• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Start-Up PH’, matatapos na umano sa Disyembre; mga netizen, napa-react

Richard de Leon by Richard de Leon
November 16, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
‘Start-Up PH’, matatapos na umano sa Disyembre; mga netizen, napa-react

Alden Richards at Bea Alonzo (Screengrab mula sa YT Channel ng GMA Network)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Bali-balitang magtatapos na sa Disyembre ang halos kasisimula pa lamang na “Start-Up PH”, ang Pinoy adaptation ng hit Korean series na ganoon din ang pamagat, na pinagbibidahan nina Alden Richards, Yasmin Kurdi, Jeric Gonzales, at ang unang teleserye ni Bea Alonzo sa GMA Network matapos ang kaniyang pag-ober da bakod mula sa Kapamilya Network.

Nagsimula ang world premiere at ang pag-ere ng Start-Up PH noong Setyembre at sinasabing magtatapos na umano ito sa Disyembre 23, 2022, na may 65 episodes. Ibig sabihin, naka-isang season ang serye.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen. Sa Pilipinas kasi, kapag ang isang show ay mabilis na natapos o “natigbak”, nangangahulugang mababa ang TV ratings nito, o hindi masyadong pinag-usapan. At dahil hindi umano masyadong pinag-usapan, hindi ganoon karami ang sponsor o nagpapa-advertise. Kaya sey ng bashers, indikasyon daw ito na mas pinag-usapan pa ang “Maria Clara at Ibarra” na isa sa mga teleserye ngayon ng Kapuso Network at kalinya sa GMA Telebabad, kaysa sa Start-Up PH.

Ngunit sey naman ng mga nagtatanggol sa show, sa orihinal na South Korean drama ay talagang maiksi ito, at hindi umano ugali ng mga Koreano na pahabain at patagalin ang isang serye.

“Hindi siya trending o pinag-usapan. Walang chemistry sina Bea at Alden.”

“I’m actually enjoying the show!!! May kilig naman in all fairness! Di lang kasi sanay ang netizens ng Pinas na short term lang ang teleserye, they got used to watching super long series na paikot-ikot na lang until na bago na ang original ending cuz sa mga add-ons na ginawa nila to make the series longer!”

“Pinapanood namin ‘to ng asawa ko… dami namin natututunan. 😍 Mas bet namin yung ganito kaysa puro kabit, patayan…”

“Magaling na artista si Bea pero hindi bagay sa kaniya ang role. Mas bagay siya sa matured role hindi pa sweet, nagmukha siyang baduy.”

“Ganda kaya ng Start-Up PH gabi-gabi nakaka-excite bawat eksena, kung nanonood kayo ng Koreanovela hanggang 2 to 3 months lang naman ang teleserye nila so paano n’yo sasabihin hindi mabenta.”

“Expected naman talaga na mag-eend na ‘yan. Mga tao rito, nakita n’yo ba ang original na series niyan??????? 16 episodes lang ‘yan sa Netflix try to check it. To enlighten your mindssss!!”

“Pangit na nga ay binago pa nila yung plot. Sa original ay ang role ni Alden ay second lead lamang siya ng main couple tapos dito… ginawa n’yo main couple.”

“Lahat naman ng palabas ni Alden ay boring. Guwapo lang pero walang appeal. Sorry ‘yan ang totoo para sa akin. Masakit ang katotohanan hehe.”

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang mga bumubuo o maging mga artista ng Start-Up PH tungkol dito.

Tags: Alden Richardsbea alonzoPinoy adaptationStart-Up PH
Previous Post

John Amores, tinanggal na sa JRU basketball team

Next Post

‘Sinetch itey?’ Panibagong blind item ni Xian Gaza, usap-usapan

Next Post
‘Sinetch itey?’ Panibagong blind item ni Xian Gaza, usap-usapan

'Sinetch itey?' Panibagong blind item ni Xian Gaza, usap-usapan

Broom Broom Balita

  • 46 nailigtas sa lumubog na bangka sa Palawan
  • ₱25M marijuana, sinunog sa Kalinga, Benguet — PNP
  • Mga nasawi dahil sa sama ng panahon, umabot na sa 43
  • Johnny Abarrientos, pagmumultahin: Pag-‘dirty finger’ kay Converge import Jamaal Franklin, nag-viral
  • DA, inaprubahan ang ₱110 milyong pondo para sa rubber plantations sa Basilan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.