• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Delivery service company na pinagtatrabahuhan ng rider na natagpuang patay sa motor, nakipag-ugnayan na

Richard de Leon by Richard de Leon
November 8, 2022
in Balita, National, National / Metro
0
Delivery service company na pinagtatrabahuhan ng rider na natagpuang patay sa motor, nakipag-ugnayan na

Noel Escote at Sen. Risa Hontiveros (Larawan mula sa Manila Bulletin/FB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nakipag-ugnayan na umano sa naulilang pamilya ni Noel Escote ang delivery service company na pinaglilingkuran nito, ayon sa update ni Senadora Risa Hontiveros, sa kaniyang Facebook post nitong Martes, Nobyembre 8.

Si Noel ang delivery rider na natagpuang wala nang buhay habang nakahiga sa kaniyang sariling motorsiklo na ginagamit sa kaniyang hanapbuhay noong Nobyembre 1.

Sumulat ang live-in partner ni Noel kay Senadora Risa upang tulungan silang manawagan ng tulong sa kompanyang pinagtatrabahuhan ng kaawa-awang delivery rider.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/08/sen-risa-sinulatan-ng-partner-ng-rider-na-natagpuang-patay-sa-motorsiklo-nanawagan-sa-kompanya/

“Magandang balita na nakikipag-ugnayan na ang Lalamove sa naulilang pamilya ni Mr. Noel Escote,” ayon sa post ni Hontiveros.

Sa kabilang banda, may ilang mahahalagang punto lamang umano na dapat mabigyang-pansin sa pangyayaring ito.

“The statement of the company that he was ‘not fulfilling orders on the day of the incident’ is adding insult to injury. On the day he tragically lost his life, Mr. Escote opted to ride his motorcycle to work, even on a holiday, and waited for someone to book his service as a Lalamove rider. Bahagi ng trabaho ng delivery riders ang paghihintay ng order, hindi lang pagsasakatuparang ma-deliver ang order.”

“Isa pang mahalagang punto, hindi ba’t natagpuan siya sa kaniyang motorsiklo? Hindi ba’t ‘workplace’ ang kaniyang motorsiklo? Hindi ba’t kapag namatay ang isang empleyado sa workplace, considered work-related ang pagkamatay?”

Muling iginiit ni Hontiveros ang pagkakaroon ng matatag na polisiya tungkol dito,

“This precisely demonstrates the necessity of having a policy and legal regime in place for gig economy workers to prevent further abuses and to finally shed light on these gray areas.”

“Binawian ng buhay si Noel na nagtataguyod sa kaniyang pamilya at sa kompanyang itinuring niyang makakatuwang sa buhay. Sana sa huling pagkakataon ay mabigyan naman ng dignidad ang kaniyang sakripisyo at dedikasyon sa trabaho,” ayon pa sa senadora.

Tags: LalamoveNoel EscoteSen. Risa Hontiveros
Previous Post

Tambalang ‘DonBelle’ ready na sa kanilang tour para sa pelikulang ‘An Inconvenient Love’

Next Post

‘A life lesson’: Pia Wurtzbach, proud na iflinex ang kaniyang NYC Marathon finish

Next Post
‘A life lesson’: Pia Wurtzbach, proud na iflinex ang kaniyang NYC Marathon finish

‘A life lesson’: Pia Wurtzbach, proud na iflinex ang kaniyang NYC Marathon finish

Broom Broom Balita

  • NPA commander, inaresto sa Surigao del Sur
  • Filipinas, umabante sa FIFA women’s ranking
  • Camarines Norte, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol
  • Bulkang Ili Lewotolok sa Indonesia, sumabog, nagbuga ng usok at abo
  • Selena Gomez, nagsalita hinggil sa natatanggap na ‘death threats’ ni Hailey Bieber
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.