• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Major ng AFP, patay nang mabaril umano ang sarili

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
November 14, 2022
in Balita, National / Metro
0
Itinaon sa Father’s Day: 80 taong gulang na ama, nag-suicide sa Cagayan?
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Isang army major ang patay matapos umanong mabaril ang sarili sa loob mismo ng kanilang barracks sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal nitong Linggo.

Ang biktima ay kinilalang si Army Major Reynaldo Cañete ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Batay sa ulat ni PSSG Jayson Magbanua ng Tanay Municipal Police Station, nabatid na dakong alas-12:50 ng hapon nang madiskubre ang insidente sa loob ng Old Central Barracks Building, na matatagpuan sa Camp Capinpin, Brgy Sampaloc,Tanay Rizal ngunit naireport lamang dakong alas-3:30 ng hapon.

Sa salaysay ng testigong si Army Major Dave Anthony Papael, nabatid na nakita niya ang biktima na duguan at walang malay na nakahiga sa kanyang higaan sa loob ng silid.

Napuna rin umano niya sa tabi ng biktima ang service firearm nito, na isang Glock 17 pistol na may serial number na AFP029823. 

Ayon kay PLTCOL Rodolfo Santiago, hepe ng Tanay MPS, kaagad na isinugod ang biktima sa Army Station Hospital Camp Capinpin, upang malapatan ng lunas dahil sa tama ng bala sa ulo na kanyang tinamo.

Kalaunan ay isinakay ito ng helicopter upang ilipat ng pagamutan ngunit binawian din ito ng buhay.

Hinala naman ng mga otoridad na accidental firing ang naganap. Posible umanong naglilinis ng baril ang biktima at aksidenteng nabaril ang sarili.

Gayunman, patuloy pa rin ang imbestigasyon sa kaso.

Previous Post

P-pop kings SB19, magtatanghal ng homecoming concert sa Dis. 18; A’TIN, excited na!

Next Post

LOL! Pinay na nagsasanay mag-skate, viral dahil sa hirap makipag-usap sa afam na dyowa

Next Post
LOL! Pinay na nagsasanay mag-skate, viral dahil sa hirap makipag-usap sa afam na dyowa

LOL! Pinay na nagsasanay mag-skate, viral dahil sa hirap makipag-usap sa afam na dyowa

Broom Broom Balita

  • Japan, pinupuntirya na! ‘Betty’ lumabas na ng bansa
  • Iba pang hosts ng Eat Bulaga, kumalas na rin sa TAPE, Inc.
  • OCTA: NCR Covid-19 positivity rate, bumaba pa sa 19.9%
  • TAPE, Inc., naglabas na ng pahayag hinggil sa pagkalas ng TVJ
  • Xander napasakamay na tumataginting na ₱350k mula kay Makagwapo
‘Rosal’ lumalakas pa rin habang nasa Philippine Sea

Japan, pinupuntirya na! ‘Betty’ lumabas na ng bansa

June 1, 2023
Iba pang hosts ng Eat Bulaga, kumalas na rin sa TAPE, Inc.

Iba pang hosts ng Eat Bulaga, kumalas na rin sa TAPE, Inc.

June 1, 2023
‘Pinas, low risk na sa COVID-19 transmission

OCTA: NCR Covid-19 positivity rate, bumaba pa sa 19.9%

June 1, 2023
TAPE, Inc., naglabas na ng pahayag hinggil sa pagkalas ng TVJ

TAPE, Inc., naglabas na ng pahayag hinggil sa pagkalas ng TVJ

June 1, 2023
Xander napasakamay na tumataginting na ₱350k mula kay Makagwapo

Xander napasakamay na tumataginting na ₱350k mula kay Makagwapo

June 1, 2023
Coast guard drills, isasagawa ng PH, US, Japan sa Bataan

Coast guard drills, isasagawa ng PH, US, Japan sa Bataan

June 1, 2023
Mahigit 400 estudyante sa Mandaluyong, nagsipagtapos ng tech-voc training

Mahigit 400 estudyante sa Mandaluyong, nagsipagtapos ng tech-voc training

June 1, 2023
Unemployment rate sa bansa, tumaas sa 4.8% nitong Enero – PSA

45% ng mga Pinoy, naniniwalang bubuti kanilang buhay sa susunod na 12 buwan – SWS

June 1, 2023
Toni Gonzaga, nagpakita ng suporta sa TVJ, Eat Bulaga

Toni Gonzaga, nagpakita ng suporta sa TVJ, Eat Bulaga

June 1, 2023
PRC, namahagi ng personal hygiene products sa elderly patients ng NCMH

PRC, namahagi ng personal hygiene products sa elderly patients ng NCMH

June 1, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.