• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘May tao bang tanga?’ Final answer ni Miss Q&A Kween of the Multibeks Anne Patricia Lorenzo, usap-usapan

Richard de Leon by Richard de Leon
October 23, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
‘May tao bang tanga?’ Final answer ni Miss Q&A Kween of the Multibeks Anne Patricia Lorenzo, usap-usapan

Anne Patricia Lorenzo (Larawan mula sa IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Itinanghal na “Miss Q&A Kween of the Multibeks” ng noontime show na “It’s Showtime” ang kalahok na si Anne Patricia Lorenzo, sa ginanap na “Miss Q&A Queenfinity War” kahapon ng Sabado, Oktubre 23, 2022.

Pinag-usapan nang bonggang-bongga sa Twitter universe ang kaniyang naging final answer sa tanong na “Naniniwala ka bang may taong tanga?”

Sey niya, “I believe, oo, naniniwala akong may taong tanga. Bakit? Dahil sinasadya niyang magpakatanga kahit lahat naman tayo ay may kakayahang malaman kung ano ang tama at mali. Nilikha tayong matalino pero choice natin magpakatanga at sila yung mga totoong taong tanga dahil pinipili nila magpakabobo sa sitwasyong kailangan naman nila at kayang-kaya nilang maging matalino.”

Iniugnay ni Lorenzo ang kaniyang sagot sa pagpili ng mga pinuno ng bayan.

“Tulad na lamang sa pagpili ng mga pinuno ng ating bayan. Nagiging tanga tayo dahil alam naman natin kung sino ang may kredibilidad at kakayahan pero nagpapadala pa rin tayo sa mga matatamis na mga salita at ‘yan ang pagkakataong may taong tanga. And I, Thank You!!!”

Larawan mula sa FB page ng Pageant Aficionado

Bukod sa titulo, si Lorenzo rin ang nakakuha ng “Madlang Pi-Poll Choice Award”.

Sa kaniyang Instagram post matapos ang timpalak, sinabi ni Lorenzo na ito ang kaniyang “priceless moment of her life”.

View this post on Instagram

A post shared by Anne Patricia Lorenzo (@annepatricialorenzo_)

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

“Very palaban na sagot, judging from this, I know na ano patutunguhan niya sa next level ng International competition. If any. Anyone who dip their feet in Philippine politics especially from the world of pageantry… Di talaga nananalo. Not because they do not deserve to win, not because they are not beautiful enough, or intelligent enough. There is a bigger invisible factor that plays here. The power of want.”

“Dami na naman basher nito for sure. Walang masama sa sagot niya base sa pagkakaintindi ko. Yung sagot niya kasi pang-general, di siya nagsabi ng any position in the government. Kundi nilahat talaga niya! May point naman siya.”

“Maganda ang sagot ngunit ung last na bahagi parang nag pasipsip sa station ang point. Hehehe! Just saying. Congrats!”

“Hahaha. Tama naman pero dapat set aside mo ang politics kasi it will lead you down.”

“Sa kaniya na talaga!!! Kahit ang galing ng Karen, as in ramdam ko na sa kaniya talaga ang crown.”

Samantala, trending din si Vice Ganda dahil wala siya sa aktuwal na grand finals. Kaagad namang nagpaliwanag sa madlang pipol at madlang netizen ang Unkabogable Phenomenal Star sa pamamagitan ng tweets.

Tags: Anne Patricia Lorenzofinal answerMiss Q&A Queenfinity WarMiss Q&A: Kween of the Multibekstanga
Previous Post

Estudyanteng netizen, ibinahagi ang ‘pinakamasaya’, ‘pinakamasarap’ na assignment

Next Post

‘Di keri!’ Juliana, hindi napaunlakan ang imbitasyon ng ‘It’s Showtime’ para sa Miss Q&A Grand Finals

Next Post
‘Di keri!’ Juliana, hindi napaunlakan ang imbitasyon ng ‘It’s Showtime’ para sa Miss Q&A Grand Finals

'Di keri!' Juliana, hindi napaunlakan ang imbitasyon ng 'It's Showtime' para sa Miss Q&A Grand Finals

Broom Broom Balita

  • Unang gintong medalya ng Pilipinas, nakuha ni pole vaulter EJ Obiena sa Asian Games
  • Bulacan warehouse raid: Smuggling case vs rice importers, isinampa ng BOC
  • ‘Jenny’ bahagyang lumakas, kumikilos pa-northwest sa PH Sea
  • Nicole Borromeo, ready nang sumabak sa Miss International 2023
  • Bebot tinaga ang kainumang lalaki sa Quezon
Unang gintong medalya ng Pilipinas, nakuha ni pole vaulter EJ Obiena sa Asian Games

Unang gintong medalya ng Pilipinas, nakuha ni pole vaulter EJ Obiena sa Asian Games

October 1, 2023
₱40M ‘smuggled’ na bigas nadiskubre sa Las Piñas, Cavite

Bulacan warehouse raid: Smuggling case vs rice importers, isinampa ng BOC

September 30, 2023
‘Jenny’ bahagyang lumakas, kumikilos pa-northwest sa PH Sea

‘Jenny’ bahagyang lumakas, kumikilos pa-northwest sa PH Sea

September 30, 2023
Nicole Borromeo, ready nang sumabak sa Miss International 2023

Nicole Borromeo, ready nang sumabak sa Miss International 2023

September 30, 2023
Pulisya, pinaghahanap ang 16-anyos na lalaki na sumaksak sa 2 menor de edad sa Tondo

Bebot tinaga ang kainumang lalaki sa Quezon

September 30, 2023
Lolit puring-puri si Jillian Ward

Lolit puring-puri si Jillian Ward

September 30, 2023
54.49% ng mga kumuha ng Physician Licensure Exam, pasado!

F2F oathtaking para sa bagong master plumbers, kasado na

September 30, 2023
Higit ₱10M shabu, huli sa Iloilo

Higit ₱10M shabu, huli sa Iloilo

September 30, 2023
Sali rin sa military drills: Canadian Navy vessel, dumating sa Pilipinas

Sali rin sa military drills: Canadian Navy vessel, dumating sa Pilipinas

September 30, 2023
‘Jenny’ bumagal habang kumikilos pa-northwest sa PH Sea

‘Jenny’ bumagal habang kumikilos pa-northwest sa PH Sea

September 30, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.