• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Vice Ganda, kinaaliwan, ginaya ang naging ‘self-defense’ ng TikToker na si Otlum

Richard de Leon by Richard de Leon
November 2, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
Vice Ganda, kinaaliwan, ginaya ang naging ‘self-defense’ ng TikToker na si Otlum

Vice Ganda at Otlum (Screengrab mula sa FB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Viral sa social media ang panggagaya ni Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda sa naging pagdepensa ng social media personality na si “Otlum” o Peejay Dela Cruz, nang masakote ito ng mga awtoridad matapos maispatan sa CCTV ang umano’y pagkuha nito sa cellphone na pagmamay-ari ng isang store owner.

Habang nagsasagawa ng panayam si Vice sa isa sa mga kalahok ng bagong segment na “Girl on Fire” ng “It’s Showtime”, tila ginaya ni Meme ang naging viral na pagtatanggol at paliwanag ni Otlum sa kaniyang sarili.

Maririnig naman ang hiyawan at palakpakan ng audience dahil tila na-gets nila kung sino ang pinatutungkulan ni Vice.

“Malinis po ang inyong intensiyon,” sabi ng kalahok kay Vice.

“Kaya nga, at ang konsensiya ko is clear,” banat ni Vice Ganda na ikinapalakpak naman ng madlang pipol.

Paliwanag ni Meme Vice, “Tawang-tawa ako ro’n, I swear…”

“Bakit, bakit?” natatawang untag ng co-host na si Jhong Hilario.

“Natatawa ako… kasi very Miss Q&A lang ang atake kasi ni Ate,” sey ng komedyante. “Naaliw lang ako.”

Umani ng reaksiyon at komento ang naging paliwanag ni Otlum kung bakit niya kinuha ang cellphone. Aniya, nakita lamang niya ang cellphone na pakalat-kalat kaya kinuha niya ito at ibinenta. Tila sinisi pa niya ang storeowner na may-ari ng kinuhang cellphone dahil hindi niya umano iningatan ang isang mahalagang gadget gaya nito.

“Ang depinisyon ng magnanakaw ay papasok sa isang establisyimiento at walang abog-abog ay magbubuklat at kukuha ng mga bagay na nasa pribadong lugar. Pero ang nangyari po sa akin, ako po ay nasa labas ng tindahan, hindi po ako pumasok. Nakita ko lamang ang cellphone na ito sa ibabaw ng pasimano at ito po ay aking kinuha. Hindi po masama ang aking ginawa dahil ang akin pong konsensya ay clear,” paliwanag ng content creator.

Iginiit din niyang hindi siya masamang tao at wala pa siyang police record; hindi pa rin siya nakukulong o nakakasuhan dahil sa pagnanakaw.

Narito naman ang iba’t ibang reaksiyon at komento ng mga netizen:

“Need mong bumalik ng kinder.”

“Twisted mind and self-defense hahaha.”

“Ganyan ang katwiran ng mga ganyang klaseng tao. Yung buking na ayaw pa umamin.”

“According to Article 308 of the Revised Penal Code (RPC) of the Philippines, theft is committed when — without using force, intimidation, or violence, — a person takes personal property belonging to another without consent.”

“Kahit nakita lang niya sa labas nang tindahan dapat pinagsasabi niya kung sinung may ari nito,hindi basta nalang kinuha at ibinenta pa ayun tuloy.”

“Sa lahat ng magnanakaw dito ako natawa talaga eh… lupet mangatwiran eh…”

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/02/tiktoker-na-si-otlum-naispatang-nagnenok-ng-cp-depensa-umani-ng-reaksiyon-sa-mga-netizen/

Tags: It's ShowtimeOtlumvice ganda
Previous Post

TikToker na si Otlum, naispatang nagnenok ng CP; depensa, umani ng reaksiyon sa mga netizen

Next Post

Death toll sa bagyong Paeng, umabot na sa 121 — NDRRMC

Next Post
Death toll sa bagyong Paeng, umabot na sa 121 — NDRRMC

Death toll sa bagyong Paeng, umabot na sa 121 -- NDRRMC

Broom Broom Balita

  • Revilla, sumailalim sa laparoscopy para tanggalin na ang kaniyang gall bladder
  • Mister, sinalakay sa motel ang nagmimilagrong misis, kaniyang kerida
  • LRTA: West extension project ng LRT-2, target maging operational sa 2026
  • Lider ng NPA, nakorner sa Ilocos Sur
  • Meralco at SPPC, lumagda ng 300-MW emergency power supply deal
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.