• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Product na nakakaganda ng ugali’ Whamos Cruz, nag-live selling na lang imbes pumatol sa isyu

Nicole Therise Marcelo by Nicole Therise Marcelo
October 24, 2022
in Balita, Showbiz, Showbiz atbp.
0
‘Product na nakakaganda ng ugali’ Whamos Cruz, nag-live selling na lang imbes pumatol sa isyu

Photos courtesy: Wilbert Tolentino (YouTube) at Zeinab Harake, Whamos Cruz (Facebook),

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Isa si Whamos Cruz sa mga pangalang nadawit sa isyu nina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake, pero imbes na pumatol ay idinaan na lang niya sa pagbebenta ng skin care product ang Facebook live niya nitong Linggo ng gabi, Oktubre 23.

Matatandaang hot topic ngayon sa social media ang latest video ng talent manager-online personality na si Wilbert Tolentino matapos niyang magsagawa ng “rebelasyon” tungkol sa kapwa vlogger at online personality na si Zeinab Harake, dahil lamang sa “parinig post” ng huli.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/24/ang-rebelasyon-wilbert-tolentino-nagsiklab-sa-post-ni-zeinab-harake-may-isiniwalat-laban-sa-kaniya/

“NANAHIMIK LANG AKO DITO EH PINAGLALIVE NIYO KO,” saad ni Whamos sa caption ng Facebook live niya. 

Mapapanood sa nasabing live ang pagbebenta niya ng skin care products na negosyo nila ng kaniyang partner na si Antonette Gail.

Kuwela rin niyang binabasa ang mga komento ng mga netizen na talaga nga naman nakatutok mula nang magpasabog si Wilbert. Bukod kasi kay Whamos, nag-Facebook live rin sina Toni Fowler, Sachzna Laparan, Zeinab Harake, atbp. 

Sinusundutan din ni Whamos ng mga banat ang mga sinasabi niya sa FB live na base sa mga nasabi umano ni Zeinab tungkol sa kanila. Gayunman, sa kabila ng mga isyu, magpapatuloy pa rin si Whamos sa mga ginagawa nila.

“Pagpasensyahan n’yo na nitong gabi… basta guys tuloy tayo kahit anong mangyari sabihin man sa akin ng ibang tao kung anuman ako… go push. Pasok sa puso ko ‘yan… mahal na mahal ko kayo kahit i-bash ninyo ako. Kahit anong sabihin ninyo sa akin sobrang mahal ko kayo,” sey ni Whamos.

“Maraming salamat sa mga naniniwala sa amin at sa patuloy na pagsuporta sa amin. Huwag kayo mag-unsubscribe wala akong kasalanan dito,” biro pa niya.

“Mag-order na kayo para gumanda ‘yung ugali, panlabas tsaka panloob. Ito lunukin n’yo ‘to [lotion] puputi ang loob n’yo.”

Samantala, may mensahe naman ang social media personality kay Wilbert.

“Mommy Wilbert, support kami sa kahit anong magiging genre mo. Mapa-vlogger ka man o hindi, nandito kami para sa inyo,” aniya.

“At syempre sa mga vloggers, guys support kami sa inyo. Alam ni Mommy Toni ‘yan pati ni Tim Sawyer kung gaano namin pinangangalagaan at pinahahalagahan lahat ng mga YouTuber dito sa Pilipinas, maliit man o malaki, basta suportahan natin. Ito lang ‘yung masasabi ko sa inyo, basta kapag alam n’yong umaangat ang isang tao, gawin n’yong inspirasyon kasi baka susunod kayo naman yung umangat,” payo naman niya sa mga aspiring vloggers. 

Tags: Whamos CruzWilbert TolentinoZeinab Harake
Previous Post

Vice Ganda, isa-isang sinagot mga isyung ibinabato sa kaniya, co-hosts ng ‘It’s Showtime’

Next Post

Pakners in life: Maternity shoot ng lesbian at beki couple, viral!

Next Post
Pakners in life: Maternity shoot ng lesbian at beki couple, viral!

Pakners in life: Maternity shoot ng lesbian at beki couple, viral!

Broom Broom Balita

  • Wilbert Tolentino, bet tulungan si Kapuso star Sanya Lopez kung sumabak na rin sa pageantry
  • Lumakas ulit! Magnolia, inubos ng TNT Tropang Giga
  • 2 daan sa Metro Manila, isasara muna dahil sa weekend road reblocking, repair
  • Panourin: ‘Little Maria Clara’ Julie Ann San Jose, tawang-tawa habang kumakanta sa Eat Bulaga
  • Rehabilitasyon ng mga nasirang eskwelahan dulot ng lindol sa Davao de Oro, aabot sa ₱7-M
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.