• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Sabay-sabay tayong tumawa, umiyak, matuto, at makinig!’ Talk show ni Toni sa ALLTV, mapapanood na

Richard de Leon by Richard de Leon
October 1, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
‘Sabay-sabay tayong tumawa, umiyak, matuto, at makinig!’ Talk show ni Toni sa ALLTV, mapapanood na

Toni Gonzaga-Soriano (Screengrab mula sa IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Mapapanood na ang kauna-unahang show ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga sa kaniyang bagong home network na “ALLTV” na pinamagatang “Toni”.

Ito ay hango sa kaniyang award-winning at matagumpay na “Toni Talks” sa YouTube Channel, na talaga namang pinag-usapan, lalo na ang panayam niya kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. noong kandidato pa lamang ito. Ito ang nagmitsa sa pagkaka-cancel ni Toni sa social media, na nagtuloy-tuloy na nang ipakita niya ang hayagang pagsuporta rito noong halalan.

Ipinasilip ni Toni ang teaser ng kaniyang self-titled talk show na mapapanood na ngayong Oktubre 3, Lunes hanggang Biyernes, 5:00 PM.

Screengrab mula sa IG/Toni Gonzaga

“Masayang gabi, Pilipinas!” bungad ni Toni.

Tila inangkasan naman ng show ang tumatak at nag-trend na “Sabay-Sabay!” na isinigaw noon ng TV host-actress sa panahon ng pangangampanya.

“Sabay-sabay tayong tumawa, umiyak, matuto, at makinig!,” ayon sa teaser.

Batay sa teaser ay marami na siyang nai-tape na episode, at ang mga unang sasalang sa kaniyang panayam ay sina Bayani Agbayani, kapatid na si Alex Gonzaga, kaibigang si Mariel Rodriguez, Dra. Vicki Belo, Anthony Taberna, at iba pa.

Ibinahagi rin ito ng kaniyang inang si Mommy Pinty Gonzaga na proud na proud sa kaniyang bagong achievement.

“So proud of you ate! We are excited to watch you again on tv sa @alltvph! This has been your dream and we are so happy to see it finally come true! What a way to celebrate your 20th year in showbiz.”

“May you continue to uplift, encourage and empower your audience through your show. Thank you Jesus for the life of my daughter.🙏,” aniya pa.

View this post on Instagram

A post shared by Pinty Gonzaga (@mommypinty)

Proud din si Mommy Pinty sa anak, sa kabila ng samu’t saring reaksiyon ng mga netizen sa pagiging endorser nito ng isang online shopping app, kasabay ng balitang marami umanong empleyado nito ang natanggal sa trabaho.

“Oh, give thanks to the Lord, for He is good! For His mercy endures forever. Let the redeemed of the Lord say so, whom He has redeemed from troubles/ from the hand of the enemy..Psalm 107:1-2. Thank you Lord for another blessing! Proud of you Tin! Godbless netizens and ka maintenance,” ani Mommy Pinty.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/01/mommy-pinty-proud-kay-toni-may-bible-verse-para-sa-bashers-ng-anak/

Bukod sa bagong endorsement at talk show, inilabas na rin ni Toni ang mga pasilip para sa reunion movie nila ni “Eat Bulaga” host Joey De Leon, para sa Metro Manila Film Festival 2022.

Tags: ALLTVtalk showToniToni Gonzaga-Soriano
Previous Post

Mommy Pinty, proud kay Toni; may bible verse para sa bashers ng anak?

Next Post

‘Wala kayong kadala-dala!’ Ka Tunying, binanatan mga Kakampink na nananawagan ng boycott

Next Post
‘Wala kayong kadala-dala!’ Ka Tunying, binanatan mga Kakampink na nananawagan ng boycott

'Wala kayong kadala-dala!' Ka Tunying, binanatan mga Kakampink na nananawagan ng boycott

Broom Broom Balita

  • Para kay David Licauco, isang ‘people industry’ ang showbiz—narito ang kaniyang dahilan
  • Bokya muli ang mananaya sa Grand, Mega Lotto jackpot nitong Lunes ng gabi
  • David Licauco kung nagseselos nga ba sa kaniya si Jak Roberto: ‘Hindi ko sure’
  • Umano’y tulak ng droga, timbog; P680,000 halaga ng shabu, nasamsam sa Pampanga
  • Hiling ni Mayor Degamo na i-expel si Teves, natanggap na ng ethics panel
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.