• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Isang Thai media mogul, nabili ang Miss Universe sa halagang P851M – report

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
October 26, 2022
in Balita, Balitang Overseas, Features
0
Isang Thai media mogul, nabili ang Miss Universe sa halagang P851M – report

Miss Universe 2019 Zozibini Tunzi (kaliwa), Miss Universe 2018 Catriona Gray (gitna), Miss Universe 2020 Andrea Meza (kanan)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nabili ni Anne Jakrajutatip, isang Thai billionaire at media mogul, ang Miss Universe Organization, kalakip ang dalawa pang USA-based pageants na Miss USA at Miss Teen USA, sa halagang P851 million, ayon sa isang ulat.

Babalikan nitong Setyembre, sa isang ulat ng New York Post, ang premyadang international pageant na Miss Universe ay nauna nang naiulat na ibinebenta umano sa halagang $20 million o nasa P1.1 billion.

Dagdag nito, sa nakalipas na anim na buwan ay naghahagilap ng interesadong buyer ang “superagent” na si Ari Emanuel, ang CEO ng Endeavor na nangangalaga sa parehong Ultimate Fighting Championship (UFO),  William Morris Talent Agency, at Miss Universe.

Taong 2015 nang mabili ni Emanuel ang kabuuang Miss Universe pageant bago ang dating may-ari nito at noo’y presidential candidate na si Donald Trump.

Ayon sa ulat ng Standard Wealth nitong Miyerkules, tuluyan na ngang nabili ng JKN Global Group Public Company Limited (JKN) ni Jakrajutatip ang pageant franchise sa halagang 550 million baht o nasa mahigit P851 million.

Anang kompanya, ang pagbili sa global organization ay maghuhudyat din ng transpormasyon sa negosyong nakasentro sa pagsuporta sa paggamit ng copyright and copyright management mula sa licensing ng Miss Universe brand hanggang sa pag-oorganisa ng mga national pageant.

“The company plans to bring the Miss Universe brand to help strengthen the e-commerce business in various product groups both dietary supplements beverage products. Personal products such as skin care products, cosmetics, and lifestyle products to create growth for the said business group in the future as well,” anang Chakrapong Chakrajutathip, Chief Executive Officer and Managing Director ng JKN Global Group Public Company Limited.

Taong 1952 nang itatag ang Miss Universe pageant. Ang titleholder na si Harnaaz Sandhu mula India ang kasalukuyang may hawak ng titulo.

View this post on Instagram

A post shared by Miss Universe (@missuniverse)

Sa darating na Enero 2023, nakatakdang ganapin ang Miss Universe 2022 sa New Orleans, Louisiana sa Amerika.

Samantala, wala pang pahayag ang Miss Universe organization ukol sa bago nitong owner sa pag-uulat.

Tags: Miss Universe Organization
Previous Post

‘Super villain na unan gamit sa pagtodas, gaming chair sa spaceship?’ Ilang eksena sa Darna, kinaaliwan

Next Post

‘Paeng’ posibleng mag-landfall sa N. Luzon — PAGASA

Next Post
N. Luzon, posibleng makaranas ng matinding pag-ulan sa bagyong ‘Neneng’

'Paeng' posibleng mag-landfall sa N. Luzon -- PAGASA

Broom Broom Balita

  • Gerald Santos, sobrang honored sa magaganap na pag-awit ng National Anthem ng Amerika
  • Emoji ni Alden Richards sa IG story, inintriga
  • ‘Eat Bulaga is really TVJ!’ Ilang bagong hosts, kailangan ng name plates—Sen. JV Ejercito
  • Paolo Contis naokray na naman: ‘Mamimigay ng papremyo, hindi ng sustento’
  • Xander Arizala at partner na si Gena Mago, hiwalay na raw dahil kay Makagwapo
Gerald Santos, sobrang honored sa magaganap na pag-awit ng National Anthem ng Amerika

Gerald Santos, sobrang honored sa magaganap na pag-awit ng National Anthem ng Amerika

June 6, 2023
Emoji ni Alden Richards sa IG story, inintriga

Emoji ni Alden Richards sa IG story, inintriga

June 6, 2023
‘Eat Bulaga is really TVJ!’ Ilang bagong hosts, kailangan ng name plates—Sen. JV Ejercito

‘Eat Bulaga is really TVJ!’ Ilang bagong hosts, kailangan ng name plates—Sen. JV Ejercito

June 5, 2023
Paolo Contis naokray na naman: ‘Mamimigay ng papremyo, hindi ng sustento’

Paolo Contis naokray na naman: ‘Mamimigay ng papremyo, hindi ng sustento’

June 5, 2023
Xander Arizala at partner na si Gena Mago, hiwalay na raw dahil kay Makagwapo

Xander Arizala at partner na si Gena Mago, hiwalay na raw dahil kay Makagwapo

June 5, 2023
PBBM, itinalaga dating Covid-19 task force adviser bilang bagong DOH chief

PBBM, itinalaga dating Covid-19 task force adviser bilang bagong DOH chief

June 5, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

June 5, 2023
Darren Espanto, biniro ni Vhong Navarro: ‘Anong pinanood mo kaninang 12 o’clock?’

Darren Espanto, biniro ni Vhong Navarro: ‘Anong pinanood mo kaninang 12 o’clock?’

June 5, 2023
Hinihinalang unang mga kaso ng ASF sa Antique, iimbestigahan

Hinihinalang unang mga kaso ng ASF sa Antique, iimbestigahan

June 5, 2023
Sigaw ng avid Eat Bulaga viewers, ‘Palitan n’yo title ng program!’

Sigaw ng avid Eat Bulaga viewers, ‘Palitan n’yo title ng program!’

June 5, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.