• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Banat ni Romnick tungkol sa ‘payaso sa palasyo’, inulan ng reaksiyon; plagiarized daw?

Richard de Leon by Richard de Leon
November 9, 2022
in Balita Archive
0
Banat ni Romnick tungkol sa ‘payaso sa palasyo’, inulan ng reaksiyon; plagiarized daw?

Romnick Sarmenta (Larawan mula sa Twitter/Balita Online)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Marami sa mga netizen ang nagbigay ng reaksiyon sa makahulugang banat ng aktor na si Romnick Sarmenta na ibinahagi niya sa kaniyang Twitter account nitong Nobyembre 7.

Sa pamamagitan ng kaniyang sulat-kamay na tula na isinulat sa paraang “calligraphy”, ang tula ni Romnick ay patungkol sa isang “clown” o payaso na nakapasok sa palasyo.

“When a clown enters a palace, he doesn’t become a king; The palace becomes a circus,” saad ni Sarmenta.

“There’s a fine line between that which pleases and that which is beneficial… and it’s called discernment.”

“I have been many things to different people, and the only difference I see, is who they are to me,” saad pa ni Romnick.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/08/romnick-sarmenta-may-patutsada-sa-payasong-nasa-palasyo/

Naniniwala naman ang mga netizen na may himig-politikal ang patutsada ni Romnick sapagkat hindi ito ang unang beses na nagpahayag siya ng mga ganitong cryptic post. Isa si Romnick sa celebrities na walang takot na nagpapahayag ng kaniyang saloobin hinggil sa mga usapin o isyung panlipunan at pampulitika sa kasalukuyan.

Nagpahayag ng pagsuporta si Romnick sa kandidatura ni dating Vice President Leni Robredo sa pagtakbo nito sa pagkapangulo noong nagdaang halalan. Ang nagwagi ay si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Bagama’t wala namang binanggit na kahit sinong pangalan, nagbigay ng espekulasyon ang mga netizen na si PBBM ang binubuweltahan nito.

Sa isa pang tweet, sinabi ni Romnick na natatawa na lamang siya sa mga taong nagsasabing “irrelevant” siya.

“I find it funny that people keep saying I have become irrelevant, and then watch out for every post. Then they repost and talk about me,” ani Romnick sa kaniyang tweet nitong Martes, Nobyembre 8.

“Common sense isn’t common I guess,” aniya pa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/09/romnick-sarmenta-may-buwelta-sa-mga-taong-nagsasabing-irrelevant-siya/

Narito naman ang ilan sa reaksiyon at komento ng mga netizen tungkol sa kaniyang mga naging cryptic posts na mababasa sa comment section ng Balita Online.

“Bakit madami galit? Wala naman pangalan binanggit?”

“Nagiging relevant lamang siya pag pinapansin at pini-flex lalo ng media kaya I suggest sa mga naiinis sa kaniya, wag nang patulan kasi naghahanap lang din ‘yan ng atensyon kaya ganiyan ‘yan. Sumasakay sa bandwagon para bumango ulit ang career.”

“Absolutely right! Wag na kasi tumahol ang mga utaw haha, clown naman talaga.”

“Ang labo ng statement na ‘to. Baka if a clown is crowned as the king ibig niya sabihin. Kahit sino pumasok sa palasyo pumasok lang siya hindi siya ginawang hari.”

“That’s ungrateful. Wag panay criticize lang. Be constructive.”

“May tinatamaan na mga trolls kahit wala namang nabanggit. 😅 But Romnick said it so perfectly.”

“Ikaw na lang kaya pumasok sa palasyo Romnick hiyang-hiya naman kami sa’yo.”

“Dami galit kasi may tinatamaan kahit wala naman sinabing pangalan.”

Samantala, may ilang mga netizen ang nagsasabi namang “plagiarized” daw ito dahil galing sa isang ancient “Turkish proverb”.

“When a clown moves into a palace, he doesn’t become a sultan/king. The palace becomes a circus,” saad dito.

Screengrab mula sa Twitter account ni Romnick Sarmenta
Screengrab mula sa FB page ng Balita Online via René Astudillo

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Romnick tungkol dito. Bukas ang Balita Online sa panig ng aktor.

Tags: clownPalaceRomnick SarmentaTurkish proverb
Previous Post

Meralco, may taas-singil sa kuryente ngayong Nobyembre

Next Post

Anunsyo ng raket sa MOA Arena, viral; chance na para sa free concert?

Next Post
Anunsyo ng raket sa MOA Arena, viral; chance na para sa free concert?

Anunsyo ng raket sa MOA Arena, viral; chance na para sa free concert?

Broom Broom Balita

  • Zamboanga Del Sur, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
  • Pasok sa gov’t offices sa Abril 5, suspendido na! — Malacañang
  • Iza Calzado: ‘I am a Mother! An imperfectly perfect Mother to my precious child’
  • SC, ibinasura ang 22 graft, malversation charges vs Gov. Degamo
  • Japanese na tumutulong sa Mindoro oil spill cleanup, sugatan sa electric disc cutter
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.