• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Para mapalakas ang PH showbiz industry, taripa para sa foreign shows, isinusulong ni Padilla

Balita Online by Balita Online
October 18, 2022
in Balita, National / Metro
0
‘Sana nga!’ Manay Lolit, umaasa na susugpuin ni Senador Padilla ang korapsyon sa gov’t

Sen. Robin Padilla/Larawan ng Senate PRIB

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Layong patawan ng taripa ng movie star at ngayo’y Senador Robinhood “Robin” Padilla ang mga katapat na materyales mula sa ibang bansa upang matulungan ang lokal na industriya ng pelikula na makabuo ng mas maraming pelikula at teleseryeng Pilipino.

Sinabi ni Padilla na ang mga malilikom na pondo mula sa mga taripa ng mga “imported” na palabas ay maaaring gamitin sa pagbibigay ng tulong sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa industriya ng pelikula.

“Maaari po bang gawan natin ng paraan na taasan ang tax nitong mga foreign series na pumapasok sa atin? Kahit paano po ang subsidy na makukuha, bigay natin sa mga manggagawa sa industriya natin sa local… Sampahan natin itong mga pagpasok ng foreign dahil maraming nawawalan ng trabaho dito,” aniya sa isang Senate hearing sa panukalang budget ng Film Development Council of Pilipinas (FDCP) para sa 2023.

Sinuportahan din ni Padilla ang pagbibigay ng karagdagang pondo sa FDCP para sa pagpapanumbalik ng mga lumang pelikula sa Pilipinas, gayundin ang pagnanais ng FDCP na magkaroon ng sariling gusali na may sariling vault para mapanatili ang mga lumang pelikulang Pilipino.

Ayon kay FDCP Chairman Tirso Cruz III, ang gusali ay tatagal ng hindi bababa sa 40 hanggang 50 taon, at ang P500,000 buwanang upa ay maaaring i-realign sa pagtulong sa mga manggagawa sa industriya ng pelikula, lalo na sa mga batang direktor at scriptwriters.

Gayundin, suportado ni Padilla ang ideya ng paggawa ng mga tourism sites sa mga lugar kung saan ginawa ang mga pelikulang Pilipino.

“Ang pelikula pag tiningnan natin investment na ito habang buhay. Kung preserved or restored walang pagtanda dito. Kasaysayan ito, kultura. Ito masasabi na treasure natin,” dagdag niya.

“Dito sa Southeast Asia tayo unang gumawa ng pelikula at palagi tayong nananalong best actor, best picture sa Asia. Lahat po ay nagmamalasakit sa pelikulang Pilipino. Siguro ito ang umpisa na makaabante tayo,” aniya.

Mario Casayuran

Tags: Philippine showbiz industrySenador Robin Padilla
Previous Post

F2F classes, suportado pa rin ng DOH sa kabila ng bagong Covid-19 subvariant sa bansa

Next Post

450 solo parents sa Navotas City, tumanggap ng tulong-pinansyal

Next Post
Navotas LGU, naglunsad ng emergency employment program para sa kanilang returning OFW’s

450 solo parents sa Navotas City, tumanggap ng tulong-pinansyal

Broom Broom Balita

  • Mga may-ari ng nawasak na bahay sa bagyong Betty sa Ilocos, Cagayan inayudahan na!
  • ‘Betty’, inaasahang lalabas ng PAR ngayong Huwebes ng gabi — PAGASA
  • MV ng HORI7ON para sa latest single ‘Lovey Dovey,’ sa South Korea na kinunan
  • BI, nagbabala vs call center job scam sa Myanmar, Thailand
  • Sandro Marcos sa kaarawan ni VP Duterte: ‘We are blessed to have a leader like you’
DSWD, namahagi ng halos ₱4.4M ayuda sa Region 5

Mga may-ari ng nawasak na bahay sa bagyong Betty sa Ilocos, Cagayan inayudahan na!

May 31, 2023
‘Betty’, inaasahang lalabas ng PAR ngayong Huwebes ng gabi — PAGASA

‘Betty’, inaasahang lalabas ng PAR ngayong Huwebes ng gabi — PAGASA

May 31, 2023
MV ng HORI7ON para sa latest single ‘Lovey Dovey,’ sa South Korea na kinunan

MV ng HORI7ON para sa latest single ‘Lovey Dovey,’ sa South Korea na kinunan

May 31, 2023
Warden, 35 tauhan ng detention center ng BI sa Taguig, sinibak

BI, nagbabala vs call center job scam sa Myanmar, Thailand

May 31, 2023
Sandro Marcos sa kaarawan ni VP Duterte: ‘We are blessed to have a leader like you’

Sandro Marcos sa kaarawan ni VP Duterte: ‘We are blessed to have a leader like you’

May 31, 2023
Itinaon sa Father’s Day: 80 taong gulang na ama, nag-suicide sa Cagayan?

8-anyos batang babae, natagpuang patay, hubo’t hubad, nakabusal ang bibig sa Lucena City

May 31, 2023
Alden Richards, pangarap maging daddy

Alden Richards, pangarap maging daddy

May 31, 2023
Mark Villar: Bersiyon ng Senado sa Maharlika Investment Fund Bill aprubado na sa Ikatlong Pagbasa

Mark Villar: Bersiyon ng Senado sa Maharlika Investment Fund Bill aprubado na sa Ikatlong Pagbasa

May 31, 2023
Lacuna: “Kapitan Ligtas”, health super hero ng Maynila

Lacuna: “Kapitan Ligtas”, health super hero ng Maynila

May 31, 2023
12 pulis, 4 PDEA agents, kinasuhan kaugnay ng ‘misencounter’ sa isang drug war op sa QC noong Pebrero

4 suspek, arestado sa umano’y iligal na pagbebenta ng Gcash accounts

May 31, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.