• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Tigilan mo kami haha!’ Direk Darryl, inalaska si Juliana sa dahilan ng di pagsipot sa grand finals ng Miss Q&A

Richard de Leon by Richard de Leon
October 24, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
‘Tigilan mo kami haha!’ Direk Darryl, inalaska si Juliana sa dahilan ng di pagsipot sa grand finals ng Miss Q&A

Darryl Yap at Juliana Parizcova Segovia (Screengrab mula sa FB ni Darryl Yap)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Usap-usapan ang pagbabahagi ni Miss Q&A Season 1 title holder Juliana Parizcova Segovia ng screengrab kung paano niya tinanggihan ang anyaya ng isang staff mula sa noontime show na “It’s Showtime”, upang maging guest sa grand finals ng “Miss Q&A Kween of the Multibeks” na ginanap noong Sabado, Oktubre 22.

Ayon kay Juliana, late na niya nabasa ang mensahe, at may prior commitment kaya hindi niya napaunlakan ang naturang imbitasyon.

Huwag raw sanang isipin ng mga taga-Showtime na inisnab niya sila.

Sa caption ng kaniyang FB post, muling pinagdiinan ni Juliana na hindi talaga siya puwede. Nagbigay naman siya ng pagbati sa matagumpay na grand finals, kahit wala ang isa sa mga host nitong si Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda.

“As much as I want to, kaso hindi talaga keri… Thank you @itsshowtime for inviting me… and to all the Queens of Ms.Q and A Season 3 Best of luck and Congratulations.”

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/23/di-keri-juliana-hindi-napaunlakan-ang-imbitasyon-ng-its-showtime-para-sa-miss-qa-grand-finals/

Napa-react naman dito ang direktor ng VinCentiments at patok na pelikulang “Maid in Malacañang” na si Darryl Yap.

Ibinahagi naman ni Yap ang artikulo ng Balita Online at kinomentuhan.

“‘Mali na naman…”

“‘Ayoko po pumunta kasi kaya lang ako pinapupunta dahil wala si Vice, tapos yung mga kaibigan ko pong sumasali— sinasabihan daw sila sa show na wag na wag babanggitin ang pangalan ko’.”

“‘Ganon ang sagot Juliana Parizcova’.”

Ibinahagi rin ni Yap ang naging tila “private message” sa kaniya ni Juliana.

“Hindi ako maka-comment kainis (laughing emojis).”

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/23/mali-raw-darryl-yap-tinuruan-si-juliana-kung-paano-dapat-tinanggihan-paanyaya-ng-staff-sa-its-showtime/

Sa isa pang Facebook post, ibinahagi ni Yap ang isang video ni Juliana habang kunwari ay umiiyak-iyak. Tila hindi kumbinsido ang direktor sa idinahilan ng komedyante kaya hindi ito nagpaunlak.

“Miss Q&A Title Holder, Di pumunta sa Grand Finals.”

“Tigilan mo nga kami Juliana Parizcova.”

“HAHAHAHAHAAHHAAH!”

Juliana Parizcova Segovia (Screengrab mula sa FB ni Darryl Yap)

Sey naman ng mga netizen, sana raw ay natuloy ang pagpunta niya para makita ang reaksiyon niya sa naging sagot ng nagwaging Miss Q&A Season 3 na si Anne Patricia Lorenzo, na may himig-politikal.

Pinag-usapan nang bonggang-bongga sa Twitter universe ang kaniyang naging final answer sa tanong na “Naniniwala ka bang may taong tanga?”

Sey niya, “I believe, oo, naniniwala akong may taong tanga. Bakit? Dahil sinasadya niyang magpakatanga kahit lahat naman tayo ay may kakayahang malaman kung ano ang tama at mali. Nilikha tayong matalino pero choice natin magpakatanga at sila yung mga totoong taong tanga dahil pinipili nila magpakabobo sa sitwasyong kailangan naman nila at kayang-kaya nilang maging matalino.”

Iniugnay ni Lorenzo ang kaniyang sagot sa pagpili ng mga pinuno ng bayan.

“Tulad na lamang sa pagpili ng mga pinuno ng ating bayan. Nagiging tanga tayo dahil alam naman natin kung sino ang may kredibilidad at kakayahan pero nagpapadala pa rin tayo sa mga matatamis na mga salita at ‘yan ang pagkakataong may taong tanga. And I, Thank You!!!”

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/23/may-tao-bang-tanga-final-answer-ni-miss-qa-kween-of-the-multibeks-anne-patricia-lorenzo-usap-usapan/

Matatandaang pinag-usapan ng mga netizen ang hindi umano paglitaw ni Juliana sa opening ng season 3 ng kompetisyon kung saan siya nagwagi at nakilala, bago pumalaot sa mundo ng showbiz.

Sapantaha ng mga netizen, maaaring nabahiran na umano ito ng usaping politikal, dahil sa mga nangyari sa nagdaang kampanya para sa halalan.

Samantala, wala pang tugon o reaksiyon ang kampo ng “It’s Showtime” tungkol dito.

Tags: Anne Patricia LorenzoDarryl YapJuliana Parizcova SegoviaMiss Q&A: Kween of the Multibeks
Previous Post

‘Ang Rebelasyon!’ Wilbert Tolentino, nagsiklab sa post ni Zeinab Harake, may isiniwalat laban sa kaniya

Next Post

‘Paeng’ papasok sa PAR ngayong linggo — PAGASA

Next Post
N. Luzon, posibleng makaranas ng matinding pag-ulan sa bagyong ‘Neneng’

'Paeng' papasok sa PAR ngayong linggo -- PAGASA

Broom Broom Balita

  • Halos ₱15.9M jackpot, napanalunan sa 6/49 Super Lotto draw
  • Kerwin Espinosa, inabsuwelto sa drug trafficking case
  • Sulfur dioxide exposure, ash fall mapanganib sa kalusugan — DOH
  • Canada, pinili ang ‘Pinas na maging lokasyon ng bago nitong Indo-Pacific agri office
  • ‘Chedeng’ lalabas na ng bansa sa Lunes
Sino kaya mananalo? Jackpot sa lotto, posibleng pumalo sa ₱320M

Halos ₱15.9M jackpot, napanalunan sa 6/49 Super Lotto draw

June 9, 2023
Kerwin Espinosa, inabsuwelto sa drug trafficking case

Kerwin Espinosa, inabsuwelto sa drug trafficking case

June 9, 2023
Sulfur dioxide exposure, ash fall mapanganib sa kalusugan — DOH

Sulfur dioxide exposure, ash fall mapanganib sa kalusugan — DOH

June 9, 2023
Canada, pinili ang ‘Pinas na maging lokasyon ng bago nitong Indo-Pacific agri office

Canada, pinili ang ‘Pinas na maging lokasyon ng bago nitong Indo-Pacific agri office

June 8, 2023
‘Rosal’ lumalakas pa rin habang nasa Philippine Sea

‘Chedeng’ lalabas na ng bansa sa Lunes

June 8, 2023
200 pasahero ng nasunog na tren sa Austria, nailikas sa tunnel

200 pasahero ng nasunog na tren sa Austria, nailikas sa tunnel

June 8, 2023

Hontiveros, nadismaya sa pagbasura sa bail petition ni de Lima: ‘Stop this travesty of justice now’

June 8, 2023
Driver’s license backlog, halos 700,000 na!

Driver’s license backlog, halos 700,000 na!

June 8, 2023
Kapulisan sa Central Luzon, nakasamsam ng ₱51M halaga ng iligal na droga sa loob ng mahigit 3 buwan

20 indibidwal, kumalas ng suporta sa CPP-NPA

June 8, 2023
Itinaon sa Father’s Day: 80 taong gulang na ama, nag-suicide sa Cagayan?

19-anyos na bebot, pinagbabaril ng live-in partner, patay

June 8, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.