• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Okay na ulit? Kobe Paras, muling nag-post ng pics ng lambingan nila ni Erika Poturnak

Richard de Leon by Richard de Leon
October 11, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
Okay na ulit? Kobe Paras, muling nag-post ng pics ng lambingan nila ni Erika Poturnak

Kobe Paras at Erika Poturnak (Larawan mula sa IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Muling nag-post ang basketball player na si Kobe Paras ng sweet photos nila ng rumored girlfriend na si Erika Rae Poturnak sa kaniyang Instagram account.

Matatandaang marami ang nagulat nang sumabog ang balitang “hiwalay” na sina Kobe at Erika, matapos mapag-alaman ng mga marites na burado na ang lahat ng mga litrato at video ni Kobe sa kaniyang Instagram account, at hindi na naka-follow sa social media ni Erika; gayundin umano si Erika kay Kobe.

Rumored dating pa lamang sila at hindi pa kinukumpirma ang relasyon, subalit kitang-kita sa kanilang mga ibinabahaging litrato at video sa social media ang kanilang “public display of affection”. Pareho silang anak ng mga celebrity. Si Kobe, 25 anyos, ay anak nina Benjie Paras at Jackie Forster, sina Ina Raymundo at Brian Poturnak naman ang mga magulang ni Eika, na 20 anyos pa lamang.

Naispatan ng mga netizen na kahit isa ay wala nang post si Kobe sa kaniyang Instagram account, at naka-unfollow na kay Erika.

Si Erika naman, bagama’t hindi naman nagbura ng lahat ng kaniyang posts, ay binura lamang ang mga litrato at video na kasama si Kobe.

Marami ang nawindang na mga marites dahil noon lamang Setyembre 19, muling nag-post si Erika ng mga kuhang litrato nila ni Kobe, sa pagdiriwang nito ng 25th birthday, habang magkasama sila sa West Hollywood, California.

Namataan pa silang magkasama noon sa isang beach sa Bali, Indonesia.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

Wala namang naging tugon, reaksiyon, o opisyal na pahayag ang dalawa tungkol dito.

Ngunit nitong Oktubre ay muli nang naibalik ang mga IG post ni Kobe, kabilang na ang mga litrato at video nila ni Erika.

View this post on Instagram

A post shared by kobe (@_kokoparas)

Maging sa kaniyang IG stories ay makikita ang kanilang mga litrato. Isa nga rito ang “tukaan” moment nila na makikita sa isang monitor, habang nasa isang grocery store.

Kobe Paras at Erika Poturnak (Screengrab mula sa IG)
Tags: Erika PoturnakKobe Paras
Previous Post

Vice Ganda, nanggigil; nanupalpal ng netizens na pumuna sa looks ni Ivana Alawi sa MMFF movie nila

Next Post

CEO ng beauty products na si Miss Glenda Victorio, magsasampa ng kaso sa taong naninira sa kaniya

Next Post
CEO ng beauty products na si Miss Glenda Victorio, magsasampa ng kaso sa taong naninira sa kaniya

CEO ng beauty products na si Miss Glenda Victorio, magsasampa ng kaso sa taong naninira sa kaniya

Broom Broom Balita

  • Korte Suprema, pinayagan si Ressa na magpunta ng ibang bansa sa Hunyo 4 hanggang 29
  • 2 biktima umano ng trafficking, nasagip sa CIA
  • ‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz
  • Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda
  • Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes
CBCP, binati si Maria Ressa sa Nobel Peace Prize award

Korte Suprema, pinayagan si Ressa na magpunta ng ibang bansa sa Hunyo 4 hanggang 29

May 30, 2023
TikTok account, dagdag solusyon ng BI vs human trafficking

2 biktima umano ng trafficking, nasagip sa CIA

May 30, 2023
‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz

‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz

May 30, 2023
Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda

Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda

May 30, 2023
Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes

Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes

May 30, 2023
Lolit, may pasaring kay Willie: ‘Lahat ng bagay meron siyang complaints’

Lolit, may pasaring kay Willie: ‘Lahat ng bagay meron siyang complaints’

May 30, 2023
Kapamilya singer Elha Nympha, tumalak: ‘Pag cheater, cheater periodt walang echos echos gow!’

Kapamilya singer Elha Nympha, tumalak: ‘Pag cheater, cheater periodt walang echos echos gow!’

May 30, 2023
Listahan ng mga senior citizen sa Maynila, ipinapa-update ni Lacuna

MPD-SMaRT, pinuri ni Lacuna sa muling pagkaaresto sa puganteng Koreano

May 30, 2023
4 na suspek, arestado para sa pagnanakaw ng aabot sa P300K halaga ng construction materials sa Maynila

2 wanted sa carnapping, rape natugis ng otoridad sa Pasay City

May 30, 2023
Hinihinalang biktima ng salvage, lalaki itinapon sa isang sapa sa Batangas

Kasambahay, natagpuang patay sa bahay ng sariling amo sa Sampaloc, Maynila

May 30, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.