• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Sen. Risa, sinulatan ng partner ng rider na natagpuang patay sa motorsiklo; nanawagan sa kompanya

Richard de Leon by Richard de Leon
November 8, 2022
in Balita Archive
0
Sen. Risa, sinulatan ng partner ng rider na natagpuang patay sa motorsiklo; nanawagan sa kompanya

Sen. Risa Hontiveros at Noel Escote (Larawan mula sa Manila Bulletin/FB ni LA Ocampo)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ibinahagi ni Senadora Risa Hontiveros ang litrato ng papel kung saan mababasa ang sulat-kamay na mensaheng ipinadala sa kaniya ng live-in partner ng napabalitang delivery rider na natagpuang walang buhay habang nakahiga sa kaniyang motorsiklo, dahil sa pagtatrabaho, noong Nobyembre 1 sa Pasig City.

Ibinahagi ito sa Facebook post ng isang netizen at delivery rider din na nagngangalang “LA Ocampo”.

“R,I,P sau paps,,,nkakalungkot man icipin pero sumabay kapa sa nov,1 sana pinahinga mo nlng sa bahay nyo,,,sa mga kapwa ko delivery rider kpag hndi na kaya ng katwan at nkakaramdam na ng pagod mas mabuting ipahinga nlng,,,saludo aq sau paps kumakayod ka pra lng my maiuwing pera at may ipakain sa pamilya mo,,,sa pamunuan ng lalamove sana mpansin nyo din si kuya,,,condolence din sa pamilya mo kuya,,,sana alam na nila qng anong nangyri sau ngaun,,,,” saad sa caption ng Facebook post.

“Sulat ng partner ng delivery rider na si Noel Escote, na natagpuang patay sa Pasig City habang nakasampa sa kaniyang motor. Isang halimbawa si Noel ng Pilipinong nagsisikap na magdeliver para matugunan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya,” ani Sen. Risa. Kinilala ang live-in partner ni Noel na si “Jennifer Bocboc”.

Kaya naman, nanawagan ang senadora sa kompanya ng delivery service na pinagtatrabahuhan ni Noel Escote, kaisa ng pamilya nito, na magpaabot ng tulong sa kaniyang mga naulila upang mabigyan man lamang siya ng disenteng libing.

“Currently, delivery riders are categorized as ‘independent contractors’ as opposed to employees. Therefore, they are not qualified to receive social protections under our labor laws.”

“Wala ring malinaw na patakaran para sa accident at health insurance, kaya magandang maipasa na ang POWERR ACT to fill in the said gaps,” giit pa ni Hontiveros.

Mababasa sa liham ng live-in partner ni Noel na masama na raw pala ang pakiramdam nito noong bumiyahe ito, subalit pinilit na lamang na lumabas upang kumita.

Habang naghihintay raw ng customer sa Kapitolyo ay dito na nga ito nawalan ng buhay. Nakasaad umano sa police report na hindi matukoy ang dahilan ng kaniyang kamatayan, at suspected na dahil sa Covid-19.

Hiling ng partner ni Noel na sana raw ay matulungan sila ng senadora na mailapit ang kanilang sitwasyon sa “Lalamove” upang kahit paano ay makatulong sa kanilang pagpapalibing.

Tags: Noel EscoteSen. Risa Hontiveros
Previous Post

OCTA: Covid-19 cases sa Pinas, posibleng umabot na lang sa 500 kada araw sa katapusan ng Nobyembre

Next Post

Heart Evangelista, no chill sa basher na nagkumpara sa kaniyang body figure sa butiki

Next Post
Heart Evangelista, no chill sa basher na nagkumpara sa kaniyang body figure sa butiki

Heart Evangelista, no chill sa basher na nagkumpara sa kaniyang body figure sa butiki

Broom Broom Balita

  • 2 mananaya, maghahati sa P42.7- M Lotto 6/42 jackpot prize
  • Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, asahan sa Martes
  • 10 boya, ‘di inaalis sa WPS — PCG
  • Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano
  • Unang bugso ng bivalent Covid-19 vaccines, darating sa bansa ngayong Sabado
PCSO: P29.7M jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, napanalunan na rin ng taga-Batangas

2 mananaya, maghahati sa P42.7- M Lotto 6/42 jackpot prize

June 4, 2023
Dagdag P1.10 per liter sa gasolina, asahan sa June 29

Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, asahan sa Martes

June 3, 2023
10 boya, ‘di inaalis sa WPS — PCG

10 boya, ‘di inaalis sa WPS — PCG

June 3, 2023
Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano

Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano

June 3, 2023
Pamamahagi ng booster shots, mabagal na ipinatutupad sa PH — NTF adviser

Unang bugso ng bivalent Covid-19 vaccines, darating sa bansa ngayong Sabado

June 3, 2023
Sunog sa Recto, nag-iwan ng pinsalang aabot sa P480,000

Sunog sa Recto, nag-iwan ng pinsalang aabot sa P480,000

June 3, 2023
Pride Month, isang pagkakataon para itaguyod mga karapatan ng LGBTQ+ – British envoy

Pride Month, isang pagkakataon para itaguyod mga karapatan ng LGBTQ+ – British envoy

June 3, 2023
Capiz, nagtala na rin ng kaso ng African Swine Fever

Antique, nag-iisang lalawigan sa Western Visayas na walang kaso ng ASF

June 3, 2023
Magnitude 4.6 lindol, yumanig sa Sulu

Magnitude 4.6 lindol, yumanig sa Sulu

June 3, 2023
Food stamp program, pinag-aaralan pa! — DSWD official

Food stamp program, pinag-aaralan pa! — DSWD official

June 3, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.