• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Rendon Labador, binara si Doc Adam tungkol sa saloobin niya sa uri ng vlogs na tinatangkilik ng Pinoy

Richard de Leon by Richard de Leon
November 2, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
Rendon Labador, binara si Doc Adam tungkol sa saloobin niya sa uri ng vlogs na tinatangkilik ng Pinoy

Rendon Labador at Doc Adam Smith (Larawan mula sa Twitter/Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nagbigay ng reaksiyon at saloobin ang fitness instructor-vlogger na si Rendon Labador sa mga naging pahayag ng blogger-doctor na si “Doc Adam Smith” hinggil sa kaniyang naoobserbahang mga content ng vlogs na madalas tangkilikin at suportahan ng mga Pilipino, ayon sa kaniyang Facebook post noong Lunes, Oktubre 31.

Ayon kay Doc Adam, “The most famous vlogs in the Philippines are mindless dumb pranks, tsismis or poverty porn.”

“Bukod pa dyan these vloggers promote and sell unethical bs to their audience. gambling, networking companies and expensive vitamins or “weight loss” drinks are all commonly seen being promoted on their channels,” dagdag pa niya.

Hindi naman niya naiwasang maihambing ito sa ibang bansa.

“In other countries, vloggers become famous for travel, food, commentating on topical issues, catching and debunking scammers, and science.”

Kaya tanong niya, “When will the Philippine audience learn to appreciate content that offers them value? When will Filipinos stop wasting their lives consuming rubbish, mindless and at times harmful vlogs?”

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/31/doc-adam-ibinahagi-ang-obserbasyon-tungkol-sa-bet-na-content-ng-vlogs-ng-mga-pinoy/

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

“True. That is why watching those vlogs is a waste of time.”

“Wala ng chance Doc. Ang gusto lang namin ay tumawa nang tumawa Doc habang nagpapaputi, nagpapakinis at nagpapayaman.”

“So true… some doing vlogs while exploiting their body to catch viewers… I think its time to set restrictions…”

“So true. Mostly garbage contents. And worst it can be watched by kids.”

Kamakailan lamang ay pinag-usapan ang naging bardagulan ng kapwa vloggers na sina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake.

Sa comment section ng pubmat ng isang pahayagan ay naglabas naman ng kaniyang reaksiyon at saloobin tungkol dito si Rendon.

“May right ang bawat tao piliin ang mga content na gusto nilang i-consume. Hindi na natin control yun Doc. We need to work hard para slowly mabago ang mindset ng mga Pilipino. WE HAVE NO CHOICE,” ayon kay Labador, na tumunog ang pangalan kamakailan dahil sa pagkasa sa hamon ni “Pinoy Sakuragi” Marc Pingris na mag-one-on-one sila sa basketball.

Payo pa ni Labador, magpokus lamang sa sariling content dahil ito lamang ang kayang kontrolin ng sinumang vloggers at social media influencers na kagaya nila. Hayaan daw ang viewing public na magdesisyon kung aling content ang bet nilang i-consume, tangkilikin, o suportahan.

Sana rin daw, hindi mawalan ng motibasyon ang iba pang vloggers at content creators na gumawa pa ng iba’t ibang value- driven contents.

“There is hope,” ani Rendon.

Screengrab mula sa FB ni Doc Adam

Ibinahagi naman ni Doc Adam ang social media post ni Rendon at kinomentuhan.

“Rendon Labador, I thought you were a Motivational speaker yet what you say somehow Demotivate’s me #Rendon ‘DemotivatesMe’ Labador,” aniya.

Tags: Doc Adam SmithRendon Labador
Previous Post

Debbie Garcia, pina-blotter si Barbie Imperial dahil sa pang-eeksena sa kaniya sa bar; balak ding kasuhan?

Next Post

Dinogshow? ‘Gabi ng Lagim’ ng KMJS, naging katatawanan daw dahil kay Sassa Gurl

Next Post
Dinogshow? ‘Gabi ng Lagim’ ng KMJS, naging katatawanan daw dahil kay Sassa Gurl

Dinogshow? 'Gabi ng Lagim' ng KMJS, naging katatawanan daw dahil kay Sassa Gurl

Broom Broom Balita

  • Zamboanga Del Sur, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
  • Pasok sa gov’t offices sa Abril 5, suspendido na! — Malacañang
  • Iza Calzado: ‘I am a Mother! An imperfectly perfect Mother to my precious child’
  • SC, ibinasura ang 22 graft, malversation charges vs Gov. Degamo
  • Japanese na tumutulong sa Mindoro oil spill cleanup, sugatan sa electric disc cutter
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.