• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Di keri!’ Juliana, hindi napaunlakan ang imbitasyon ng ‘It’s Showtime’ para sa Miss Q&A Grand Finals

Richard de Leon by Richard de Leon
October 23, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
‘Di keri!’ Juliana, hindi napaunlakan ang imbitasyon ng ‘It’s Showtime’ para sa Miss Q&A Grand Finals

Juliana Parizcova Segovia at Anne Patricia Lorenzo (Larawan mula sa FB/IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ibinahagi ng kauna-unahang “Miss Q&A” ng noontime show na “It’s Showtime” na si Juliana Parizcova Segovia na hindi niya napagbigyan ang hiling ng staff ng noontime show, na kung puwede ba siyang dumalo nang live sa gaganaping grand finals ng “Miss Q&A Kween of the Multibeks” na tinawag nilang “Miss Q&A Queenfinity War”.

Makikita sa latest Facebook post ni Juliana ang screengrab ng usapan nila ng isang staff mula sa noontime show kung saan iniimbitahan siya nito sa live telecast ng grand finals nitong Sabado, Oktubre 22, 2022.

Tumugon naman dito si Juliana at magalang na tumanggi dahil may shooting pa raw siya.

“Pasabi po sa Showtime goodluck at maraming salamat sa imbitasyon…”

Hirit pa ni Juliana, sana raw ay huwag masamain ng staff ang kaniyang pagtanggi.

“Wag po sanang isipin nila na inisnab ko sila. Salamat po.”

Sa caption ng kaniyang FB post, muling pinagdiinan ni Juliana na hindi talaga siya puwede. Nagbigay naman siya ng pagbati sa matagumpay na grand finals, kahit wala ang isa sa mga host nitong si Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda.

“As much as I want to, kaso hindi talaga keri… Thank you @itsshowtime for inviting me… and to all the Queens of Ms.Q and A Season 3 Best of luck and Congratulations.”

Matatandaang pinag-usapan ng mga netizen ang hindi umano paglitaw ni Juliana sa opening ng season 3 ng kompetisyon kung saan siya nagwagi at nakilala, bago pumalaot sa mundo ng showbiz. Sapantaha ng mga netizen, maaaring nabahiran na umano ito ng usaping politikal, dahil sa mga nangyari sa nagdaang kampanya para sa halalan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/03/juliana-parizcova-segovia-hinanap-ng-madlang-pipol-sa-miss-qa/

Samantala, ang itinanghal namang Miss Q&A Kween of the Multibeks ay si Anne Patricia Lorenzo.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/23/may-tao-bang-tanga-final-answer-ni-miss-qa-kween-of-the-multibeks-anne-patricia-lorenzo-usap-usapan/

Tags: It's ShowtimeJuliana Parizcova SegoviaMiss Q&A Season 1Miss Q&A: Kween of the Multibeks
Previous Post

‘May tao bang tanga?’ Final answer ni Miss Q&A Kween of the Multibeks Anne Patricia Lorenzo, usap-usapan

Next Post

‘I love chicken nuggets!’ Customized cake ng isang bakeshop sa Bulacan, inspired sa junakis ni Melai

Next Post
‘I love chicken nuggets!’ Customized cake ng isang bakeshop sa Bulacan, inspired sa junakis ni Melai

'I love chicken nuggets!' Customized cake ng isang bakeshop sa Bulacan, inspired sa junakis ni Melai

Broom Broom Balita

  • Unang gintong medalya ng Pilipinas, nakuha ni pole vaulter EJ Obiena sa Asian Games
  • Bulacan warehouse raid: Smuggling case vs rice importers, isinampa ng BOC
  • ‘Jenny’ bahagyang lumakas, kumikilos pa-northwest sa PH Sea
  • Nicole Borromeo, ready nang sumabak sa Miss International 2023
  • Bebot tinaga ang kainumang lalaki sa Quezon
Unang gintong medalya ng Pilipinas, nakuha ni pole vaulter EJ Obiena sa Asian Games

Unang gintong medalya ng Pilipinas, nakuha ni pole vaulter EJ Obiena sa Asian Games

October 1, 2023
₱40M ‘smuggled’ na bigas nadiskubre sa Las Piñas, Cavite

Bulacan warehouse raid: Smuggling case vs rice importers, isinampa ng BOC

September 30, 2023
‘Jenny’ bahagyang lumakas, kumikilos pa-northwest sa PH Sea

‘Jenny’ bahagyang lumakas, kumikilos pa-northwest sa PH Sea

September 30, 2023
Nicole Borromeo, ready nang sumabak sa Miss International 2023

Nicole Borromeo, ready nang sumabak sa Miss International 2023

September 30, 2023
Pulisya, pinaghahanap ang 16-anyos na lalaki na sumaksak sa 2 menor de edad sa Tondo

Bebot tinaga ang kainumang lalaki sa Quezon

September 30, 2023
Lolit puring-puri si Jillian Ward

Lolit puring-puri si Jillian Ward

September 30, 2023
54.49% ng mga kumuha ng Physician Licensure Exam, pasado!

F2F oathtaking para sa bagong master plumbers, kasado na

September 30, 2023
Higit ₱10M shabu, huli sa Iloilo

Higit ₱10M shabu, huli sa Iloilo

September 30, 2023
Sali rin sa military drills: Canadian Navy vessel, dumating sa Pilipinas

Sali rin sa military drills: Canadian Navy vessel, dumating sa Pilipinas

September 30, 2023
‘Jenny’ bumagal habang kumikilos pa-northwest sa PH Sea

‘Jenny’ bumagal habang kumikilos pa-northwest sa PH Sea

September 30, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.