• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Valentine, sinabihan ni Ogie na ‘ipahinga ang opinyon’ sa isyu ng mag-amang Dennis at Julia

Richard de Leon by Richard de Leon
September 28, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
Valentine, sinabihan ni Ogie na ‘ipahinga ang opinyon’ sa isyu ng mag-amang Dennis at Julia

Screengrab mula sa YT Channel ni Ogie Diaz na Showbiz Update

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Isa sa mga tinalakay nina Ogie Diaz at Mama Loi sa showbiz/entertainment vlog na “Showbiz Now Na” ang pagbibigay ng reaksiyon ng online personality na si Valentine Rosales, sa isyu ng mag-amang Dennis Padilla at Julia Barretto noong Setyembre 18, 2022.

Nag-ugat ito sa mga naging pahayag ni Julia sa panayam sa kaniya ni ABS-CBN news anchor Karen Davila, sa latest vlog nito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/16/julia-barretto-hindi-pa-handang-patawarin-ang-amang-si-dennis-padilla/

Inamin ni Julia na hindi pa niya napapatawad ang kaniyang ama, sa kung anuman ang nangyari sa kanila sa nakaraan, na maaaring dahilan kung bakit tila ilang at dedma silang magkakapatid sa mga social media post ni Dennis patungkol sa kanila.

Bagay na pinalagan naman ni Dennis at agad na tinawag ang atensyon ni Karen. Nais daw niyang magkaroon ng panayam dito ASAP para maipaliwanag naman ang kaniyang panig.

Anyway, si Valentine naman ay pumanig kay Julia, batay sa kaniyang Facebook comment sa pagtawag naman ng atensyon ng tiyahin ni Julia na si Optimum Star Claudine Barretto kay Dennis.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/19/maawa-ka-sa-mga-bata-claudine-barretto-nakiusap-kay-dennis-padilla-na-tigilan-na-si-julia/

“During those days na lumalaki mga anak mo and need ng father while they are struggling with the challenges of life missing in action ka?”

“Now that Julia is rich and famous tapos may sarili nang utak to decide for her own, bigla kang present?”

“Such a Good Father… Go Claudine!”

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/19/valentine-rosales-pumanig-kay-julia-barretto-may-mensahe-kay-dennis-padilla/

Sa isa pang Facebook comment, tila pinayuhan ni Valentine si Dennis na huwag nang isapubliko kung anuman ang hidwaan nilang magpamilya. Baka raw sa halip na mapalapit siya sa mga anak at maresolba ang mga problema nila, baka mas maging dahilan pa ito upang mapalayo pang lalo ang loob nina Julia, Claudia, at Leon sa kaniya.

Ginamit na lunsaran o reference ni Ogie ang pubmat ng Balita Online nang i-ulat ang naging reaksiyon nito. Ani Ogie, “hindi raw niya kinaya” si Valentine. Matapos basahin ang naging reaksiyon ni Valentine, sinabi ni Ogie na “sumasawsaw” na rin itong kagaya ni “Queen SawsaweRRa” RR Enriquez.

“Itong si Valentine, hindi niya alam ang kanyang sinasabi. Anak, hindi mo sila lubos na kilala. Walang hinahabol si Dennis. Gusto lang niyang makausap ang kanyang mga anak, gusto niya lang maibalik ang dati nilang relasyon na napaka-close nila noong sila pa ni Marjorie na ngayon eh naninibago nga siya dahil lahat ng anak niya eh parang iisa na ang pag-uugali,” ani Ogie Diaz.

Dagdag pa ni Ogie, “Kaya Valentine Rosales, mali ka dito ha. Ipahinga mo itong opinyon mo, anak, pero opinyon mo ito. Gusto kong igalang kaya lang gusto lang din kitang i-ano, sa showbiz, hindi siya nanghihingi ng kahit singko.”

Buking pa ni Ogie, isa raw sa mga anak nina Dennis at Marjorie ang kumuwestyon sa ginawa nitong pagpapaunlak ng panayam sa kaniya. Nilinaw rin niyang walang tinanggap na kahit magkanong halaga si Dennis mula sa kaniya.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Valentine tungkol sa payo sa kaniya ni Ogie.

Tags: dennis padillaJulia BarrettoOgie DiazValentine Rosales
Previous Post

For the 5th Time! Bandang Mayonnaise, idinonate sa ‘Angat Buhay’ ang napanalunan sa ‘Family Feud’

Next Post

‘The Clash’ season 1 runner-up Jong Madaliday, excited na sa bagong hahawak ng kaniyang singing career

Next Post
‘The Clash’ season 1 runner-up Jong Madaliday, excited na sa bagong hahawak ng kaniyang singing career

'The Clash' season 1 runner-up Jong Madaliday, excited na sa bagong hahawak ng kaniyang singing career

Broom Broom Balita

  • Abra, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
  • Matapos lang ang 3 araw, MV ng pre-debut single ng Hori7on, tumabo na ng higit 2.2M views
  • Graduating student sa Samar State U, naiulat na nawawala
  • 3 lugar sa bansa, nagtala ng mapanganib na antas ng heat index nitong Sabado
  • Mananaya, bokya sa lotto jackpot ng PCSO ngayong Sabado
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.