• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Batang lalaki sa Laguna, patay matapos tuklawin ng cobra habang natutulog sa loob ng bahay

Richard de Leon by Richard de Leon
November 8, 2022
in Balita, National / Metro, National/Probinsya, National/Provincial
0
Batang lalaki sa Laguna, patay matapos tuklawin ng cobra habang natutulog sa loob ng bahay

Representasyon ng cobra (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Wala nang buhay ang isang 7-anyos na batang lalaki nang matuklasan ito ng kaniyang inang inakalang natutulog pa sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Sta. Lucia, Nagcarlan, Laguna noong Sabado, Nobyembre 5, at saka lamang napansing may mga tuklaw ito ng ahas.

Ayon sa panayam ng ina ng bata na si Jennifer Villa, natuklasan lamang niya ang insidente dakong alas-6:00 ng umaga habang ginigising na ang anak na si Neo Andi Daño; subalit huli na dahil patay na ang anak matapos mapansin ang mga kagat o tuklaw ng ahas sa mukha, braso, at binti.

Naisugod pa ang bata sa Nagcarlan District Hospital subalit huli na ang lahat dahil “dead on arrival” na umano ito, saad ng mga doktor, matapos masawi sa kamandag nito.

Batay sa pagsisiyasat, nagtamo ng pitong tuklaw ng makamandag na cobra ang bata sa kaniyang mukha, braso, at sa kaniyang binti habang mahimbing na natutulog. Kaagad namang natuklasan ang pinagtataguan ng cobra sa loob ng bahay, na naispatang nagsusumiksik sa ilalim ng refrigerator. Agad itong napatay ng mga kapitbahay ng biktima.

Ayon pa sa ulat, naaalarma na raw ang mga residente ng barangay dahil ito na raw ang ikalawang kaso ng panunuklaw ng cobra sa kanilang barangay.

Tags: CobraNagcarlan LagunaNeo Andi Daño
Previous Post

Valentine Rosales, umalma sa pagpuna ni Lolit Solis kay Kim Chiu: ‘Paladesisyon yarn?!’

Next Post

‘Higupang malala!’ Mga netizen, shookt sa plot, patikim na eksena nina Jake at Sean sa upcoming movie

Next Post
‘Higupang malala!’ Mga netizen, shookt sa plot, patikim na eksena nina Jake at Sean sa upcoming movie

'Higupang malala!' Mga netizen, shookt sa plot, patikim na eksena nina Jake at Sean sa upcoming movie

Broom Broom Balita

  • Lolit Solis hinggil sa pagsusustento ni Paolo Contis: ‘Maaga pa, puwede ba siyang bumawi…’
  • Xyriel Manabat bilang Tonet sa ‘Dirty Linen’: ‘She’s more than just her number of followers’
  • Binatilyo, patay nang malunod sa isang ilog sa Caloocan
  • ₱2,000 buwanang subsidiya para sa mga magulang ng CWD, isinusulong
  • Sen. Cynthia Villar, naghain ng panukalang batas para protektahan ang Panaon Island
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.