• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Inelbow sariling anak?’ Raquel Pempengco, nag-post na may papalit na raw kay Charice

Richard de Leon by Richard de Leon
October 15, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
‘Inelbow sariling anak?’ Raquel Pempengco, nag-post na may papalit na raw kay Charice

Raquel Pempengco at Jake Zyrus/Charice (Larawan mula sa FB/Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Usap-usapan ngayon ang Facebook post ng ina ni Charice Pempengco na si Raquel Pempengco, matapos niyang sabihing may papalit na umano sa “korona” ng kaniyang anak, pagdating sa pagiging mahusay na biritera.

Matatandaang bago maging “Jake Zyrus” ay sumikat nang bonggang-bongga si Charice sa buong mundo, at mapalad pang naka-collab ang iba’t ibang international singers at musicians, kagaya nina Celine Dion at David Foster.

Bagama’t kumakanta pa rin, iba na rin ang timbre ng tinig at genre ng musika ni Jake dahil na rin sa kaniyang mga pagbabago, kaugnay ng pagsasailalim sa transisyon.

Gumanap din siya bilang “Sunshine Corazon” sa second season ng musical series na “Glee”.

Sa kaniyang Facebook post, sinabi ni Mommy Raquel na ang nakikita niyang papalit kay Charice ay ang “Tawag ng Tanghalan” contestant na si “Mary Khem Cabagte”.

“This is it! May papalit na kay Charice..” saad sa caption ni Mommy Raquel.

Sa isa pang Facebook post, sinabi ni Mommy Raquel na may “real talk” siya pagdating sa showbiz.

“Kahit anong galing mo sa lahat kung wala kang ‘CONNECTION’ at ‘RIGHT DECISION’ wala din ang galing mo… Just a piece of Advice sa lahat na nangangarap at nag-uumpisa pa lang… ‘Always stay foot on the ground no matter how expensive shoes you wear’,” aniya.

“Yan ang sinabi ni OPRAH kay CHARICE noong nag-uumpisa pa lang siya. Pag inuna ang yabang? Sabihin ko na sa inyo wala kayong patutunguhan… Just keep it to yourself na kung alam mong magaling ka. Sa nakikita at obserbasyon ko… hindi pa sikat feeling sikat na… Dami kong nakita na ganyan na di nag-bloom ang career…”

“Basta pumili ng TAMANG TAO AT TAMANG CONNECTION… yun lang… Real talk and Advice lang po… Based on my experienced…” saad pa ni Mommy Raquel.

Screengrab mula sa FB/Raquel Pempengco

Samantala, may mga netizen naman na di sumang-ayon sa sinabi niyang may papalit na kay Charice. Nag-iisa lamang daw si Charice, at mananatili sa mga alaala at puso nila ang prime years nito at pamamayagpag sa ibang bansa.

“Parang nag-iisa lang po si Charice hehe.”

“Wala pong papalit kay Charice.”

“Puwede mommy… kasing range ng voice ni Charice… Magaling din to. Pero mas powerful talaga si Charice… wala nang papalit…”

“Magaling po siya mommy❤. Pero si Charice pa rin po ang #1 sa puso ko❤.”

“No way Charice is Charice walang makakatulad. Sorry po.”

Samantala, hindi pa malinaw kung nagkaayos na ba sina Mommy Raquel at Jake.

Matatandaang nanawagan si Mommy Raquel kay Jake na magpakita naman sa kanila, nang masawi ang ilang mga kaanak nila ngayong taon.

Tags: chariceJake ZyrusMary Khem CabagteRaquel Pempengco
Previous Post

‘Katips’, mainit na tinanggap sa Australia; Atty. Vince Tañada, nanawagan sa isang diyaryo

Next Post

6 na Most Wanted Persons, timbog sa magkahiwalay na manhunt operations

Next Post
6 na Most Wanted Persons, timbog sa magkahiwalay na manhunt operations

6 na Most Wanted Persons, timbog sa magkahiwalay na manhunt operations

Broom Broom Balita

  • ‘Jenny,’ ganap nang ‘typhoon’; Signal No. 1, itinaas sa 4 lugar sa Luzon
  • Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina
  • Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China
  • ‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte
  • 3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD
‘Jenny,’ ganap nang ‘typhoon’; Signal No. 1, itinaas sa 4 lugar sa Luzon

‘Jenny,’ ganap nang ‘typhoon’; Signal No. 1, itinaas sa 4 lugar sa Luzon

October 2, 2023
Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina

Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina

October 2, 2023
Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China

Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China

October 2, 2023
‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte

‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte

October 1, 2023
3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD

3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD

October 1, 2023
Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund

Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund

October 1, 2023
Nalugi sa rice price ceiling: Sari-sari store owners sa Capiz, inayudahan ng DSWD

Nalugi sa rice price ceiling: Sari-sari store owners sa Capiz, inayudahan ng DSWD

October 1, 2023
‘Mahiya raw kay Anne Curtis!’ Arra San Agustin, naokray dahil sa ibinansag

‘Mahiya raw kay Anne Curtis!’ Arra San Agustin, naokray dahil sa ibinansag

October 1, 2023
2 Chinese, timbog sa Comelec gun ban sa Bulacan

2 Chinese, timbog sa Comelec gun ban sa Bulacan

October 1, 2023
Amihan, magpapa-ulan sa Luzon, Visayas

‘Jenny’ bahagyang lumakas; Batanes, itinaas sa Signal No. 1

October 1, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.