• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Aljur, may inamin; pinakamalungkot na Pasko sa kaniya nang magkahiwalay sila ni Kylie

Richard de Leon by Richard de Leon
November 15, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
Aljur, may inamin; pinakamalungkot na Pasko sa kaniya nang magkahiwalay sila ni Kylie

Kylie Padilla at Aljur Abrenica (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nakapanayam ng showbiz insider na si Morly Alinio ang hunk actor na si Aljur Abrenica sa kaniyang vlog upang kumustahin na ba ito, matapos ang pagtatampok sa iba’t ibang dekorasyon sa Pasko.

Dahil malapit na ang pagdiriwang ng Pasko, nauntag si Aljur tungkol sa iba’t ibang mga tanong patungkol sa Pasko. Sinagot naman itong isa-isa ni Aljur.

Natanong sa kaniya kung ano ang plano nila sa pagdiriwang ng Pasko. Aniya, dahil nami-miss na umano ng mga magulang niya ang kanilang mga apo, tiyak na magkakaroon sila ng gatherings.

Para kay Aljur, kapag sinabing Pasko, pamilya ang kaagad na naiisip niya, at ito raw ay something “to fight for”.

Natanong din sa aktor kung ano ang pinakamasayang pagdiriwang niya ng Pasko sa tanang buhay niya.

“Too many to mention, halos lahat,” aniya.

Eh ano naman ang pinakamalungkot?

“Ohhh… pinakamalungkot, siyempre yung first Christmas na, na hindi ko kasama yung pamilya ko. Yung separation namin ni Kylie.”

Natanong din kung may naiisip ba siyang iregalo sa ina ng kaniyang mga anak.

“Commitment na I’ll always there for her and our kids. My attention, time, lagi akong nariyan para sa kanila whenever they need me and love,” ani Aljur.

At siyempre, hindi mawawala sa eksena si AJ Raval. Ano naman kaya ang Christmas gift ni Aljur para sa kaniya? Aniya, nais lamang niyang matupad ng Vivamax actress ang kaniyang mga gusto sa buhay.

Para naman sa sarili, sinabi ni Aljur na nais lamang niyang makasama nang buo ang kaniyang pamilya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/15/aljur-abrenica-may-magkaibang-regalo-kina-kylie-padilla-aj-raval-ngayong-pasko/

Ikinasal silang dalawa noong Disyembre 2018. Noong Hulyo 2021, kinumpirma ni Kylie ang kontrobersiyal na paghihiwalay nila ni Aljur.

Aniya, co-parenting pa rin naman ang ginagawa nila sa kanilang anak na sina Alas at Axl. Kinumpirma rin mismo ng ama ni Kylie na si Robin Padilla na hiwalay na nga ang dalawa, at third party umano ang dahilan.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/07/08/aljur-abrenica-at-kylie-padilla-kumpirmadong-hiwalay-na/

Nadawit sa isyu ang umano’y bagong babae sa buhay ni Aljur na si AJ Raval. Lalo pa itong umigting nang makita silang naglalakad sa isang mall habang magkahawak-kamay. Pinukol ng batikos si AJ at pinaratangang siya ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/10/07/aj-raval-at-aljur-abrenica-naispatang-naglalakad-habang-magkahawak-kamay-magkayakap-sa-mall/

Bagay na nilinaw naman ni Kylie at sinabing hindi si AJ ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. Pumasok umano sa eksena si AJ nang magdesisyon na silang tapusin na ang kanilang relasyon. Napagkasunduan din nilang puwede na silang makipag-date sa gugustuhin nilang bagong makarelasyon.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/10/10/anong-say-ni-kylie-padilla-sa-aj-aljur-affair/

Tila natuldukan ang gusot sa pagitan ng dating magkarelasyon nang magpaunlak ng panayam si Kylie kay Jessica Soho sa “Kapuso Mo Jessica Soho” matapos lumabas ang post ni Aljur na nagpaparatang sa kaniyang siya raw ang unang nagloko sa kanilang dalawa. Agad din naman itong binura ni Aljur at humingi ng dispensa kay Kylie.

Tags: AJ Ravalaljur abrenica
Previous Post

Aljur Abrenica, may magkaibang regalo kina Kylie Padilla, AJ Raval ngayong Pasko

Next Post

Wilbert Tolentino sa postponement ng Miss Planet: ‘Nahihibang pa silang may susuporta’

Next Post
Wilbert Tolentino sa postponement ng Miss Planet: ‘Nahihibang pa silang may susuporta’

Wilbert Tolentino sa postponement ng Miss Planet: 'Nahihibang pa silang may susuporta'

Broom Broom Balita

  • Patawa raw? Netizens, kinuyog ang ‘Outstanding Comedian of the Year’ award ni Juliana Parizcova
  • Operasyon ng Pasig River Ferry System, suspendido sa Semana Santa
  • Student-athlete na nag-collapse sa isang football varsity game, patay!
  • Dahil sa bentahan ng tiket online, official fan club ni Sarah G, nagbabala vs scammers
  • Ogie Diaz, naniniwalang matalinong tao si Rendon Labador
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.