• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Kabataang pag-asa ng bayan!’ Binatilyo sa Zambales, isinauli ang napulot na bag na may ₱70K

Richard de Leon by Richard de Leon
November 15, 2022
in Balita, Features
0
‘Kabataang pag-asa ng bayan!’ Binatilyo sa Zambales, isinauli ang napulot na bag na may ₱70K

Arjay E. Piletina (Mga larawan mula sa FB page ng Subic Mps Zambales Ppo)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Inspirasyon ang dulot ng isang 19 na taong gulang na binatilyo sa mga netizen matapos niyang i-surrender sa pulisya ang napulot na bag sa ospital, na naglalaman ng ₱70,000 bukod pa sa mahahalagag gamit kagaya ng IDs, ATM cards, at susi ng may-ari nito, na naganap sa Subic, Zambales.

Ibinida ng “Subic Mps Zambales Ppo” sa kanilang Facebook page ang ipinakitang katapatan ni Arjay E. Piletina na taga-Macedo St., Brgy Wawandue, sa Subic, Zambales. Ayon sa FB post, nagtungo si Arjay upang i-admit ang pamangkin sa ospital nang makita niya ang itim na bag.

“KINDNESS IS FREE TO GIVE BUT PRICELESS TO RECEIVE,” saad sa post.

“Tunay nga na ang Kabataan ay Pag-Asa ng Bayan.”

“Habang papunta ng Hospital si Arjay E. Piletina ,19 taong gulang at taga Macedo St.Brgy Wawandue,Subic Zambales upang iadmit ang kanyang pamangkin sa Hospital ay may nakita syang itim na bag at ng kanyang tingnan ito ay naglalaman ng assorted IDs, Keys, Atm Cards at P70,000 pesos Cash.”

Magkagayunman ay hindi naging hadlang kay Arjay ang kaniyang sitwasyon. Agad siyang nagtungo sa himpilan ng pulisya upang i-surrender ang kaniyang napulot na bag. Lubos umanong nagpasalamat ang may-ari ng bag sa ipinakitang malasakit at katapatan ni Arjay.

“Patunay lamang ito sa adhikain ng revitalized KASIMBAYANAN at ng MKK=K, na nagpapakita ng MALASAKIT sa ating Kapwa anuman ang sitwasyon na ating nararanasan. Tunay ngang may kabutihan sa bawat tao.”

“Saludo ang Kapulisan ng Subic Municipal Police Station sa katapatan at pagiging magandang ehemplo ni Arjay E Piletina. Mabuhay ka sir Arjay!!! At nawa’y pagpalain ka ng Diyos sa kabutihan ng iyong puso!” pagsaludo ng mga pulis kay Arjay.

Good job, Arjay! Sana dumami pa ang mga kagaya mo!

Tags: Arjay E. PiletinaSubic Mps Zambales Ppo
Previous Post

Jinky Serrano, may pa-welcome home kay Scottie Thompson; nagpakilig sa socmed

Next Post

Miss Earth Australia 2022 na hawigang Taylor Swift, naispatang lumalantak ng chicken inasal

Next Post
Miss Earth Australia 2022 na hawigang Taylor Swift, naispatang lumalantak ng chicken inasal

Miss Earth Australia 2022 na hawigang Taylor Swift, naispatang lumalantak ng chicken inasal

Broom Broom Balita

  • Momma glow! Jessy Mendiola, looking fresh isang buwan matapos manganak
  • Fur mom iniligtas ng kaniyang dalawang aso mula sa ahas
  • Netizens, hanga sa Pinoy-inspired isometric room ng isang virtual artist
  • ‘Ayaw patalbog?’ Alex Gonzaga, nagagalit daw kapag nauunahang umiyak ni Nadine Lustre sa eksena
  • Dina Bonnevie, diretsahan nang pinangalanan si Alex Gonzaga na ‘tinalakan’ noon
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.