• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Partner ni Sheryn Regis, pumatol sa ‘utak ipis’ na fan umano ni Morissette Amon

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
October 19, 2022
in Showbiz atbp.
0
Partner ni Sheryn Regis, pumatol sa ‘utak ipis’ na fan umano ni Morissette Amon

Morissette Amon at Sheryn Regis/Twitter (kaliwa), Mel de Guia at Sheryn Regis/Instagram (kanan)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hindi nakapagtimpi si Mel de Guia, kasintahan ni Sheryn Regis, sa isang tagahanga umano ni “Asia’s Phoenix” Morissette Amon matapos tila pagsabungin ang Cebuana singers kasunod ng kanilang viral na bakulawan sa kantang “Gusto Ko Nang Bumitaw.”

Sa screenshot ng YouTube comments na ibinahagi ni Mel sa kaniyang Twitter nitong Martes, isang fan ni Morissette ang walang habas na naglitanya ukol sa “down” nang karera ng tinaguriang “Crystal Voice of Asia.”

“Opo! Marunong po ako pumatol sa mga utak ipis na to! Inaano ba kayo ni Sheryn? Mori mga fans mo, nalimutan ata itake ang GMRC,” mababasa sa tweet ni Mel kalakip ang mga nasabing screenshot ng mga komento.

Dagdag ng fan, dapat daw pasalamatan ni Sheryn si Morissette na nagpasikat sa kantang “Gusto Ko Nang Bumitaw” na aniya’y “patay na kanta” ng Pinay diva.

Kasama si Michiko Unso, sina Jonathan at Sheryn ang nagsulat ng trending na piyesa at unang napakinggan at nai-release noong Setyembre 2021.

Inilabas naman ang version ni Morissette noong Pebrero ngayong taon bilang isa sa soundtrack ng patok noon na “The Broken Marriage Vow” ng ABS-CBN.

Sa isang mahabang tugon, diretsang pinalagan ng partner ni Sheryn ang mga kargadong komento ng naturang fan.

“Seems like you don’t know what really happened. 1st, what money are you talking about? Mukhang di mo talaga alam ang industry nila,” pagsisimula ni Mel.

“2nd, nirelease ni Sheryn yang kanta nya OCT 2021 then 2 months lang they decided na gawing Themesong ng TBMV at ipakanta kay Morisette. Hindi pa napropromote masyado yung single dahil may SCHEDULE na tinatawag to promote. Hindi nabigyan ng pagkakataon si Sheryn in short. Why? Dahil ipapalabas na ang TBMV at syempre ayon ang themesong na araw araw mo maririnig kaya tatatak sa isip mo.

“3rd, Comeback sana ni Sheryn yan. Pero ano ginawa ni Sheryn? Nirespeto nya desisyon ng StarMusic na ipakanta kay Morisette yung comeback song sana nya. Kung talagang may alam ka sana alam mo na sailing kwento ni Sheryn yang GKNB kaya nabuo yan. Trinaslate yung journal nya from English to Tagalog at dinagdagan ni Sir. Jonathan at binigyan ng kulay pa.

“Kaya sino ka para magmagaling at sabihan si Sheryn ng ganyan?? Walang masama mag-idolo sa hinahangaan mo, wag mo lang pagsalitaan ng hindi tama ang kapwa mo dahil lang gusto mo maangat yang pinaglalaban mo. STOP COMPARING! Ay wait asa pilipinas nga pala tayo kung saan feeling entitled lahat. Kung kaharap ko lang ulit si Morissette ngayon sasabihin ko ang TOTOXIC NG FANS nya. Kavo ang sumisira sa iniidolo nyo. Sana masarap ulam no bukas,” sunod-sunod na pagpatol ni Mel.

Opo! Marunong po ako pumatol sa mga utak ipis na to! Inaano ba kayo ni Sheryn? Mori mga fans mo, nalimutan ata itake ang GMRC.

Btw, Di pa ko tapos sa issue ng “BLOCKING” na yan. Sana nainform kami nung magkakaharap at magkakasama naman kami sa DRESSING ROOM. pic.twitter.com/FenDrQsYg9

— Mel de Guia (@meldeguiaaa) October 17, 2022

Wala pang reaksyon si Morissette ukol sa isyu.

Paglilinaw naman ng kasintahan ni Sheryn, “Btw [By the way], sobrang goods samin ni Inday Mori, specially kapwa bisaya. To all the fans ni Sheryn and Mori, please be kind. They both deserve the love, support and respect. Ok naman sila at pareho magaling, ba’t pinagsasabong nyo?”

Basahin: PANOURIN: Bakulawan nina Morissette, Sheryn sa kantang ‘Gusto Ko Nang Bumitaw,’ hinangaan ng fans – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nauna nang pinasalamatan  ng “Asia’s Phoenix” pareho sina Sheryn at Jonathan Manalo para sa pagbibigay-buhay sa OPM hit.

Noong nakaraang buwan, kinilala ang “Gusto Ko Nang Bumitaw” bilang “Best Theme Song” sa Asian Academy Creative Awards.

Tags: Mel De GuiaMorissSheryn Registwitteryoutube
Previous Post

Mother Tongue, pinag-aaralan pa ring alisin bilang subject — DepEd

Next Post

Manay Lolit, lumabag sa alituntunin ng PAMI, ipinatanggal: ‘Tanggap ko ang parusa’

Next Post
Manay Lolit Solis, ‘talagang dusa,’ ‘di ramdam ang pag-asa sa kaniyang pagpapa-dialysis

Manay Lolit, lumabag sa alituntunin ng PAMI, ipinatanggal: ‘Tanggap ko ang parusa’

Broom Broom Balita

  • Robert Bolick, balik-NorthPort na!
  • ‘Gusto mo giyera, nakahanda ako!’ Cristy, tinalakan si Willie matapos ang ‘litanya’ sa Wowowin
  • Willie, nagsiklab; may kontra-banat sa ilang showbiz personalities na may ‘utang na loob’ sa kaniya
  • DAR, namahagi ng lupa sa mga magsasaka sa bansa
  • DA, naglaan ng P326-M para mapalakas ang produksyon ng sibuyas sa bansa
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.