• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

True na raw! Hiwalayang Heart Evangelista at Chiz Escudero, confirmed na – report

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
October 17, 2022
in Showbiz atbp.
0
Pahiwatig na raw? Heart, inaming may pinagdadaan: ‘I’m in search of just being happy’

Heart Evangelista at Chiz Escudero via Instagram

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Mula pa noong Agosto, naging usap-usapan ang tila pagpapahiwatig umano sa social media ni Kapuso actress at fashion socialite Heart Evangelista ukol sa umano’y hiwalayan nila ni Senador Chiz Escudero.

Nitong Lunes, ayon sa ulat ng entertainment blog na Fashion Pulis, kumpirmado na raw na nag-split ang dalawa matapos ang seven-year marriage.

Dagdag ng source ng parehong ulat, nagbigay na rin umano ng go-signal si Heart sa kaniyang malalapit na kaibigan na kumpirmahin na ang kaniyang bagong relationship status.

Hindi naman nabanggit kung dumaan na sa pormal at legal na proseso ang hiwalayan.

Matatandaang mula Agosto, samu’t saring mga detalye sa social media ng aktres ang napansin ng maraming netizens.

Basahin: Pagpipinta muli ni Heart Evangelista, senyales daw na may pinagdadaanan ang aktres? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nauna rito ang umano’y pagtanggal ni Heart sa apelyidong “Escudero” sa kaniyang Instagram handle, ang pagbabalik loob ng aktres sa pagpipinta, at mismong pag-amin nito sa kaniyang personal na pinagdadaanan sa isang YouTube vlog.

Basahin: Pahiwatig na raw? Heart, inaming may pinagdadaan: ‘I’m in search of just being happy’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kamakailan din, hindi binati ng fashion influencer ang kaarawan ni Chiz na kadalasa’y may laan sa kaniyang social media post tuwing Oktubre 10.

Gayunpaman, nanatiling tikom ang dalawang panig ukol sa isyu ng hiwalayan.

Nauna na ring nagpahayag ng tiwala ang ina ni Heart na si Cecilia Ongpauco na mareresolba ng anak at ng asawa nito ang mga intriga ng hiwalayan, dahil nakilala niya umano mismo ang senador bilang “mature and grounded person.”

Kasalukuyang nasa Paris, France si Heart para pa rin sa kaniyang abalang fashion career.

Tags: chiz escuderoheart evangelista
Previous Post

15,314, bagong nahawaan ng virus mula Oktubre 10-16 — DOH

Next Post

Lolong inabandona raw ng mga anak sa Caloocan City, tinulungan ng magbabarkadang nakatambay

Next Post
Lolong inabandona raw ng mga anak sa Caloocan City, tinulungan ng magbabarkadang nakatambay

Lolong inabandona raw ng mga anak sa Caloocan City, tinulungan ng magbabarkadang nakatambay

Broom Broom Balita

  • NASA astronaut, nakabalik na sa Earth matapos ang 371 araw na misyon sa space
  • Tapat na PHLPost employee, pinuri 
  • Snatcher, nanlaban umano sa mga umaarestong pulis, sugatan sa engkwentro  
  • Vice Ganda feeling may-ari ng comedy bar dati, sey nina MC at Lassy
  • Arnold Clavio sa birth anniversary ni Mike Enriquez: ‘Miss kita Ama’
NASA astronaut, nakabalik na sa Earth matapos ang 371 araw na misyon sa space

NASA astronaut, nakabalik na sa Earth matapos ang 371 araw na misyon sa space

September 29, 2023
Tapat na PHLPost employee, pinuri 

Tapat na PHLPost employee, pinuri 

September 29, 2023
Angkas rider na suspek sa pagpatay sa motorista, arestado

Snatcher, nanlaban umano sa mga umaarestong pulis, sugatan sa engkwentro  

September 29, 2023
Vice Ganda feeling may-ari ng comedy bar dati, sey nina MC at Lassy

Vice Ganda feeling may-ari ng comedy bar dati, sey nina MC at Lassy

September 29, 2023
Auto Draft

Arnold Clavio sa birth anniversary ni Mike Enriquez: ‘Miss kita Ama’

September 29, 2023
Marcos, maingat sa pagpili ng DA secretary — Malacañang

Marcos, maingat sa pagpili ng DA secretary — Malacañang

September 29, 2023
LPA sa silangan ng Central Luzon, posibleng maging bagyo – PAGASA

LPA sa silangan ng Central Luzon, posibleng maging bagyo – PAGASA

September 29, 2023
‘Pro-admin’ na opinyon ng mga Pinoy, bumaba – survey

‘Pro-admin’ na opinyon ng mga Pinoy, bumaba – survey

September 29, 2023
Ateneo, muling nanguna sa PH universities na pasok sa Times Higher Education world rankings

Ateneo, muling nanguna sa PH universities na pasok sa THE World Rankings 2024

September 29, 2023
Andrew E., nawindang sa presyo ng pagkain sa SoKor; ₱125M confidential funds ng OVP, nadawit

Andrew E., nawindang sa presyo ng pagkain sa SoKor; ₱125M confidential funds ng OVP, nadawit

September 29, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.