• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

3 katao, patay; 3 sugatan sa ambush sa Antipolo City

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
October 10, 2022
in Balita, Metro, National / Metro
0
Itinaon sa Father’s Day: 80 taong gulang na ama, nag-suicide sa Cagayan?
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Tatlong katao ang kumpirmadong patay habang tatlong iba pa ang sugatan, nang tambangan ng mga ‘di kilalang salarin ang kanilang convoy sa Antipolo City nitong Linggo ng gabi.

Dead on the spot ang tatlong biktima na nakilalang sina Dennis Payla, Rodolfo dela Rosa, at isang alyas Andrei Mosquete.

Kaagad namang naisugod sa pagamutan ang mga sugatang biktima na sina Eduardo Dumangas, Avelina Dumangas, at isang alyas Gemima Amores.

Inaalam pa naman ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga salarin sa krimen, na mabilis na nakatakas matapos ang ambush.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, na pinamumunuan ni PLTCOL June Paolo Abrazado, dakong alas-9:20 ng gabi nang maganap ang krimen sa Sitio Cabading, Brgy. Inarawan sa Antipolo City.

Ayon sa pulisya, nagbibiyahe ng naka-convoy ang mga biktima sa Marcos Highway, sakay ng tatlong motorsiklo at isang Honda sedan, nang bigla na lang silang tambangan ng mga suspek, na sakay naman ng tatlong motorsiklo, at pinaulanan ng bala.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga salarin patungo sa bayan ng Baras.

Sa salaysay naman ng residenteng si MJ Aquino, bigla na lang silang nakarinig ng sunud-sunod na putok.

Matapos nito nakita na lang nila ang kotse na humaharurot papunta sa kanilang direksyon hanggang sa mahulog ito sa may kalalimang hukay.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pangyayari para matukoy ang may kagagawan sa krimen at mapanagot sa batas.

Kabilang umano sa kanilang tinututukan ang anggulong posibleng may kinalaman ito sa sigalot sa lupa. 

Tags: ambushantipolo city
Previous Post

Meralco, may higit 7 sentimo/kWh na bawas-singil sa kuryente ngayong Oktubre

Next Post

SIM Card Registration Act, pirmado na ni Marcos

Next Post
SIM Card Registration Act, pirmado na ni Marcos

SIM Card Registration Act, pirmado na ni Marcos

Broom Broom Balita

  • Faith Da Silva, umaming nagkagusto kay Albert Martinez
  • Vergeire: 300K pang Covid-19 bivalent vaccines, idinonate sa Pilipinas
  • Afam, naispatang kumakain ng tira-tirang pagkain sa isang mall
  • MPL Philippines Season 11, gaganapin sa Makati
  • Fans ni Taylor Swift, pabirong hinikayat na solusyonan ang mataas na presyo ng itlog sa US
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.