• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Robi Domingo, pinatunayang may ‘market’ siya

Richard de Leon by Richard de Leon
October 25, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
Robi Domingo, pinatunayang may ‘market’ siya

Robi Domingo at Zeinab Harake (Larawan mula sa Manila Bulletin/Twitter)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Isa sa mga nadawit sa bardagulang Wilbert Tolentino at Zeinab Harake ay ang Kapamilya TV host na si Robi Domingo, kung saan, isiniwalat ng talent manager na sinabihan daw siya ni Zeinab na ‘wag makikipag-collab dito dahil walang “market value”, ayon sa inilabas na resibo ng una sa kaniyang “Ang Rebelasyon” video.

“Wag yung Robi Domingo ha. Walang market dun maloka ka dun shhh lang,” sey umano ni Zeinab.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/24/walang-market-robi-domingo-nagsalita-na-sa-sinabi-umano-ni-zeinab-tungkol-sa-kaniya/

Nakarating naman ito sa kaalaman ni Robi at napa-react na lamang sa pamamagitan ng tweet.

“Oh wow. How true?,” aniya noong Linggo, Oktubre 23.

Oh wow. How true? 🤔🤫🤐

— Robi Domingo (@robertmarion) October 23, 2022

Trending topic tuloy si Robi dahil sa naging rebelasyon ni Wilbert. Umani ito ng mga reaksiyon mula sa mga netizen. Kaugnay nito, humingi na rin daw ng tawad si Zeinab sa mga artists at vloggers na nabanggit sa rebelasyon ni Wilbert.

Sa panibagong tweet nitong Lunes, Oktubre 24, tila pinasinungalingan ng TV host ang sinabi sa kaniya ni Zeinab na wala siyang market. Ibinahagi niya ang litrato ng isang palengke na may nakalagay na “Robi Domingo Public Market”.

“Akala mo lang wala, pero MERON, MERON, MERON!” pabirong caption ni Robi sa kaniyang tweet.

“Akala mo lang wala, pero MERON, MERON, MERON!” 😭😭😭

Ctto. pic.twitter.com/OjzXdiys7W

— Robi Domingo (@robertmarion) October 24, 2022

Narito ang kuwelang reaksiyon ng mga netizen:

“Hahhahahahahha may market nga naman talaga!”

“Meron naman palang market si Robi eh, talaga to si Z hahahhahahahaha.”

“Substance…substance…substance…that’s Robi @robertmarion (heart emojis) no need to prove…kasi proven na yan! superbait pa even his family.”

“Mabuti pa yung market mo, it’s a commodity that everyone needs. Yung isa ewan ko na lang, walang sustansya sa market niya.”

“Robi always gives as quality and substantial contents. Wag na ipilit ang market na yan. Pera pera lang. Wala namang matutunan. Basta Robi you are a gem in the industry.”

Sa kabilang banda, may mga netizen din na tila ba nag-“real talk” sa kaniya.

“Just checked Robi’s YT, wala naman talagang market sa totoo lang. I don’t get why people are getting upset w/ the truth.”

“Ibig niya sabihin siguro sa walang market, pagdating sa vlogs, iba kasi ang YouTuber sa artist, iba rin hatak ng artist sa YouTuber, depende na lang kung kasing awra ni VICE GANDA or IVANA ALAWI. Sa artist may market ka, pero sa YouTuber siguro wala ka mahahakot.”

“Sa vlog ang tinutukoy niya haaaaay nakuuuuuu. Sobrang sensitive mo naman.”

Tags: Robi DomingoZeinab Harake
Previous Post

‘TRUST NO ONE’, trending sa Twitter dahil sa mainit na bardagulang Wilbert-Zeinab

Next Post

Korina, trending matapos maispatang kasama sa litrato ang First Family sa MassKara Festival

Next Post
Korina, trending matapos maispatang kasama sa litrato ang First Family sa MassKara Festival

Korina, trending matapos maispatang kasama sa litrato ang First Family sa MassKara Festival

Broom Broom Balita

  • 7 panukalang batas vs teenage pregnancy, pasado na sa House committee level
  • 2 Japanese senior citizen, pinakamatandang foreigners na nakaakyat sa Mt. Apo
  • Wanted na Japanese dahil sa pamemeke ng kasal, timbog sa Maynila
  • 3 parak, timbog matapos mahulihan ng P1.4-M halaga ng ‘shabu’ sa Cavite
  • Vice Ganda, kinumpirmang okay sila ni Karylle; may pasaring kay Kuya Kim?
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.