• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Rendon, Doc Adam, nagkasagutan, nagpatutsadahan sa socmed

Richard de Leon by Richard de Leon
November 2, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
Rendon, Doc Adam, nagkasagutan, nagpatutsadahan sa socmed

Rendon Labador at Doc Adam Smith (Larawan mula sa FB/Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Mukhang tumitindi ang sagutan ng kapwa vloggers at social media personalities na sina Doc Adam Smith at Rendon Labador sa social media, matapos mag-react ang huli sa naging pahayag ng una, tungkol sa uri ng content sa vlogs na kinokonsumo at tinatangkilik ng mga Pilipino.

Walang takot at filter na sinabi ni Doc Adam na ang kadalasang patok na vlogs sa mga Pinoy ay “pranks”, “tsismis”, o “poverty porn”.

“The most famous vlogs in the Philippines are mindless dumb pranks, tsismis or poverty porn,” aniya sa kaniyang Facebook post noong Lunes, Oktubre 31.

“Bukod pa dyan these vloggers promote and sell unethical bs to their audience. gambling, networking companies and expensive vitamins or “weight loss” drinks are all commonly seen being promoted on their channels,” dagdag pa niya.

“In other countries, vloggers become famous for travel, food, commentating on topical issues, catching and debunking scammers, and science.”

Kaya tanong niya, “When will the Philippine audience learn to appreciate content that offers them value? When will Filipinos stop wasting their lives consuming rubbish, mindless and at times harmful vlogs?”

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/31/doc-adam-ibinahagi-ang-obserbasyon-tungkol-sa-bet-na-content-ng-vlogs-ng-mga-pinoy/

Halo-halo naman ang naging reaksiyon at saloobin dito ng mga netizen. Nagkomento naman dito si Rendon Labador, kilalang fitness instructor, vlogger, at motivational speaker.

“May right ang bawat tao piliin ang mga content na gusto nilang i-consume. Hindi na natin control yun Doc. We need to work hard para slowly mabago ang mindset ng mga Pilipino. WE HAVE NO CHOICE,” ayon kay Labador, na tumunog ang pangalan kamakailan dahil sa pagkasa sa hamon ni “Pinoy Sakuragi” Marc Pingris na mag-one-on-one sila sa basketball.

Payo pa ni Labador, magpokus lamang sa sariling content dahil ito lamang ang kayang kontrolin ng sinumang vloggers at social media influencers na kagaya nila. Hayaan daw ang viewing public na magdesisyon kung aling content ang bet nilang i-consume, tangkilikin, o suportahan.

Sana rin daw, hindi mawalan ng motibasyon ang iba pang vloggers at content creators na gumawa pa ng iba’t ibang value- driven contents.

“There is hope,” ani Rendon.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/02/rendon-labador-binara-si-doc-adam-tungkol-sa-saloobin-niya-sa-uri-ng-vlogs-na-tinatangkilik-ng-pinoy/

Ibinahagi naman ni Doc Adam ang social media post ni Rendon at kinomentuhan.

“Rendon Labador, I thought you were a Motivational speaker yet what you say somehow Demotivate’s me #Rendon ‘DemotivatesMe’ Labador,” aniya.

Dagdag na hirit pa ni Doc Adam, “Rendon just MOTIVATED me to buy 449 peso Fat burner Coffee, Thanks for the ‘Motivation’ Rendon, I’m feeling so dam motivated right now.”

Tumugon naman dito si Rendon, “Bakit ang mga doctor nasa social media na? Wala na ba kayong mga pera?”

Umani ito ng sangkatutak na reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

Sa isa pang Facebook post nitong Nobyembre 1 ay muling pinatutsadahan ni Doc Adam si Rendon.

“Rendon Labador is a motivational speaker, he just motivated me to start Online Gambling and drink Fat Burning coffee, thanks Rendon for making motivating me to make healthy life choices. I’m feeling so motivated right now.”

Screengrab mula sa FB ni Doc Adam

Hindi naman ito pinalagpas ni Rendon at kinomentuhan.

“Yung gambling kasi Doc Adam pang mga doctor lang yan na merong ‘extra’ money, ngayon kung saktuhan lang ang pera mo tapos hindi mo pa tapos lahat ng kaso against you… I don’t recommend recreational gambling to you,” banat nito.

Screengrab mula sa FB ni Doc Adam

Nagbigay rin siya ng kaniyang opinyon tungkol sa gambling.

“Gambling is a privilege of successful people. Kung wala kang pera, gambling is not for you.”

“Reality ang gambling ay malaking part ng Philippine economy. Mas madami lang kasing mahihirap na umaabuso sa libangan na para lang sa may mga pera.”

Screengrab mula sa FB ni Doc Adam

Sa kaniyang sariling Facebook account ay tinanong ni Rendon ang mga netizen kung ano ang opinyon nila tungkol sa naging salungatan nila ng mga ideya ni Doc Adam.

Tags: Doc Adam SmithRendon Labador
Previous Post

PNP sa Undas: ‘Naging mapayapa’

Next Post

TikToker na si Otlum, naispatang nagnenok ng CP; depensa, umani ng reaksiyon sa mga netizen

Next Post
TikToker na si Otlum,  naispatang nagnenok ng CP; depensa, umani ng reaksiyon sa mga netizen

TikToker na si Otlum, naispatang nagnenok ng CP; depensa, umani ng reaksiyon sa mga netizen

Broom Broom Balita

  • Revilla, sumailalim sa laparoscopy para tanggalin na ang kaniyang gall bladder
  • Mister, sinalakay sa motel ang nagmimilagrong misis, kaniyang kerida
  • LRTA: West extension project ng LRT-2, target maging operational sa 2026
  • Lider ng NPA, nakorner sa Ilocos Sur
  • Meralco at SPPC, lumagda ng 300-MW emergency power supply deal
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.