• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

‘Napakahusay’: Pagganap ni Barbie Forteza sa ‘Maria Clara at Ibarra,’ puring-puri ni Ogie Diaz

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
October 17, 2022
in Showbiz atbp.
0
‘Napakahusay’: Pagganap ni Barbie Forteza sa ‘Maria Clara at Ibarra,’ puring-puri ni Ogie Diaz

Ogie Diaz/Facebook (kaliwa), Barbie Forteza as Klay/Instagram (kanan)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kung dati ay iba umano ang impresyon ng talent manager sa Kapuso actress na kadalasa’y naririnig niya sa mga pakulo ng boyfriend na si Jak Roberto, ibang Barbie Forteza ang nakilala ni Ogie Diaz sa “Maria Clara at Ibarra.”

Ito ang diretsahang pag-amin ng talent manager na isa na ring tagasubaybay sa GMA Fantaserye tampok ang “Noli Me Tangere ni Jose Rizal.

Dagdag niya, kagaya ng napansin ng maraming manunuod at netizens ibang level umano ang “husay at bongga” ng production design ng palabas.

Maliban pa rito, kumbinsido rin si Ogie sa power aniyang pagganap ni Barbie Forteza sa karakter ni Klay.

“Actually, number one fan na ako ni Barbie Forteza. Dati inaano lang natin yung Barbie at Jak Roberto ‘di ba, na may pa-surprise si Jak at umiyak si Barbie, ay ngayon, iba ang tingin ko kay Barbie. Nakakaloka,” anang talent manager sa kaniyang latest showbiz update sa YouTube.

“Hangang-hanga ako kay Barbie kasi napakahusay umarte,” dagdag ng showbiz personality.

View this post on Instagram

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza)

Matatandaang viral at laging trending sa iba’t ibang social media platform ang mga tagpo sa brand-new GMA series na kinaaaliwan ang twist sa makasaysayang nobela ng pambansang bayani.

Abot-abot naman ang pasasalamat ni Barbie sa mga tagasubaybay at aminadong hindi maipaliwanag ang pakiramdam kasunod ng “malaki at mainit” na pagtanggap sa kanilang serye.

Pagtitiyak ni Barbie, siniguro niyang “totoong tao” ang karakter ni Klay “para kapitan ng tao.”

Pagbabahagi rin Barbie, parehong aral ng hindi pantay na karapatan lalo na sa mga kababaihan noon at ang tradisyunal na panunuyo o panliligaw sa kababaihan ang nais na dalhin niya sa kasalukuyang henerasyon.

Sa huli, pinuri rin ni Ogie ang iba pang cast ng serye sa pangunguna nina Dennis Trillo, Tirzo Cruz, Lou Veloso, Julie Anne San Jose, bukod sa iba pa.

Maging ang husay ng direktor na si Zig Dulay ay kinilala rin ng talent manager.

Tags: Barbie FortezaMaria Clara at IbarraOgie Diazyoutube
Previous Post

Direk Paul bilang bagong pres’l adviser for creative communications: ‘It’s an absolute honor to be able to serve’

Next Post

Vice Ganda, balik-‘It’s Showtime’; may inamin sa kaniyang pagkawala

Next Post
Vice Ganda, balik-‘It’s Showtime’; may inamin sa kaniyang pagkawala

Vice Ganda, balik-'It's Showtime'; may inamin sa kaniyang pagkawala

Broom Broom Balita

  • Dating miyembro ng CTG, sumuko sa awtoridad
  • DHSUD, ‘di nangongolekta ng membership fee para sa programang pabahay
  • Mayor Wes Gatchalian, hindi rin nagpahuli sa bagong nauuso na social networking app
  • Ex-NBA player KJ McDaniels, ‘di umubra–Meralco, sinagasaan ng Dyip
  • Nasa 3,000 MT inangkat na sibuyas, nakarating sa bansa
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.