• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Paeng’ posibleng mag-landfall sa N. Luzon — PAGASA

Rommel Tabbad by Rommel Tabbad
October 26, 2022
in Balita, National/Probinsya
0
N. Luzon, posibleng makaranas ng matinding pag-ulan sa bagyong ‘Neneng’
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Posibleng humagupit sa Northern Luzon ang bagyong ‘Paeng’ sa mga susunod na araw, ayon sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Bukod dito, malaki rin ang posibilidad na maglabas ng babala ng bagyo sa ilang bahagi ng Eastern Visayas at Bicol Region simula sa Huwebes, Oktubre 27.
Sa abiso ng PAGASA, nag-iipon pa ng lakas ang bagyo habang nasa Philippine Sea.

“Per latest track and intensity forecast, the most likely highest wind signal that will be hoisted is Wind Signal No. 4,” sabi ng ahensya.

Huling namataan ang bagyo 965 kilometro silangan ng Eastern Visayas, dala ang hanging 45 kilometers per hour (kph) at bugso nito na 55 kph habang kumikilos pa-kanluran hilagang kanluran.

Babala ng PAGASA, makararanas ng matinding pag-ulan sa Bicol Region simula Biyernes ng umaga hanggang Sabado ng umaga.

Inaasahan naman ang “moderate to heavy” na pag-ulan sa Eastern Visayas, Mindoro provinces, Marinduque, Romblon, Quezon, Aurora, Isabela, and Cagayan. 

Iiral naman ang “light to moderate” na pag-ulan sa Rizal, Laguna, Nueva Ecija, Bulacan, Cordillera Administrative Region, at sa natitirang bahagi ng Visayas at Cagayan Valley.

“These conditions may be risky for those using small seacrafts. Mariners are advised to take precautionary measures when venturing out to sea and, if possible, avoid navigating in these conditions,” babala ng PAGASA.

Sa pagtaya ng PAGASA, kikilos ang bagyo pa-kanluran hanggang Huwebes ng hapon at tatahak naman ito pa-kanluran hilagang kanluran hanggang Sabado ng umaga.

Kikilos din ang bagyo pa-hilagang kanluran sa Sabado ng hapon o kinagabihan at dadaan ito sa Northern Luzon sa Linggo o Lunes.

Previous Post

Isang Thai media mogul, nabili ang Miss Universe sa halagang P851M – report

Next Post

PCSO: P24.6M jackpot ng Lotto 6/42, nasolo ng taga-Pasig

Next Post
Empleyado sa Chile na aksidenteng nasahuran ng 330 beses sa kaniyang monthly pay, nagtago agad

PCSO: P24.6M jackpot ng Lotto 6/42, nasolo ng taga-Pasig

Broom Broom Balita

  • Dahil sa bentahan ng tiket online, official fan club ni Sarah G, nagbabala vs scammers
  • Ogie Diaz, naniniwalang matalinong tao si Rendon Labador
  • Abalos, sinabing malakas ang ebidensya vs mastermind ng Degamo-slay case
  • Certified trending! ‘BarDa’ tampok sa MV ng ‘The Way You Look At Me’ Ben&Ben version
  • 1,298 bagong Covid-19 cases sa Pilipinas, naitala mula Marso 20-26
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.