• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Patingin kayo!’ Cristy, nag-aalala na rin sa ilang AlDub fans na nagsasabing may anak sina Alden, Maine

Richard de Leon by Richard de Leon
November 12, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
‘Patingin kayo!’ Cristy, nag-aalala na rin sa ilang AlDub fans na nagsasabing may anak sina Alden, Maine

Cristy Fermin, Alden Richards, at Maine Mendoza bilang AlDub (Larawan mula sa Manila Bulletin/Screengrab mula sa YT Channel)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Naging paksa ng usapan nina Cristy Fermin at Romel Chika sa kanilang showbiz radio program na “Cristy Ferminute” ang umano’y kumalat na video ng ilang mga die-hard na tagahanga ng phenomenal loveteam na “AlDub” ng noontime show na “Eat Bulaga” kung saan tila maihahambing na raw sa “kulto” ang kanilang mga ginagawa.

Makikita sa video ang ilang mga may edad nang tagahanga nina Alden Richards at Maine Mendoza na tila ipinagdarasal na sana raw ay aminin na nina Alden at Yaya Dub ang kanilang pagiging mag-asawa at pagkakaroon ng anak, habang may hawak na kandila.

Marami naman ang nagsabing nakatitindig-balahibo na ang ginagawa nila dahil para na raw silang “kulto”.

Bagay na nireaksyunan din ni Cristy. Aniya, nararapat na raw sigurong magpatingin sa manggagamot ang mga ito dahil wala aniyang makapagpapatunay na nagkaroon ng relasyon, at nagkaroon pa ng anak sina Alden at Maine.

“Opo, dapat na talaga nagpapatingin tayo kapagka ganyan. Na alam naman nating walang anak si Alden at si Maine at hindi sila naging mag-asawa at hindi magiging mag-asawa, pero pinaniniwalaan pa rin natin. Iba na po ito. Medyo dumalaw na po tayo sa ating mga doktor at baka naman po may nagaganap na…” ani Cristy sa November 9 episode ng kaniyang radio program, na napapanood din sa YouTube channel.

Matatandaang nagalit pa ang ilang AlDub fans matapos lumabas din ang panayam ni Ogie Diaz kay Maine Mendoza at klaruhin ang mga bagay na ito.

“So ‘yun po ang hindi ko ma-tolerate. I tried calling them out couple of times already pero ayaw po talaga nilang maniwala. I will take this chance. ‘Yung iba parang kapit na kapit sila na mag-asawa kami ni Alden, may anak kami. Totoo po ito,” ani Maine.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/04/maine-mendoza-nilinaw-sa-mga-diehard-aldub-fans-na-wala-silang-anak-ni-alden-richards/

Noong 2015 ay talaga namang sumikat nang husto ang “Kalyeserye” kung saan sinubaybayan ng halos buong sambayanang PIlipino ang tambalang AlDub, na aksidente lamang na nabuo dahil sa “Juan For All, All For Juan”. Wika nga, “the rest is history”.

Sa ngayon ay engaged na si Maine sa kaniyang fiance na si Kapamilya actor Arjo Atayde.

Tags: Alden RichardsAlDubCristy FerminMaine Mendoza
Previous Post

Xian Gaza, may real talk sa mga babaeng nais ng ‘Slater Young’ sa buhay nila

Next Post

Ronnie, may ‘higupan scene’ din kay Loisa; di raw nagpakabog sa Joshua-Janella, Joshua-Jane

Next Post
Ronnie, may ‘higupan scene’ din kay Loisa; di raw nagpakabog sa Joshua-Janella, Joshua-Jane

Ronnie, may 'higupan scene' din kay Loisa; di raw nagpakabog sa Joshua-Janella, Joshua-Jane

Broom Broom Balita

  • DOH, nag-ulat ng dagdag na 128 kaso ng Covid-19
  • Dingdong Dantes, sorpresang binisita ng pamilya sa set ng Family Feud
  • Marawi siege victims, mababayaran na?
  • QC, naglunsad ng dagdag na mental health programs
  • BOC, nagbabala vs payment scam
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.