• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Mali raw’; Darryl Yap, tinuruan si Juliana kung paano dapat tinanggihan paanyaya ng staff sa ‘It’s Showtime’

Richard de Leon by Richard de Leon
October 23, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
‘Mali raw’; Darryl Yap, tinuruan si Juliana kung paano dapat tinanggihan paanyaya ng staff sa ‘It’s Showtime’

Darryl Yap at Juliana Parizcova Segovia (Larawan mula sa FB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nag-react ang direktor ng VinCentiments at patok na pelikulang “Maid in Malacañang” na si Darryl Yap sa Facebook post ni Miss Q&A Season 1 Juliana Parizcova Segovia, hinggil sa maayos na pagtanggi nitong mapaunlakan ang imbitasyon ng isang staff mula sa noontime show na “It’s Showtime”, para sa grand finals ng “Miss Q&A Kween of the Multibeks” na ginanap nitong Sabado, Oktubre 22, 2022.

Ayon kay Juliana, late na niya nabasa ang mensahe, at may prior commitment kaya hindi niya napaunlakan ang naturang imbitasyon.

Huwag raw sanang isipin ng mga taga-Showtime na inisnab niya sila.

Sa caption ng kaniyang FB post, muling pinagdiinan ni Juliana na hindi talaga siya puwede. Nagbigay naman siya ng pagbati sa matagumpay na grand finals, kahit wala ang isa sa mga host nitong si Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda.

“As much as I want to, kaso hindi talaga keri… Thank you @itsshowtime for inviting me… and to all the Queens of Ms.Q and A Season 3 Best of luck and Congratulations.”

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/23/di-keri-juliana-hindi-napaunlakan-ang-imbitasyon-ng-its-showtime-para-sa-miss-qa-grand-finals/

Ibinahagi naman ni Yap ang artikulo ng Balita Online at kinomentuhan.

“‘Mali na naman…”

“‘Ayoko po pumunta kasi kaya lang ako pinapupunta dahil wala si Vice, tapos yung mga kaibigan ko pong sumasali— sinasabihan daw sila sa show na wag na wag babanggitin ang pangalan ko’.”

“‘Ganon ang sagot Juliana Parizcova’.”

Ibinahagi rin ni Yap ang naging tila “private message” sa kaniya ni Juliana.

“Hindi ako maka-comment kainis (laughing emojis).”

Screengrab mula sa FB ni Darryl Yap

Matatandaang pinag-usapan ng mga netizen ang hindi umano paglitaw ni Juliana sa opening ng season 3 ng kompetisyon kung saan siya nagwagi at nakilala, bago pumalaot sa mundo ng showbiz.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/03/juliana-parizcova-segovia-hinanap-ng-madlang-pipol-sa-miss-qa/

Sapantaha ng mga netizen, maaaring nabahiran na umano ito ng usaping politikal, dahil sa mga nangyari sa nagdaang kampanya para sa halalan.

Samantala, wala pang tugon o reaksiyon ang kampo ng “It’s Showtime” tungkol dito.

Tags: Darryl YapIt's ShowtimeJuliana Parizcova SegoviaMiss Q&A: Kween of the Multibeks
Previous Post

Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Next Post

Toni Gonzaga, binasag na ang katahimikan hinggil sa isyu ng pag-alis sa ABS-CBN, paglipat sa ALLTV

Next Post
Toni Gonzaga, binasag na ang katahimikan hinggil sa isyu ng pag-alis sa ABS-CBN, paglipat sa ALLTV

Toni Gonzaga, binasag na ang katahimikan hinggil sa isyu ng pag-alis sa ABS-CBN, paglipat sa ALLTV

Broom Broom Balita

  • Toni Fowler, ‘bumoses’ sa kasong kriminal na isinampa ng socmed broadcasters
  • Rendon Labador nag-sorry kina Michael V, Vice Ganda, atbp
  • Bagyong Jenny lumakas pa, ganap nang tropical storm
  • Desisyon sa hirit na fare increase sa PUJs, ilalabas sa Okt. 3
  • 3 miyembro ng NPA, patay sa sagupaan sa Iloilo
Rendon Labador nag-sorry kina Michael V, Vice Ganda, atbp

Rendon Labador nag-sorry kina Michael V, Vice Ganda, atbp

September 30, 2023
Bagyong Jenny lumakas pa, ganap nang tropical storm

Bagyong Jenny lumakas pa, ganap nang tropical storm

September 30, 2023
₱10 pasahe sa jeep, pag-aaralan muna ng LTFRB

Desisyon sa hirit na fare increase sa PUJs, ilalabas sa Okt. 3

September 29, 2023
3 miyembro ng NPA, patay sa sagupaan sa Iloilo

3 miyembro ng NPA, patay sa sagupaan sa Iloilo

September 29, 2023
(Manila Bulletin File Photo)

BSKE: DQ petitions vs 35 kandidato, isinampa — Comelec

September 29, 2023
Para kanino ang Build, Build, Build?

Ang Digitalisasyon ng Hungary

September 29, 2023
Marcos, namudmod ng puslit na bigas sa Dinagat Islands

Marcos, namudmod ng puslit na bigas sa Dinagat Islands

September 29, 2023
MTRCB, humiling ng dagdag na ₱5-M budget para sa ‘honorarium’ ng board members

MTRCB, humiling ng dagdag na ₱5-M budget para sa ‘honorarium’ ng board members

September 29, 2023
Mas maagang pagbibigay ng cash incentives para sa seniors, isinusulong ni Cong. Abante

Mas maagang pagbibigay ng cash incentives para sa seniors, isinusulong ni Cong. Abante

September 29, 2023
Manila LGU, humakot ng parangal sa Cities and Municipalities Competitiveness Index Awards

Manila LGU, humakot ng parangal sa Cities and Municipalities Competitiveness Index Awards

September 29, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.