• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Pang-teleserye! Nilokong babae, beneficiary ng P1M insurance ng nateging ex-fiancé

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
October 8, 2022
in Features
0
Pang-teleserye! Nilokong babae, beneficiary ng P1M insurance ng nateging ex-fiancé

Mga larawan mula Unsplash

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Walang balak yumuko sa babaeng ipinagpalit sa kaniya ng dating ex-fiancé na nagdadalantao pa, ang isang biktima umano ng panloloko at Reddit user na viral na sa kaniyang mala-teleseryeng kuwento sangkot ang tumataginting na P1 milyong insurance.

Ito ang instant viral na pagbabahagi ng isang Reddit user matapos malamang benepisyaryo pa rin siya ng insurance ng dating fiancé matapos siyang ipinagpalit nito sa ibang babae, anim na buwan bago sana ang kanilang kasal.

“We were together for 5 years and just got engaged when we got life insurance policies kaya we were each other’s beneficiaries. Then, six months before the wedding, he cheated on me. Pinatawad ko kase nanghihinayang ako sa 5 years and the fact that we were already engaged. Then two months before the wedding, he left me for the girl he cheated on me with,” anang anonymous account.

Pagsasalaysay niya, halos mabaliw umano siya at nagmakaawa pa sa babaeng nasangkot.

“She was in her early twenties and had her whole life ahead of her. I was in my thirties and felt that my ex was my last chance. Sabi lang ng ex ko tigilan ko na siya kase hindi na niya ako mahal.”

Tila malaking plot twist naman ang nalaman niya isang taon ang nakalipas nang mamayapa ang ex-fiancé at nanatili siyang benepisyaryo nito.

“I was shocked because it was so out of the blue. But then I was even more shocked when days later his sister called me and said that I am still the beneficiary of his insurance policy, thus I will get around a million pesos in payout,” dagdag niya.

Tila pagresbak naman ang balak ng Reddit user na walang planong ibigay ang naturang halaga sa nabuntis ng dating kasintahan at aniya’y dahilan ng kaniyang napurnadang kasal.

“His girlfriend, the same girl he cheated on me with, wants me to give her the money because she’s pregnant with their child and is unemployed. Honestly? I don’t care. I have a million pesos to my name care of my cheating boyfriend,” dagdag niyang salaysay.

“He and this girl destroyed my life and they didn’t care about me back then. Why the hell should I care about them now? Buhayin mo anak mo, hindi ko kasalanan na hindi ako pinalitan as beneficiary,” aniya pa.

Agad na nag-viral sa iba’t ibang social media platform ang screenshot ng naturang Reddit post na anang netizens ay mala-teleserye ang peg.

Kalakhan naman sa netizens ang suportado ang pasya ng Reddit user at anila’y “payback time” matapos mabiktima ng panlokoko.

Kiber din ang naturang user sa pamilya ng dating ex na “kinunsinti” pa umano ang panloloko ng dating kasintahan.

“I don’t know and I don’t care about what his family thinks. As far as I’m concerned kinunsinti nila yung anak/kapatid nila because they accepted the girl sa bahay nila. Parang wala kaming pinagsamahan for 5 years,” anang user.

Handa naman ang Reddit user para sa isang legal battle matapos magbantang kakasuhan siya ng kampo ng babae para sa P1-M insurance claim.

“The girlfriend said they will sue me for the money. May mga nakausap na akong financial advisor and someone already referred me to a lawyer, may meeting kami next week.”

Tags: insuranceRedditVIRAL
Previous Post

Iniwan ng ina: 2 menor de edad, patay sa sunog sa Quezon

Next Post

Power of social media: Umano’y nanigaw na supervisor sa isang viral post kamakailan, sinuspendi

Next Post
Power of social media: Umano’y nanigaw na supervisor sa isang viral post kamakailan, sinuspendi

Power of social media: Umano'y nanigaw na supervisor sa isang viral post kamakailan, sinuspendi

Broom Broom Balita

  • Pilot test ng BSKE sa ilang piling malls, plano ng Comelec
  • Bestselling Novel ‘It Ends With Us’, gagawan ng pelikula; Blake Lively, Justin Baldoni, bibida
  • Amihan, magpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon
  • Drug war issue: PH gov’t, ‘di magpapaimbestiga sa ICC — DOJ
  • JRB, sinalag ang isyung ‘umattitude’ si Jane kaya hindi natuloy si Songbird sa Darna
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.