• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

NBI sa pagkamatay ng ‘middleman’: ‘No sign of external physical injury’

Rommel Tabbad by Rommel Tabbad
October 22, 2022
in Balita
0
NBI sa pagkamatay ng ‘middleman’: ‘No sign of external physical injury’
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Wala umanong nakitang tama ng bala ng baril o anumang external physical injury sa bangkay ng namatay na umano’y “middleman” sa pagpatay sa mamamahayag na si Percival “Percy Lapid” Mabasa, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI).

“The heart showed a hemorrhagic area over the left ventricle. The mitral valve is sclerotic, which could indicate previous illnesses or valvular infection,” ayon sa inilabas memorandum ni NBI medico-legal officer Marivic Villarin-Floro kung saan tinukoy ang naging findings ng kanilang awtopsiya sa bangkay ni Jun Globa Villamor.

Si Villarin-Floro ang namumuno sa Task Force Villamor.

Naiulat na kinunan ng tissue samples ang labi ni Villamor para isailaim sa histopathology at general toxicology tests.

Matatandaang dead on arrival sa National Bilibid Hospital si Villamor nitong Oktubre 18, dakong 2:05 ng hapon matapos umanong “mawalan ng malay” habang nakakulong sa nasabing maximum security compound, batay na rin sa pahayag ni Bureau of Corrections (BuCor) spokesperson Gabriel Chaclag.

Sinabi ng NBI na “unremarkable” ang kanilang findings matapos masuri ang leeg ni Villamor at internarnal structures nito.

Negatibo rin sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) si Villamor matapos isailalim sa rapid antigen test, ayon sa NBI.

Isinailalim din ito sa paraffin test kung saan naging negatibo ang resulta nito.

Sa pahayag naman ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla, hindi muna nila isinasantabi ang anggulong nagkaroon ng foul play sa pagkamatay ni Villamor.

Aniya, kokonsultahin nila ang mga doktor na siyang maaaring makasagot sa usapin.

Si Villamor ay itinuturo ng self-confessed gunman na si Joel Escorial na “middleman” o nag-utos sa kanilang grupo na patayin si Mabasa sa BF Resort Village sa Las Piñas City noong Oktubre 3.

Namatay si Villamor apat na oras matapos iharap sa publiko si Escorial nitong Oktubre 18.

Previous Post

Rayver, flinex si ‘Maria Clara’; anong sey sa malisya ng netizen sa kanila ng pinsang si Sunshine?

Next Post

Pilipinas, pasok sa top 10 ‘friendliest countries in the world’ ng isang travel website

Next Post
Pilipinas, pasok sa top 10 ‘friendliest countries in the world’ ng isang travel website

Pilipinas, pasok sa top 10 ‘friendliest countries in the world’ ng isang travel website

Broom Broom Balita

  • Mga magbababoy, nagpapasaklolo na sa gobyerno vs African swine fever
  • ‘Tita lang po ako!’ Babaeng napagkakamalang ina, naglagay ng ‘disclaimer’ sa likod
  • Guro sa kindergarten, kinaaliwan dahil sa iba’t ibang uri ng palakpak
  • Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
  • Sparkle artists na isasabak sa bagong Eat Bulaga, lagyan daw ng name plate
‘Tita lang po ako!’ Babaeng napagkakamalang ina, naglagay ng ‘disclaimer’ sa likod

‘Tita lang po ako!’ Babaeng napagkakamalang ina, naglagay ng ‘disclaimer’ sa likod

June 4, 2023
Guro sa kindergarten, kinaaliwan dahil sa iba’t ibang uri ng palakpak

Guro sa kindergarten, kinaaliwan dahil sa iba’t ibang uri ng palakpak

June 4, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

June 4, 2023
Sparkle artists na isasabak sa bagong Eat Bulaga, lagyan daw ng name plate

Sparkle artists na isasabak sa bagong Eat Bulaga, lagyan daw ng name plate

June 4, 2023
‘Mala-tigre na!’ Pusang sinlaki ng Siberian husky, pukaw-atensyon

‘Mala-tigre na!’ Pusang sinlaki ng Siberian husky, pukaw-atensyon

June 4, 2023
PCSO: P29.7M jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, napanalunan na rin ng taga-Batangas

2 mananaya, maghahati sa P42.7- M Lotto 6/42 jackpot prize

June 4, 2023
Dagdag P1.10 per liter sa gasolina, asahan sa June 29

Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, asahan sa Martes

June 3, 2023
10 boya, ‘di inaalis sa WPS — PCG

10 boya, ‘di inaalis sa WPS — PCG

June 3, 2023
Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano

Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano

June 3, 2023
Pamamahagi ng booster shots, mabagal na ipinatutupad sa PH — NTF adviser

Unang bugso ng bivalent Covid-19 vaccines, darating sa bansa ngayong Sabado

June 3, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.