• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Inaano ko ba kayo?!’ Zeinab, bumuwelta, sinupalpal mga paratang ni Wilbert laban sa kaniya

Richard de Leon by Richard de Leon
October 24, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
‘Inaano ko ba kayo?!’ Zeinab, bumuwelta, sinupalpal mga paratang ni Wilbert laban sa kaniya

Zeinab Harake at Wilbert Tolentino (Screengrab mula sa FB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Pumalag ang vlogger at online personality na nasa hot seat ngayon na si Zeinab Harake dahil sa inilabas na “rebelasyon” ng talent manager at kapwa vlogger na si Wilbert Tolentino laban sa kaniya.

Nag-ugat ang “expose” ni Wilbert dahil sa cryptic post ni Zeinab hinggil sa mga taong akala mo ay mabait at mabuti sa iyo, subalit kung ano-ano naman ang sinasabi at “nanggagago” kapag talikuran na.

Nasaling at nagsiklab si Wilbert dahil marami raw ang nagpapadala sa kaniya ng pribadong mensahe, at tila siya raw ang isa sa mga pinatatamaan ng kaibigan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/24/ang-rebelasyon-wilbert-tolentino-nagsiklab-sa-post-ni-zeinab-harake-may-isiniwalat-laban-sa-kaniya/

Nadawit pa rito ang iba pang mga vlogger at influencers gaya nina Whamoz Cruz, Toni Fowler, at maging si TV host Robi Domingo, matapos ibahagi ni Wilbert ang screenshots ng umano’y “mga pinagsasabi” ni Zeinab tungkol sa kanila.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/24/zeinab-nanghaharang-daw-di-nakikipag-collab-sa-vloggers-na-wala-siya-mapapala-ispluk-ni-wilbert/

Bilang sagot at pagkontra sa mga isiniwalat nito, nagsagawa ng isang Facebook Live si Zeinab kahapon ng Oktubre 23.

Nilinaw ni Zeinab na hindi niya ginamit si Wilbert at ang pera nito, at kung may ibinigay man ito sa kaniya, galing umano ito sa pinagtrabahuhan niya. Kumbaga sa mga artista, sila ring mga vloggers ay may “talent fee”, at noong kasagsagan ng pandemya, kinailangan daw ni Zeinab ng trabaho dahil siya lamang ang inaasahan.

“Bayad po lahat ng mga nakakasama niya,” paglilinaw ni Zeinab.

Nilinaw rin niya isa-isa ang tungkol sa mga inilabas na screenshot ni Wilbert, na nagpapakita ng kaniyang mga sinabi sa iba’t ibang online personality.

Masama rin umano ang loob ni Zeinab kay Wilbert dahil pakiramdam daw niya, ito ang naglabas ng “ispluk” na blind item tungkol sa kanila ng dating karelasyon na si Skusta Clee o Daryl Ruiz.

Ni-reveal din ni Zeinab na talaga umanong “namamahiya” si Wilbert sa iba pang vloggers, kagaya ng ginawa nito sa kaniya sa latest video nito.

“Sobra ang kahihiyang ibinibigay mo sa tao, hindi ako magpapaawa rito, wala akong pakialam sa awa ng kahit na sino. Kailangan ko sarili ko. Wala na akong pakialam kung anong mangyari sa akin after… importante ngayon sa akin, mailabas ko ang totoo,” sey ni Zeinab.

Isiniwalat din ni Zeinab na marami raw sinasabi si Wilbert sa iba pang vloggers kapag nakatalikod na ito, at kagaya ng ginawa nitong pagpapakita ng screenshots ng private message niya sa publiko, ganoon din daw ang ginagawa nito sa iba pa. Cropped umani ito at hindi inilabas ang lahat-lahat.

“Bakit ka ganyan? Tutulong ka, magpiprisinta ka, pagkatapos kapag nagkaroon sa iyo ng utang na loob, isusumbat mo, ipapahiya mo, sasabihin mo lahat… saan yung tulong doon?” sumbat pa ni Zeinab.

Nilinaw din ni Zeinab na ang mga content na ginagawa niya ay sarili niyang pagod, kontra sa sinabi ni Wilbert na ginagamit aniya ni Zeinab ang mga naiisip niyang contents. Wala raw silang utang na loob sa isa’t isa. Siya raw kasi ang nagmumukhang pera batay sa mga rebelasyon ni Wilbert.

Hinikayat ni Zeinab ang iba pang vloggers na naka-collab ni Wilbert na magsalita na rin at magsabi ng totoo tungkol sa mga rebelasyon nito laban sa kaniya.

Tumagal nang halos isang oras ang naging live ni Zeinab.

Tags: Wilbert TolentinoZeinab Harake
Previous Post

Mga fixer, gumagamit na ng social media sites — LTO

Next Post

Operasyon ng Mactan-Cebu airport, suspendido pa rin

Next Post
Operasyon ng Mactan-Cebu airport, suspendido pa rin

Operasyon ng Mactan-Cebu airport, suspendido pa rin

Broom Broom Balita

  • Elisse Joson, eeksena sa ‘Dirty Linen’
  • Pari, hinarang sa checkpoint; inakalang may sakay na bangkay ng sinalvage sa sasakyan
  • Business tarpaulin ng grilled balut vendor, kinagigiliwan ng netizens!
  • Kira Balinger, di nang-aahas ng boylet: ‘I do not steal men… they come to me!’
  • Wilbert Ross, biktima ng ‘power tripper’ sa It’s Showtime; dumaan sa depresyon
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.