• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Jeric Gonzales, binasag na ang katahimikan; may isiniwalat tungkol sa kanila ni Rabiya Mateo

Richard de Leon by Richard de Leon
October 18, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
Jeric Gonzales, binasag na ang katahimikan; may isiniwalat tungkol sa kanila ni Rabiya Mateo

Jeric Gonzales at Rabiya Mateo (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Tinuldukan na ni Kapuso actor at isa sa mga bida ng “Start-Up PH” na si Jeric Gonzales ang espekulasyon noon ng mga netizen na hiwalay na kaagad sila ni Miss Universe Philippines 2020 at kapwa Kapusong si Rabiya Mateo, batay sa kanilang mga “galawan” sa social media.

Napansin ng mga “online Marites” ang pag-unfollow ng dalawa sa isa’t isa noong Hunyo 20.

Kapag daw sinearch sa kani-kanilang IG accounts ang mga pangalan nila ay hindi na raw ito lumilitaw.

Napansin din ng mga netizen na tila burado ang mga litrato ni Jeric sa IG ni Rabiya, gayundin ang mga litratong magkasama sila. Kung bibisitahin naman ang IG account ni Jeric, naroon pa naman ang kanilang mga litrato.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/20/rabiya-at-jeric-nag-unfollow-na-raw-sa-isat-isa-sa-ig-nagkakalabuan-na-ba/

Dumagdag pa sa tsismis na ito ang Instagram post ng showbiz columnist na si Lolit Solis na tila away-bati raw ang dalawa, at nag-alala pa nga itong baka makaapekto sa showbiz career nila ang mga negatibong balita tungkol sa kanilang relasyon.

Naisyu rin ang mga kumakalat na litrato ni Jeric kung saan tila makikitang may katukaan siyang kapwa lalaki.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/14/viral-photos-ni-jeric-gonzales-na-nilagyan-ng-malisya-kuha-raw-sa-indie-film/

Bagay na pinasinungalingan naman ng ilang mga netizen at sinabing screengrab ito mula sa indie film ng aktor noong 2020.

Mayo 29, may cryptic post si Rabiya na tila may pinagdaraanan siya, at to the rescue naman ang kapwa beauty queens.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/29/rabiya-mateo-mukhang-may-pinagdaraanan-kapwa-beauty-queens-to-the-rescue/

Hunyo 27 naman nang magkaroon ng Instagram post si Rabiya matapos niyang ipakita ang kaniyang glow-up photo na may cryptic caption.

Pinasalamatan ni Rabiya ang kaniyang glam team na nasa likod ng kaniyang photoshoot.

“Hi! Ako pala yung sinaing mo. Joke!” saad ni Rabiya sa kaniyang caption.

Sabi ng mga netizen, ang hirit na ito ay mula sa “Ako nga pala yung sinayang mo.”

Nakisakay naman dito si Miss Universe Philippines 2014 at Eat Bulaga host na si MJ Lastimosa.

“Lika inorder na kita,” sey ni MJ.

Tumugon naman dito si Rabiya, “With extra rice?”

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/27/rabiya-umawra-sa-ig-photos-may-makahulugang-hirit-hi-ako-pala-yung-sinaing-mo/

At ngayon nga, tila open na si Jeric sa pag-amin kung talaga bang hiwalay na sila ng beauty queen, dahil hindi na rin sila nakikitang magkasama sa mga litrato o video sa kani-kanilang social media accounts.

“Ang pinaghiwalayan namin, siguro misunderstanding lang. Siguro ‘yung priorities naming pareho sa work, sa career, sa life,” sey ni Jeric sa naging panayam at ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP.

Wala umanong involved na third party sa kanilang hiwalayan.

“Naghiwalay kami nang maayos and hindi kami bitter sa isa’t isa. Kaya pag nagkikita kami, hindi kami nag-iiwasan, hindi awkward,” aniya pa.

Sa katunayan, nagkita pa sina Jeric at Rabiya sa “TiktoClock” kung saan isa si Rabiya sa hosts, kasama nina Kuya Kim Atienza at Pokwang.

Kung pagtatagpuin ulit ang kanilang mga future, may posibilidad daw na magkabalikan sila ni Rabiya.

Nagkrus ang mga landas ng dalawa nang maging magkatambal sa isang episode ng “Wish Ko Lang” noong Nobyembre 2021. Dito na umano sila nagsimulang magkapalagayang-loob.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/21/jeric-tumibok-daw-kaagad-ang-puso-para-kay-rabiya-nang-makatrabaho-sa-wish-ko-lang/

Umugong naman ang tsika na may “something” sila noong Disyembre 2021, matapos silang maispatan sa isang amusement park sa Sta. Rosa, Laguna, at gayundin sa isang beach sa Olongapo City.

Marso 16, 2022 nang pormal nilang ihayag sa publiko ang kanilang relasyon.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/17/sa-yo-na-korona-rabiya-mateo-miss-universe-sa-puso-ni-jeric-gonzales-kailan-nagsimula/

Tags: breakupJeric GonzalesRabiya Mateo
Previous Post

Kiray, ‘napaiyak’ ang kaniyang nanay: ‘Hindi ko ma-explain ‘yung nararamdaman ko…’

Next Post

Isinampang cyberlibel case ni Quiboloy kay Pacquiao, ibinasura ng Davao City Prosecutor’s Office

Next Post
Isinampang cyberlibel case ni Quiboloy kay Pacquiao, ibinasura ng Davao City Prosecutor’s Office

Isinampang cyberlibel case ni Quiboloy kay Pacquiao, ibinasura ng Davao City Prosecutor's Office

Broom Broom Balita

  • Mayor Wes Gatchalian, hindi rin nagpahuli sa bagong nauuso na social networking app
  • Ex-NBA player KJ McDaniels, ‘di umubra–Meralco, sinagasaan ng Dyip
  • Nasa 3,000 MT inangkat na sibuyas, nakarating sa bansa
  • ‘True meaning of compassion’: Netizens, naantig sa batang kumukupkop ng stray cats
  • Janine Gutierrez, masayang-masaya na makatrabaho si Dolly De Leon
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.