• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Madam Inutz, aminadong nasaktan kay Zeinab; hinamong pangalanan ang tinitira sa cryptic post

Richard de Leon by Richard de Leon
October 25, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
Madam Inutz, aminadong nasaktan kay Zeinab; hinamong pangalanan ang tinitira sa cryptic post

Zeinab Harake, Madam Inutz, at Wilbert Tolentino (Larawan mula sa FB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hindi nagpahuli ang komedyante-online seller na si Daisy Lopez a.k.a. “Madam Inutz” sa “pakikisawsaw” sa kinasasangkutang isyu ngayon ng talent manager na si Wilbert Tolentino, at sa kapwa vlogger nitong si Zeinab Harake, matapos ang pinag-usapang rebelasyon nito noong Linggo, Oktubre 23, 2022.

Pabirong hirit ni Madam Inutz, napuyat din siya sa pagtapos na mapanood ang “revelation” ng kaniyang talent manager na si Wilbert Tolentino, hinggil sa mga pasabog nito laban kay Z.

Isa rin kasi siya sa mga nabanggit ni Wilbert na umano’y sinabihan ni Zeinab na malalaos din kaagad, matapos pumatok ang kaniyang trending na online live selling kung saan siya unang nakilala, bago sumabak sa pag-aartista.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/24/ang-rebelasyon-wilbert-tolentino-nagsiklab-sa-post-ni-zeinab-harake-may-isiniwalat-laban-sa-kaniya/

Sa kaniyang TikTok video, ibinahagi ni Madam Inutz ang tila puyat niyang awra dahil sa panonood sa live ng kaniyang TM, at sa iba pang live ng vloggers na sangkot sa isyu.

Sa isa pang hiwalay na live nito lamang Oktubre 24 ay buo ang suporta at pagtatanggol ni Inutz para sa kaniyang talent manager.

Aniya, marami raw negosyo si Wilbert kaya huwag sanang bigyan ng malisya ang source of income nito.

May hamon naman si Madam Inutz kay Zeinab, na kung talagang hindi raw si Wilbert ang pinatatamaan niya sa pinagpiyestahang cryptic post nito, mabuti pang pangalanan na niya ito, tutal naman daw ay “Zeinab Harake” na siya. Itong cryptic post kasi na ito ang puno’t dulo ng pa-rebelasyon ni Wilbert.

Matatandaang sa umpisa pa lamang ng live ni Zeinab ay pinagdiinan na niyang hindi si Wilbert ang pinariringgan niya sa naturang cryptic post.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/24/inaano-ko-ba-kayo-zeinab-bumuwelta-sinupalpal-mga-paratang-ni-wilbert-laban-sa-kaniya/

Aminado rin si Madam Inutz na nagtampo siya sa mga nasabi ni Zeinab tungkol sa kaniya.

“Mas magaling ka nga lang sa akin pero hindi ako ganyang klaseng tao.

Nagbigay rin siya ng mensahe para kay Zeinab.

“Ako Z, wish ko sa ‘yo, sana huwag kang manghusga ng kapwa mo lalong-lalo na kung hindi mo pa nakakaharap ito. Lalong-lalo na kung hindi mo naman ako personal na kakilala, ikaw, hindi kita hinusgahan kasi alam ko nasaktan ka eh. Nanay rin ako eh… hindi kita hinusgahan, pero nakasakit ka ng damdamin ng iba.”

“Accept mo yung kamalian mo nasaktan mo ‘ko, nasaktan mo yung iba nating kapwa vloggers, nasaktan mo yung kapwa natin YouTuber… kahit paano nakasakit ka talaga.”

Kahit hindi raw nag-sorry sa kaniya nang personal si Zeinab, okay lang daw sa kaniya kasi nga raw ay “mababa siyang tao” at may edad pa.

“Wish ko lang maging okay na yung lahat, magkaroon tayo ng peaceful mind, ayaw ko na rin kasi makasakit ng iba.”

Nagpayo rin si Madam Inutz sa mga kagaya niyang vloggers o content creators.

“Piliin na lang nating maging tahimik… kung talagang good influencers tayo,” aniya.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Zeinab tungkol sa mga binitiwang pahayag ni Madam Inutz.

Tags: Madam InutzWilbert TolentinoZeinab Harake
Previous Post

Live nina Wilbert, Zeinab, Sachzna, Whamoz, at Toni, pinagsama-sama para mabilis sagap ng tsika

Next Post

Hugot ni Valentine: ‘Balang araw kaibigan mo rin titira sa’yo sa likod, believe me, masakit talaga!’

Next Post
Hugot ni Valentine: ‘Balang araw kaibigan mo rin titira sa’yo sa likod, believe me, masakit talaga!’

Hugot ni Valentine: ‘Balang araw kaibigan mo rin titira sa’yo sa likod, believe me, masakit talaga!’

Broom Broom Balita

  • 7 panukalang batas vs teenage pregnancy, pasado na sa House committee level
  • 2 Japanese senior citizen, pinakamatandang foreigners na nakaakyat sa Mt. Apo
  • Wanted na Japanese dahil sa pamemeke ng kasal, timbog sa Maynila
  • 3 parak, timbog matapos mahulihan ng P1.4-M halaga ng ‘shabu’ sa Cavite
  • Vice Ganda, kinumpirmang okay sila ni Karylle; may pasaring kay Kuya Kim?
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.