• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

Rommel Tabbad by Rommel Tabbad
November 2, 2022
in Balita, National / Metro
0
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Natukoy na ang mga umano’y mastermind sa pamamaslang kay hard-hitting journalist Percival “Percy Lapid” Mabasa, ayon na sa kapatid ng biktima na si Roy Mabasa.

Ayon sa nasabing kapatid ni Lapid, kasama siya sa isinagawang case conference sa Department of Justice (DOJ) nitong Miyerkules ng umaga kung saan ilang sinasabing ‘utak’ sa kaso ang tinukoy.

Kabilang din sa dumalo sa pagpupulong sina Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at National Bureau of Investigation (NBI) Director Medardo de Lemos.

“Meron po. To be very frank, meron po. At ito rin ay aming pinag-aaralan bilang miyembro ng mga pamilya,” tugon ni Roy sa mga mamamahayag kaugnay ng paglutang ng mga pangalan ng umano’y mastermind sa krimen.

“Sa palagay ko nalalapit na tayo roon sapagkat sa aming pag-uusap kanina, meron nang tinutumbok, subalit I’m not at liberty to say to you kung ano ang mga pangalan at pagkakakilanlan. Hahayaan po natin ang DOJ na tapusin ang kanilang trabaho, kasama ang NBI at PNP at magkakaroon yata ng announcement in the next 1, 2, 3 days,” aniya.

Posible aniyang ihain ang kasong murder laban sa mga suspek sa Biyernes o sa Lunes.

Tumangging banggitin ni Roy kung ilang suspek ang posibleng kasuhan.

Nitong Oktubre 18, iniharap sa publiko si self-confessed gunman Joel Escorial at sinasabing inutusan siya ng umano’y “middleman” sa pagpatay kay Lapid na si Crisanto/Jun Villamor, Jr.

Si Villamor ay namatay apat na oras matapos iharap sa mga mamamahayag si Escorial.

Sa autopsy results na isinagawa ni forensic expert Raquel Fortun, binalot ng plastic bag ang ulo ni Villamor na sanhi ng pagkamatay nito habang nakakulong sa National Bilibid Prison (NBP).

Matatandaang napatay si Lapid habang papasok ito sa BF Resort Village sa Las Piñas, sakay ng kanyang kotse nitong Oktubre 3 ng gabi.

Previous Post

Karakter ni Beauty sa ‘Mano Po Legacy,’ viral sa prangkang hirit sa asawang sasabak sa politika

Next Post

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Next Post
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Broom Broom Balita

  • Suspek sa pagpatay sa DLSU student sa Cavite, dating may kasong robbery — PNP chief
  • Gamit ng mga suspek sa pagpaslang kay Gov. Degamo, natagpuan sa sugar mill ni ex-Gov. Teves
  • Zamboanga Del Sur, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
  • Pasok sa gov’t offices sa Abril 5, suspendido na! — Malacañang
  • Iza Calzado: ‘I am a Mother! An imperfectly perfect Mother to my precious child’
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.