• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Sharon, first time kantahin ang ‘Bituing Walang Ningning’ sa concert matapos ang pagpanaw ni Cherie

Richard de Leon by Richard de Leon
October 18, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
Sharon, first time kantahin ang ‘Bituing Walang Ningning’ sa concert matapos ang pagpanaw ni Cherie

Sharon Cuneta at Cherie Gil (Larawan mula sa IG/Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Naging matagumpay ang unang araw ng concert ni Megastar Sharon Cuneta sa Australia, ayon sa kaniyang pagbibigay ng update sa Instagram.

Ang concert na ito ay may pamagat na “Love, Sharon”.

Inawit ni Mega ang kaniyang iconic songs, gaya na lamang ng “Bituing Walang Ningning”, ilang buwan matapos ang pagpanaw ng kaniyang matalik na kaibigang si Cherie Gil.

Ito rin ang theme song at titulo ng kanilang pinagsamahang pelikula kung saan gumanap sila bilang “Dorina Pineda” at “Lavinia Arguelles”.

Aniya, first time niyang awitin ang naturang iconic song sa isang concert, na wala na ang kaniyang pinakamamahal na kaibigan. Kaya naman, naging emosyunal si Shawie nang awitin niya ito.

Hindi raw niya alam kung paano niya kakantahin ito, subalit naramdaman daw niya ang presensya ni Cherie nang gagawin na niya ang pag-awit.

“First time to sing ‘Bituing Walang Ningning’ in a concert since my Cherie passed two months and eleven days ago…”

“Di ko alam paano ko kakantahin kagabi… but I know somehow that she was right beside me…”

View this post on Instagram

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

Inihayag sa social media ang pagpanaw ng beteranang aktres noong Agosto 5. Ilan sa mga showbiz personalities na nag-post nito ay sina Annabelle Rama at Lara Morena. Kinumpirma naman ito ng pamangkin ni Cherie na si Sid Lucero.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/07/mga-anak-ni-cherie-gil-naglabas-ng-opisyal-na-pahayag-detalye-hinggil-sa-pagpanaw-ng-kanilang-ina/

Naikuwento ni Mega na tumulak siya pa-Amerika upang makasama sa huling pagkakataon ang kaibigang pumanaw dahil sa cancer.

Matatandaang noong Pebrero, nagulantang ang lahat nang magpakalbo si Cherie at ibenta umano ang kaniyang mga ari-arian, at namuhay na lamang sa ibang bansa. Naitampok pa siya sa isang lifestyle magazine. Ang pagpapakalbo umano ay simbolo ng kaniyang “rebirth”. Lingid sa kaalaman ng publiko ay may iniinda na palang sakit ang tinaguriang “La Primera Contravida”.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/07/cherie-gil-nanggulat-sa-rebirth-look-sumailalim-umano-sa-therapy-counseling/

Kahit saan daw magpunta si Mega ay patuloy niyang naaalala si “Lavinia Arguelles”. Pakiramdam ni Shawie, kalahati ng kaniyang pagkatao ang nawala, kasabay ng pagpanaw ng aktres.

“Wherever I go… you are with me… No DORINA without LAVINIA… I feel like about half of me is missing… I really miss you…18 days now and it’s like I lost you just yesterday, my Chichi… I will love you always…” ani Sharon sa caption ng kaniyang IG post, Agosto 23.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/08/sharon-cuneta-patuloy-na-nagdadalamhati-sa-pagpanaw-ni-cherie-gil/

Pakiramdam daw niya, kalahati ng buhay niya ay nawala dahil sa maagang pagpanaw ng kaibigan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/24/sharon-naghihinagpis-pa-rin-sa-pagpanaw-ni-cherie-i-feel-like-about-half-of-me-is-missing/

Samantala, kamakailan lamang ay muling pinag-usapan si Shawie dahil sa pagtataboy sa kaniya sa isang designer brand store sa South Korea.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/03/sharon-cuneta-winasak-ang-katahimikan-tungkol-sa-di-pagpapapasok-sa-kaniya-sa-hermes-store/

Naibalita pa ito sa South Korea at umani ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa mga lokal doon.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/05/megastar-inokray-ng-k-netz-viral-vlog-nag-landing-sa-isang-south-korean-news-website/

Matapos nito, usap-usapan naman ang kaniyang slim figure nang dumalo siya bilang guest performer sa isang event para sa mga guro.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/17/ambilis-naman-mga-netizen-samut-sari-ang-reaksiyon-sa-pagbulaga-ng-kapayatan-ni-mega/

Tags: Australia concertBituing Walang Ningningcherie gilsharon cuneta
Previous Post

Isinampang cyberlibel case ni Quiboloy kay Pacquiao, ibinasura ng Davao City Prosecutor’s Office

Next Post

Paul Soriano, sasahod lang ng ₱1 kada taon bilang presidential adviser

Next Post
Paul Soriano, sasahod lang ng ₱1 kada taon bilang presidential adviser

Paul Soriano, sasahod lang ng ₱1 kada taon bilang presidential adviser

Broom Broom Balita

  • Tres ni McCree, sumablay: Magnolia, taob sa Converge
  • ‘Man’s best friend indeed!’ PWD, kaagapay sa buhay ang kaniyang aso
  • ‘Para kay Mother Earth!’ Proyektong ‘Kuha Sa Tingi,’ inilunsad sa San Juan City
  • PhilHealth premium hike, pinasususpindi ng 5 kongresista
  • Comelec, muling hinikayat ang publiko na magparehistro bago ang nalalapit na deadline
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.