• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

14 na Manila based security guards, kinasuhan ng trespassing sa Baguio

Rizaldy Comanda by Rizaldy Comanda
October 8, 2022
in Balita, Probinsya
0
14 na Manila based security guards, kinasuhan ng trespassing sa Baguio
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

BAGUIO CITY – Sinampahan ng kaso ang 14 na security guards dahil sa umano’y iligal na pag-okupa ng mga ito sa cottage ng Bureau of Plant Industry (BPI) sa loob ng Baguio Animal Breeding and Research Center (BABRC) sa Purok 1, Brgy. Dontogan ng Baguio City noong Biyernes ng umaga, Oktubre 7.

Kinilala ang mga security guard na sina John Joward Martinez Guevara, 41; Jaime Chicote Milagrosa Jr., 49; Reynaldo Permijo Ramiro, 50; Antonio Luna Banadera, 32; Percival Borja Laguisan Jr., 35; Jovannie Subido Fernandez, 29; Jeorge Acosta Molina, 43; Dennis Valencia Cayabyab, 23; Donato Cancing Domingo, 37; Wilfredo Gutierrez Alcaraz Jr., 42; Dante Estoesto Balino, 48; Joselito Jacala Estrada, 40; Raffy Opena Manalastas, 40 at Estrada Melchor Avenigno, 27.

Ang mga naturang security guard ay empleyado ng 8 Dragons Elite Security Agency na naka-base sa Quezon City. 

Nadakip ang mga ito dahil sa reklamo ni Robert Lomadeo Domoguen, 64, officer in charge ng Center Head of Baguio Animal Breeding and Research Center (BABRC) na kasalukuyang tumutuloy sa Baguio Dairy Farm.

Sa imbestigasyon base sa sinabi ng complainant na dakong alas-10 ng umaga ng Oktubre 4, ang mga security guard ay pwersahang umanong pumasok sa saradong lugar ng ari-arian na pag-aari ng Department of Agriculture-Cordillera (DA-CAR) ng walang pahintulot mula sa ahensya.

Napag-alaman na nakapasok ang mga guwardiya sa pamamagitan ng pagdaan sa may concrete fence na pag-aari ng Isla Land Developers, Inc. sa may Phase 5, Green Valley Village, malapit sa Baguio Dairy Farm.

Nang nasa loob na ng government property, sapilitang inokupa umano ng mga security guard ang lumang BPI cottage sa pamamagitan ng pagsira sa padlock ng nasabing cottage.

Sinabi ng mga guwardiya sa mga imbestigador, isang nagngangalang Andrew Bandoc Directo, 38 at residente ng Moldex Residences, Marcos highway, Bakakeng Central, Baguio City, ang nag-hire sa kanilang serbisyo na magbantay sa lugar para makuha ang kaniyang parsela ng lupa na sakop ng Transfer Certificate of Title (TCT) sa nasabing lugar.

Sinabi ng DA-Cordillera na ang pinagtatalunang lugar ay pag-aari talaga ng ahensya at nasa ilalim pa rin ito ng paglilitis sa korte.

Isa sa mga kinatawan ng nasabing security agency ang nagsumite sa pulisya noong Oktubre 6 ng kopya ng pagwawakas ng kontrata sa pagitan ng ahensya at ng kanilang kliyente, subalit nanatili pa sila sa lugar.

Humingi ng police assistance ang caretaker ng BPI cottage sa BCPO-Station 10 dakong alas 5:45 ng umaga ng Biyernes at agad itong inaksyunan at dinakip ang mga guwardiya dakong alas 6:15 ng umaga ng araw din iyon.

Dalawa sa mga naarestong guwardiya ang isinuko sa pulisya ang kanilang baril na isang cal.9mm pistol na may kasamang 1 magazine na naglalaman ng 8 ammunitions at isang caliber.38 revolver na may 5 ammunitions na ginamit ng kanilang grupo bilang service firearms, na walang maipakitang kaukulang dokumento.

Kinasuhan sila ng Baguio City Prosecutor’s Office ng kasong paglabag sa Article 281 of the Revised Penal Code (Trespassing) and violation of Illegal Possession of Firearms and Ammunition sa ilalim ng Republic Act 10591.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng station ang mga guwardiya at inaasahang makapag-piyansa sa Lunes, Oktubre 10.

Previous Post

Acting Press secretary, nanawagang protektahan mga mamamahayag

Next Post

Artistang walang sugar daddy pero may sugar mommy? Lolit Solis, may pa-blind item

Next Post
Artistang walang sugar daddy pero may sugar mommy? Lolit Solis, may pa-blind item

Artistang walang sugar daddy pero may sugar mommy? Lolit Solis, may pa-blind item

Broom Broom Balita

  • Elisse Joson, eeksena sa ‘Dirty Linen’
  • Pari, hinarang sa checkpoint; inakalang may sakay na bangkay ng sinalvage sa sasakyan
  • Business tarpaulin ng grilled balut vendor, kinagigiliwan ng netizens!
  • Kira Balinger, di nang-aahas ng boylet: ‘I do not steal men… they come to me!’
  • Wilbert Ross, biktima ng ‘power tripper’ sa It’s Showtime; dumaan sa depresyon
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.