• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Jaclyn Jose, nagdiwang ng kaarawan; Andi at Philmar, nakalimutang bumati?

Richard de Leon by Richard de Leon
November 2, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
Jaclyn Jose, nagdiwang ng kaarawan; Andi at Philmar, nakalimutang bumati?

Jaclyn Jose, Andi Eigenmann, at Philmar Alipayo (Larawan mula sa IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Masayang ibinahagi ng batikan at premyadong aktres na si Jaclyn Jose ang pagdiriwang niya ng kaarawan kasama ang anak na si Gwen Garimond, ayon sa kaniyang Instagram posts nitong Nobyembre 1, 2022.

View this post on Instagram

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose)

Pinasalamatan ni Jaclyn ang mahahalagang tao sa buhay niya, gaya ng kaniyang “Tita Emmy Edith” at maging ang apong si Ellie Eigenmann, na hindi man nakadalo sa kaniyang birthday celebration ay nag-Facetime naman sa kaniya. Si Ellie ay apo niya sa anak na si Andi Eigenmann at aktor na si Jake Ejercito.

“Thank you anak for having my bday wonderful, and Ellie apo ko for the face time in greeting me. I Love you,” aniya.

View this post on Instagram

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose)

Isa-isa ring bumati sa kaniya ang mga kaibigan at kasamahan sa showbiz, gaya nina Aiko Melendez, Cheena Crab, Sandy Andalong, Ogie Diaz, at iba pa.

Subalit napansin ng mga netizen ang makahulugang komento ni Jaclyn sa mismong Instagram post niya.

“Salamat! So much appreciated! Luv you all… sana bumati si Andi para mas complete. Oh well… I am good salamat talaga sa effort sobra!”

Screengrab mula sa IG ni Jaclyn Jose

Hindi lamang daw si Andi ang nakalimot na bumati sa kaniya kundi maging ang partner nitong si Philmar Alipayo.

“Philmar din di bumati. You are the father of my grandchildren. Ok lang, no big (deal) pero di ba?”

Sagot na lamang niya sa mga nagtatanong, “BZ” o “busy”.

Screengrab mula sa IG ni Jaclyn Jose

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

“Hirap magkatampuhan. Magulang pa talaga ang need mag-reach out. Sa ganyan problema sana hindi na lang sumali ang partner. Respect pa rin dapat sa ina ng asawa. So much hatred. Kelan pagpapatawaran, pag wala na ang ina?”

“Binati na po ba kayo? Happy birthday po maam.”

“Bakit si Andi asan si Ellie lang bumati?”

Bagama’t hindi malinaw kung may tampuhan ba ang mag-ina, matatandaang naging makahulugan ang dahilan ni Jaclyn kung bakit niya nasabing magreretiro na siya sa showbiz.

“I am retiring….marami po[ng] salamat,” simpleng caption ni Jaclyn sa buradong IG post.

Sinegundahan pa niya ito sa comment section na maaaring dahilan ng kaniyang planong paghinto na sa aktingan.

“I just sooooo luv Andi and Gwen most and foremost to have come into this.”

“Masakit but… I know I have to go,” aniya pa.

Maikli man, subalit nataranta ang kaniyang mga tagahanga sa kaniyang anunsyo ng pagreretiro, lalo’t naging sunod-sunod ang mga naging proyekto niya sa GMA Network. Ang huling teleserye niya ay “Bolera” na pinagbidahan ni Kylie Padilla.

Ngunit ilang saglit lamang ay agad niyang binura ang IG post. Ayon sa ipinadalang mensahe sa isang entertainment portal, gusto na raw talagang magretiro ng award-winning actress subalit may dalawang taon pa siyang kontrata sa Kapuso Network.

“I wanted to but I still have (a) 2 years contract with GMA,” aniya.

Marami naman sa mga tagahanga niya ang tila nakahinga nang maluwag.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/03/jaclyn-jose-hindi-na-muna-tuloy-sa-pagreretiro/

Kasalukuyang abala si Jaclyn sa shooting nila ng pelikulang “Labyu with an Accent” na unang pagtatambal nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria sa pelikula, at opisyal na lahok ng Star Cinema sa 2022 Metro Manila Film Festival.

View this post on Instagram

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose)

Samantala, wala pang update kung nagpahabol ba ng pagbati sina Andi at Philmar, o kung may mensahe o reaksiyon sila sa sinabi ni Jaclyn.

Tags: andi eigenmannbirthdayJaclyn JosePhilmar Alipayo
Previous Post

Death toll sa bagyong Paeng, umabot na sa 121 — NDRRMC

Next Post

Operasyon ng MRT-3, pansamantalang natigil dahil sa problemang teknikal

Next Post
MRT-3: COVID-19 health protocols, kasado na para sa pagsisimula ng libreng sakay

Operasyon ng MRT-3, pansamantalang natigil dahil sa problemang teknikal

Broom Broom Balita

  • Grilled balut, ‘nakalalason’ daw? Alamin ang sagot ng ilang food technologists
  • ‘Kambal’ ni AJ Raval, pinatanggal
  • Mga nagmomotorsiklo, hinuhuli na sa bike lane sa QC
  • France, umaasiste rin sa Mindoro oil spill response ng Pilipinas
  • Kondisyon ni Pope Francis, bumubuti na – Vatican
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.