obrero, pinatay ng kapwa obrero; suspek, tinutugis!

Next Post

Atty. Ralph Calinisan, binalaan admin ng isang Twitter fanpage na nagparatang kay Alden Richards

Next Post
Atty. Ralph Calinisan, binalaan admin ng isang Twitter fanpage na nagparatang kay Alden Richards

Atty. Ralph Calinisan, binalaan admin ng isang Twitter fanpage na nagparatang kay Alden Richards

Broom Broom Balita

  • Ginawaran ng posthumous award: Lamay ni Lt. Col. Serna, binisita ng PNP chief
  • Rape suspect, top wanted ng Laguna, arestado
  • Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Bulacan
  • Instant milyonaryo! P39-M, nasolo ng masuwerteng mananaya nang tamaan ang Grand Lotto jackpot
  • Graft vs DA officials, isinampa sa Ombudsman dahil sa ASF sa Cebu
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.