• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Dr. Yumol, may ibinunyag kay Maharlika; Lamitan City, nanganganib na nga ba?

Angelo Sanchez by Angelo Sanchez
November 16, 2022
in Balita
0
Dr. Yumol, may ibinunyag kay Maharlika; Lamitan City, nanganganib na nga ba?

Mga larawan: Ali Vicoy/MB; Maharlika Boldyakera/FB

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nag-iwan ng liham si Dr. Chao Tiao Yumol sa vlogger na si Maharlika Boldyakera sa kung ano na nga ba ang lagay ng probinsya ng Basilan partikular na sa Lamitan City.

Ayon kay Yumol, naghihirap ang lugar ng Lamitan sa ilalim ng kamay ng political clan na Furigay na siyang namamalakad doon at bulag-bulagan umano ang Philippine National Police (PNP) at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga nangyayari.

Humiling rin si Yumol sa vlogger na manawagan upang mapalitan ang kasalukuyang chief of police at provincial director ng Basilan.

Aniya, halos linggo-linggo ay nagkakaputukan sa Lamitan ngunit tikom at wala umanong kibot ang nauupong alkade ng lungsod na si Roderick Furigay.

Nababahala rin ang doktor sa seguridad ng kanyang pamilya dahil inalis na umano ang seguridad sa kanilang bahay at plano umanong sunugin ito.

“Maharlika,

“Nakakadurog ng puso makita ang sitwasyon ng mga pobreng senior citizen dito sa kulungan. Nang dahil sa kahirapan ng buhay ay nakapagnakaw at nakagawa ng krimen upang malamanan ang sikmura ng mga apo nila at asawa. Matatanda na sila at sobrang hirap sa buhay kaya wala na rin dumadalaw sa kanila para magbigay ng sabon, shampoo, pagkain, o maintenance ng mga gamot nila. Nakakalunos na sitwasyon. Ilang senior citizen din ang alaga ko dito — ‘yung iba, ako na nagpapaligo o change diaper at pakain. Sana may biyayang dumating sa kanila galing sa gobyerno natin.

“Alam ko, hindi mo obligasyon ang maging boses ng mga taga-Lamitan pero Pilipino rin sila, palangga at wala na ako para ipaglaban sila. 110,000 Lamitenyos ang naghihirap sa kamay ng mga Furigay na ‘yan at nagbulag-bulagan ang national PNP at DILG sa nangyayari sa bayan namin.

“Taos-puso akong nagpapasalamat sa’yo sa patuloy na pagtitiwala sa pinaglalaban ko. Sana mapalitan ang chief of police at provincial director ng Basilan na galing sa Manila at hindi sa BARMM (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao). Sana mabigyan ng proteksyon ang pamilya ko at bahay namin sa Basilan. Salamat ulit.

“Ipanawagan mo naman ang crisis sa peace and order sa Basilan. Halos every week, may binabaril sa Lamitan pero ‘yung mayor na Furigay, wala ginagawa.

“Inalis na rin ang police security sa bahay namin lalo na sa sabi baka sunugin ‘yung bahay namin. Sa dami ng patayan, news blackout lahat, local at national media. ‘Yung chief of police ng Lamitan at provincial director ng PNP sa Basilan, bulag-bulagan lang. Hindi nakakarating kay Benhur Abalos ang nangyayari sa Lamitan. Salamat.”

Matatandaan na nagsimulang umalingawngaw ang umano’y alitan sa pagitan ng pamilya Yumol at Furigay matapos maging suspek sa pamamaril sa Ateneo de Manila University, Quezon City noong Hulyo 24 si Yumol.

Sa naganap na insidente, tatlo ang namatay at isa doon si dating Lamitan City Mayor Rosita “Rose” Furigay.

Samantala, Hulyo 29 naman ng pagbabarilin ng riding-in-tandem ang ama ni Yumol na si Rolando sa labas ng bahay nito sa Rizal Avenue sa Barangay Maganda, Lamitan bandang 6:45 ng umaga.

Tags: Dr. Chao Tiao YumolMaharlika Boldyakera
Previous Post

DOH, maaari pa ring irekomenda ang pagpapalawig ng Covid-19 State of Calamity

Next Post

Signal jammers sa mga piitan ng BuCor, inalis na; bagong paraan ng monitoring, inilatag

Next Post
PDLs sa mga pasilidad ng BuCor, COVID-19 free na

Signal jammers sa mga piitan ng BuCor, inalis na; bagong paraan ng monitoring, inilatag

Broom Broom Balita

  • Ginawaran ng posthumous award: Lamay ni Lt. Col. Serna, binisita ng PNP chief
  • Rape suspect, top wanted ng Laguna, arestado
  • Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Bulacan
  • Instant milyonaryo! P39-M, nasolo ng masuwerteng mananaya nang tamaan ang Grand Lotto jackpot
  • Graft vs DA officials, isinampa sa Ombudsman dahil sa ASF sa Cebu
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.