• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Award-winning writer, nanawagan sa mga guro; ‘wag i-post sa social media ang outputs ng estudyante

Richard de Leon by Richard de Leon
October 2, 2022
in Balita, Features
0
Award-winning writer, nanawagan sa mga guro; ‘wag i-post sa social media ang outputs ng estudyante

Larawan mula kay Genaro Gojo Cruz/Stock Image)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kamakailan lamang ay nagpaantig sa damdamin ng mga netizen ang Facebook post ng guro sa asignaturang Filipino na si T. Mecca Derla, nagtuturo sa Grade 11 ng Masbate National Comprehensive High School, at isang disc jockey o DJ ng 98.3 Spirit FM Masbate.

Salaysay ng guro, nagpasulat umano siya ng isang talata sa kaniyang mga mag-aaral patungkol sa kanilang “pinakamalungkot na karanasan sa buhay”. Paraan aniya ito upang mas makilala pa niya ang mga hawak na estudyante.

Hindi naman makapaniwala ang guro nang mabasa ang karamihan sa mga nakasaad dito. Marami sa kanila ang itinuturing na pinakamalungkot na karanasan o nasaksihan nila sa buhay, ay ang pag-aaway o paghihiwalay ng kanilang mga magulang, o kaya naman ay pagkakaroon ng ibang karelasyon at pamilya ng kanilang nanay o tatay.

Para naman sa propesor, batikan at premyadong manunulat ng mga kuwentong pambata na si Genaro Gojo Cruz, bagama’t maganda naman ang intensiyon ng guro sa kaniyang ginawa, paalala lamang daw na hindi lahat ng outputs ng estudyante, lalo na kung personal sa kanila at medyo sensitibo, ay hindi na dapat ibinabahagi pa sa social media.

“Pakiusap sa ilang mga guro, iwasan ang pagpo-post ng mga personal na narrative na output ng inyong mga mag-aaral sa socmed. Pakiusap po. Puwede kayong balikan ng mga student at kasuhan!” aniya.

Tinakpan ng guro ang pangalan o identidad ng mga estudyanteng nakaranas ng mga nakalulungkot na bagay na ito.

Sumang-ayon naman dito ang mga netizen.

“Totoo po. Yung tiwala na binigay nila sa teacher, nasira dahil sa pagpo-post sa SocMed.”

“Hindi na muli magtitiwala ang mga estudyante sa teacher kapag ganiyan.”

“Humingi kaya siya ng pahintulot?”

“Yan din po naisip ko noong nakita ko post. As a teacher, hindi pwede basta-basta mag-post ng mga outputs ng mga bata.”

“Yung anak ko po Grade 1 simple handwriting output, her teacher is not allowing the parents to post it to GC. Dapat po ganun.”

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang guro o maging ang DepEd tungkol dito.

Samantala, ayon sa ulat, sa datos ng Office of the Solicitor General (OSG), mahigit 100,000 kaso na may kinalaman sa pagsasama ng mag-asawa ang naitala noong 2009 hanggang 2021 gaya ng nullity of marriage, annulment, at legal separation. Wala pang latest update sa datos ngayong 2022.

Tags: Filipino subjectGenaro Gojo CruzGrade 11 studentsMecca Derla
Previous Post

Mga artista, i-drug test muna bago bigyan ng proyekto — Rep. Barbers

Next Post

Dating OFW, arestado matapos tangayin umano ang 4 na bag sa loob ng NAIA

Next Post
Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon

Dating OFW, arestado matapos tangayin umano ang 4 na bag sa loob ng NAIA

Broom Broom Balita

  • 46 nailigtas sa lumubog na bangka sa Palawan
  • ₱25M marijuana, sinunog sa Kalinga, Benguet — PNP
  • Mga nasawi dahil sa sama ng panahon, umabot na sa 43
  • Johnny Abarrientos, pagmumultahin: Pag-‘dirty finger’ kay Converge import Jamaal Franklin, nag-viral
  • DA, inaprubahan ang ₱110 milyong pondo para sa rubber plantations sa Basilan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.