• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Billy Crawford at Fauve Hautot, pasok sa grand finals ng ‘Danse avec les Stars’ sa France

Dante Lagana by Dante Lagana
November 7, 2022
in Balita, Showbiz, Showbiz atbp.
0
Billy Crawford at Fauve Hautot, pasok sa grand finals ng ‘Danse avec les Stars’ sa France

Photos courtesy: Billy Crawford (Instagram)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Pasok na sa grand finals ng 12th Season ng “Danse avec les Stars” (Dancing with the Stars), isang dance competition sa France, ang dancer-TV host na si Billy Crawford at ang partner niyang French dancer na si Fauve Hautot.

Sila ang nakakuha ng top score sa dalawang segments para maging solido sa final round ng sikat na dance competition sa France. 

Pero bago pa man lumarga sina Billy para sa qualifying round sa finals naglabas na siya ng saloobin sa kanyang Instagram. Sey niya, “here we go, semi finals for @dals_tf1 It has been an amazing experience and such a pleasure to dance on a daily basis. Can’t wait for tonight. We will see if I’ll make it to the finals or not but to all the artists, judges, my dance partner who became my sister @fauvehautot, pro dancers, prod, TF1 thank you for this blessing and making my job worth loving! To my wife and my son this is for you! To God be the glory.”

Todo-suporta naman ang loving wife ni Billy na si Coleen Garcia na aniya, “cheering for you all the way! You’re gonna do great!” 

‘Yun nga lang wala sa mismong laban nila Billy si Coleen dahil umuwi na ito ng Pinas kasama ang anak nilang si Amari para sa importanteng event at wedding na dadaluhan. 

Samantala, sa nangyaring laban nila Billy at Fauve na umere noong Sabado, Nobyembre 5, sila ang unang nag-qualify sa final round. 

Sa unang sayaw nila ng paso doble ay nakakuha sila ng 39 points sa saliw ng awiting “Let’s Get It Started” ng Maneskin at sa pangalawang performance na rumba nakakuha naman sila ng 35 points sa musika ng “Chasing Cars” ng Snow Patrol. 

Mukhang hindi naman naging hadlang kay Billy ang pagkakaroon ng back injury dahil hataw to the max pa rin ang naging performance nila ng kanyang partner. Wala nga sa hitsura nito na may pinagdadaanan siyang sakit ng katawan dahil talaga namang performance level ang kanyang ibinigay. 

Matatandaang mula sa umpisa ng “Danse avec les Stars” noong Setyembre, standing ovation na ang mga judges kila Billy at Fauve sa ipinamalas nilang husay sa pagsayaw.

Sila Billy at Fauve na nga ba ang tatanghaling grand champion sa “Danse avec les Stars” (Dancing with the Stars) ng France? Abangan! 

Tags: billy crawfordDanse Avec Les StarsFauve Hautot
Previous Post

Pagsasampa ng kaso vs sangkot sa pagpatay kay Percy Lapid, plantsado na

Next Post

Kasal pala? TikTok star Bella Poarch, nag-file ng divorce; netizens, nagulantang

Next Post
Kasal pala? TikTok star Bella Poarch, nag-file ng divorce; netizens, nagulantang

Kasal pala? TikTok star Bella Poarch, nag-file ng divorce; netizens, nagulantang

Broom Broom Balita

  • Graduating student sa Samar State U, naiulat na nawawala
  • 3 lugar sa bansa, nagtala ng mapanganib na antas ng heat index nitong Sabado
  • Mananaya, bokya sa lotto jackpot ng PCSO ngayong Sabado
  • Wow! Vicki Belo, dinala ang ‘dream come true’ concert ni David Foster sa kaniyang bahay
  • Bulusan Volcano, yumanig pa ng 3 beses
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.