• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp. Music

Korean pop rock band ‘The Rose,’ tampok si James Reid sa kanilang comeback album

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
October 1, 2022
in Music, Showbiz atbp.
0
Korean pop rock band ‘The Rose,’ tampok si James Reid sa kanilang comeback album

The Rose (kaliwa)/Facebook; James Reid (kanan)/Instagram

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Inaabangan na ng fans ang brand new collaboration ng “The Rose” at ni James Reid para sa muling pagbabalik sa music scene ng kilalang K-pop rock band matapos ang kanilang matagumpay na EP noong 2018.

Noong Huwebes, Setyembre 29, nilantad na ng The Rose ang sampung tracklist na lalamanin ng kanilang “Heal” comeback album.

Dito, nalaman ng fans ang sampung kanta kabilang ang album single na inilabas ng grupo kamakailan na “Childhood,” “Definition of ugly is,” “Shift,” “Cure,” bukod sa iba pa.

Basahin: Korean pop rock band ‘The Rose’ nagbabalik sa music scene; Pinoy fans, excited na sa bagong album – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Agaw-pansin naman sa Pinoy Black Roses ang collaboration ng banda kasama ang singer at music producer na si James Reid sa kantang “Yes.”

Matatandaang naispatan kamakailan sa ilang magkakahiwalay na social media post ang Filipino-Australian artist kasama ang miyembro ng The Rose na sina Woosung, Dojoon, Hajoon at Jaehyung sa California sa US.

View this post on Instagram

A post shared by James Reid (@james)

Parehong abala ang bawat panig para sa kanilang upcoming albums.

Sa darating na Oktubre 6, sa wakas ay mapakikinggan na ng Black Roses ang sampung kanta ng The Rose.

Bago nito, inilabas na rin ng grupo ang “The HEAL Project” nitong Biyernes, Setyembre 30.

Ito rin ang hudyat ng inaabangan nang sold-out world tour ng banda ngayong 2022.

Exchange collaboration?

Tila inaasahan naman ng fans na ang The Rose naman ang mapi-feature sa upcoming album din ni James ngayong buwan.

Basahin: Upcoming album ni James Reid, tampok ang ilang Kpop artists: ‘I can take this globally’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Una nang sinabi ni James na sampung track ang aabangan ng fans para sa susunod niyang album sa ilalim ng “Careless Music” tampok ang ilang South Korean at American artists.

“We’re very in sync with what we’re trying to achieve. I can take this globally,” kumpiyansang saad ni James.

Basahin: Music video ni James Reid, #2 trending sa YouTube; Netizens, nawindang sa mga eksena – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Maliban sa The Rose, noong Hulyo, naispatan sa South Korea sina James at Liza kasama ang ilang naglalakihang Kpop artists kabilang na sina Got7 Jay B, Jay Park, at IKON DK.

Tags: albumJames ReidKPOPThe Rose
Previous Post

‘DarLong? Darna at Lolong, ‘maghaharap’, shini-ship ng netizens

Next Post

Validity ng expired na driver’s license, student permit, pinalawig ng LTO

Next Post
Validity ng expired na driver’s license, student permit, pinalawig ng LTO

Validity ng expired na driver's license, student permit, pinalawig ng LTO

Broom Broom Balita

  • Business establishment owners, hinikayat ni Lacuna na tumanggap na rin ng e-health permits
  • ‘Bondee’ app na bagong kinagigiliwan ng netizens, nilikha umano ng demonyo?
  • Lalaki, namataang putol ang ulo habang naglalakad sa Manila Cathedral
  • Mga nagparehistro para sa 2023 BSKE, pumalo na sa 2.4M
  • ₱18.6M sibuyas, kumpiskado: Smuggling, talamak na sa Zamboanga City?
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.