• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp. Music

P-pop kings SB19, magtatanghal ng homecoming concert sa Dis. 18; A’TIN, excited na!

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
November 14, 2022
in Music, Showbiz atbp.
0
P-pop kings SB19, magtatanghal ng homecoming concert sa Dis. 18; A’TIN, excited na!

SB19 sa Los Angeles, California/Facebook

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hindi pa man natatapos ang kanilang “Where You At” (WYAT) world tour, may pamaskong anunsyo na ang P-pop group SB19 para sa ipinangakong treat kasunod ng kanilang ikaapat na anibersaryo ngayong taon.

Nakatakda pang magtanghal ang SB19 sa San Francisco at Singapore sa darating na Nob. 18, at 19, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Basahin: ‘Here’s Your Perfect’ singer Jamie Miller, present sa WYAT tour ng SB19 sa Los Angeles – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ngunit bago nito, kinumpirma na ng grupo ang planong homecoming concert sa bansa bilang pagtatapos ng high-successful WYAT tour.

“MANILA we’re back to celebrate the finale of the WYAT Tour 2022 and another year with A’TIN! 💙” mababasa sa social media post ng SB19, Lunes.

Basahin: Award-winning P-pop kings SB19, nagdiriwang ng kanilang ikaapat na anibersaryo – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaan nitong Oktubre, ipinagdiwang din ng grupo ang ikaapat na anibersaryo kung saan isang pangako sa Pinoy A’TIN ang binitawan ng grupo bago lumipad para sa unang WYAT leg sa Dubai.

Anang grupo, ipagdiriwang nila ang espesyal na anibersaryo pagbalik ng Pilipinas.

“Apat na taon na tayong magkakasama, sinong mag-aakala! The universe really transpired for us to meet and experience this incredible journey together. Let’s enjoy the ride, A’TIN! Thank you, forever, ” mababasa noon sa social media post ng SB19.

Ngayon pa lang, excited na muli ang A’TIN sa pagbabalik concert stage ng grupo sa sariling bansa.

Ang homecoming Manila concert ng SB19 ay tatlong buwan lang matapos ang sold-out concert ng grupo noong Set. 17 sa Araneta Coliseum.

Tags: SB19WYAT Tour
Previous Post

Marikina Christmas Shoe Bazaar, binuksan na; paglahok sa shoe bazaar nais gawing ‘free of charge’ habambuhay

Next Post

Major ng AFP, patay nang mabaril umano ang sarili

Next Post
Itinaon sa Father’s Day: 80 taong gulang na ama, nag-suicide sa Cagayan?

Major ng AFP, patay nang mabaril umano ang sarili

Broom Broom Balita

  • Kilalang pinakamatandang Hebrew Bible, isasapubliko sa Israel bago ibenta
  • Hiling na medical, financial assistance tutugunan ng Presidential Help Desk
  • Leni Robredo, bumisita sa Japan para sa Angat Buhay programs
  • Pasahero ng MRT-3, timbog dahil sa bomb joke
  • South Korea, magkakaloob ng tulong sa ‘Pinas para sa oil spill cleanup
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.