• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘TRUST NO ONE’, trending sa Twitter dahil sa mainit na bardagulang Wilbert-Zeinab

Richard de Leon by Richard de Leon
October 25, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
‘TRUST NO ONE’, trending sa Twitter dahil sa mainit na bardagulang Wilbert-Zeinab

Zeinab Harake at Wilbert Tolentino (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ginulantang ang Lunes na Lunes ng “mainit na tsaa” matapos pumutok ang salpukan ng dating magkaibigang vloggers na sina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake noong Oktubre 23 pa lamang ng gabi, hanggang sa maging trending at hindi mahupa-hupa hanggang kinagabihan ng Oktubre 24.

Ang puno’t dulo nito ay nang mag-react si Wilbert sa cryptic post ni Zeinab na aniya ay isa siya sa mga pinatatamaan. Dahil dito, naglabas ng rebelasyon si Wilbert hinggil sa mga paninira ni Zeinab sa kapwa vloggers/influencers, sa pamamagitan ng paglalapag ng mga “resibo” ng mga sinabi nito patungkol kina Whamoz Cruz, Toni Fowler, at maging sa mga celebrity na sina Robi Domingo, kaibigang si Jelai Andres, Ivana Alawi, at Alex Gonzaga.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/24/ang-rebelasyon-wilbert-tolentino-nagsiklab-sa-post-ni-zeinab-harake-may-isiniwalat-laban-sa-kaniya/

Nagsanga-sanga na ito hanggang sa magsalita na rin at magpahayag ng kanilang reaksiyon sina Toni Fowler, Whamoz Cruz, at iba pang influencers hinggil sa isyu.

Hindi naman nagpakabog si Zeinab at naglabas din ng kaniyang rebelasyon patungkol kay Wilbert.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/24/wilbert-mapanumbat-raw-sa-mga-may-utang-na-loob-sa-kaniya-buwelta-ni-zeinab/

Dahil dito, lumitaw sa Twitter at naging trending ang “TRUST NO ONE”. Ipinakita umano sa nangyari na tila may mga taong hindi dapat pagkatiwalaan, kahit pa itinuturing mo pang pinakamalapit na kaibigan ang isang tao.

Narito ang ilan sa mga kuda ng netizens tungkol sa “kinapuyatang” awayan sa pagitan nina Wilbert at Zeinab.

“You should never put your trust in anyone, even if they are a friend or family member because they will betray you in the end; instead, trust yourself so that no one will betray you. Zeinab Harake, Toni Fowler, Wilbert Tolentino.”

“Zeinab and Wil issue, tell us that we should not trust anyone. No one! Pag secrets are secrets, mag-away man kayo ng kaibigan mo, mabanas ka man sa kabobohan niyan, mapikon sa ugali. If you know how to value a friendship, you’ll keep that secret no matter what happens.”

“this z and wil issue simply tells us that we should not trust anyone, no one! I am not against sir wil but exposing your dm’s is so high school, meanwhile yes zeinab may have backstab or utter ngative things abt those ppl but i still don’t think that’s enough reason to be vulgar.”

“People are attacking Zeinab as if di nila natry mangback stab sa buong buhay nila. Ang lilinis nyo naman po. Moral of the issue: TRUST NO ONE.”

“You really can’t trust no one these days.”

“Kaya I rarely share lang talaga my personal life kase I know someday people will use it against me, trust no one ✨.”

Samantala, nakaabang pa rin ang mga netizen hinggil sa magiging takbo ng patutsadahang ito, at kung sino-sino pang influencers ang “makikisawsaw” sa isyu.

Tags: Wilbert TolentinoZeinab Harake
Previous Post

‘Dangerous woman vs babaeng nangangagat’: Online star Pipay, muling napagtripan ng netizens

Next Post

Robi Domingo, pinatunayang may ‘market’ siya

Next Post
Robi Domingo, pinatunayang may ‘market’ siya

Robi Domingo, pinatunayang may 'market' siya

Broom Broom Balita

  • Mga guro, bibigyan ng mas mataas na honoraria — Comelec
  • 4 sugar smugglers, kinasuhan ng Bureau of Customs
  • El Niño, maaaring magsimula sa third quarter ng taon – PAGASA
  • DepEd, magha-hire ng 9,650 bagong guro ngayong taon
  • 4 tripulante, nailigtas sa lumubog na bangkang nabangga ng dolphin sa Cagayan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.