• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Maja Salvador, kumpirmadong kabilang sa ‘Iron Heart’ kasama sina Richard Gutierrez, Sue Ramirez

Richard de Leon by Richard de Leon
September 28, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
Maja Salvador, kumpirmadong kabilang sa ‘Iron Heart’ kasama sina Richard Gutierrez, Sue Ramirez

Maja Salvador at Richard Gutierrez (Larawan mula sa Twitter ng Star Creatives at ni Maja Salvador)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nitong Lunes ay usap-usapan sa social media ang mga litrato ng tinaguriang “Majasty” na si Maja Salvador kasama ang isa sa mga leading men ngayon ng ABS-CBN na si Richard Gutierrez, na kuha umano sa shooting ng isa sa mga aabangang teleserye ng Kapamilya Network: ang “Iron Heart”.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/27/maja-salvador-naispatan-daw-sa-taping-ng-iron-heart-ni-richard-gutierrez-balik-kapamilya-na/

Matatandaang umalis sa poder ng Kapamilya Network si Maja nang mapabilang sa defunct-musical noontime show na “Sunday Noontime Live” ng Brightlight Productions at TV5 noong 2020-2021, kasama sina Piolo Pascual, Catriona Gray, Donny Pangilinan, at Jake Ejercito.

Pagkatapos ay napabalita ang pagtatayo nila ng “Crown Artist Management” ng fiance na si Rambo Nunez, kung saan sila na ngayon ang nagma-manage sa career nina John Lloyd Cruz, Miles Ocampo, Jasmine Curtis-Smith, at iba pa.

Nagkaroon din siya ng teleserye sa TV5 na “Niña Niño” kasama si Noel Comia, Jr.

At ang latest panggulat nga ni Maja ay nang maging Dabarkads siya sa “Eat Bulaga” noong Oktubre 2021. Isinama niya rin dito ang alagang si Miles.

Pumirma ulit si Maja sa TV5 para sa isa pang serye, at sa kasalukuyan ay umeere dito ang sitcom niyang “Oh My Korona”.

Marami naman ang natuwa sa posibleng pagbabalik ni Maja sa kaniyang pinagmulang mother network na namimiss na ang kaniyang pag-arte, kung totoo man ang tsikang ito.

Nitong Setyembre 27 ay tila tinuldukan na ni Maja ang mga kumakalat na tsika, dahil tila siya na mismo ang nagkumpirmang totoo ito, matapos niyang i-tweet ang kuhang litrato ng kanilang pa-teaser ni Richard, na may caption na “SOON” with matching heart emojis na may iconic colors ng ABS-CBN.

SOON ❤💚💙 pic.twitter.com/mCl2t6T7fe

— MAJA (@dprincessmaja) September 27, 2022

Ibinahagi na rin ito ng “Star Creatives”, production unit ng Kapamilya Network, na magpo-produs ng naturang serye. Bukod kay Maja, makakasama ni Richard bilang leading lady rito si Sue Ramirez.

Starring Richard Gutierrez kasama sina Maja Salvador, Sue Ramirez and Jake Cuenca. To be shot entirely in Cebu. pic.twitter.com/as6vx50l1h

— STAR CREATIVES (@StarCreativesTV) September 27, 2022

Ang huling teleseryeng ginawa ni Maja sa Kapamilya Network ay ang “The Killer Bride” noong 2019, bago mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN.

Ngunit sa lahat ng mga serye ni Maja, tumatak talaga sa publiko ang “Wildflower” noong 2017, na muling mapapanood ngayon sa Netflix.

Markado rin ang pagganap niya bilang “kabit” sa “The Legal Wife” kasama sina Angel Locsin at Jericho Rosales noong 2014.

Napabilang din siya sa nagtapos na “FPJ’s Ang Probinsyano” bilang matalik na kaibigang pulis ni Ricardo Dalisay (Coco Martin).

Dahil may sariling talent agency at isang freelance artist, malayang makagagawa ng mga proyekto si Maja sa iba’t ibang network, kaya mapapanood siya sa GMA, TV5, at ABS-CBN.

Tags: Iron Heartmaja salvador
Previous Post

Comelec, target na simulan ang pag-imprenta ng BSKE ballots sa Huwebes; 3M balota kada araw, inilatag

Next Post

Toni Gonzaga, nagpasilip sa MMFF movie nila ni Joey De Leon, LoiNie

Next Post
Toni Gonzaga, nagpasilip sa MMFF movie nila ni Joey De Leon, LoiNie

Toni Gonzaga, nagpasilip sa MMFF movie nila ni Joey De Leon, LoiNie

Broom Broom Balita

  • Unang gintong medalya ng Pilipinas, nakuha ni pole vaulter EJ Obiena sa Asian Games
  • Bulacan warehouse raid: Smuggling case vs rice importers, isinampa ng BOC
  • ‘Jenny’ bahagyang lumakas, kumikilos pa-northwest sa PH Sea
  • Nicole Borromeo, ready nang sumabak sa Miss International 2023
  • Bebot tinaga ang kainumang lalaki sa Quezon
Unang gintong medalya ng Pilipinas, nakuha ni pole vaulter EJ Obiena sa Asian Games

Unang gintong medalya ng Pilipinas, nakuha ni pole vaulter EJ Obiena sa Asian Games

October 1, 2023
₱40M ‘smuggled’ na bigas nadiskubre sa Las Piñas, Cavite

Bulacan warehouse raid: Smuggling case vs rice importers, isinampa ng BOC

September 30, 2023
‘Jenny’ bahagyang lumakas, kumikilos pa-northwest sa PH Sea

‘Jenny’ bahagyang lumakas, kumikilos pa-northwest sa PH Sea

September 30, 2023
Nicole Borromeo, ready nang sumabak sa Miss International 2023

Nicole Borromeo, ready nang sumabak sa Miss International 2023

September 30, 2023
Pulisya, pinaghahanap ang 16-anyos na lalaki na sumaksak sa 2 menor de edad sa Tondo

Bebot tinaga ang kainumang lalaki sa Quezon

September 30, 2023
Lolit puring-puri si Jillian Ward

Lolit puring-puri si Jillian Ward

September 30, 2023
54.49% ng mga kumuha ng Physician Licensure Exam, pasado!

F2F oathtaking para sa bagong master plumbers, kasado na

September 30, 2023
Higit ₱10M shabu, huli sa Iloilo

Higit ₱10M shabu, huli sa Iloilo

September 30, 2023
Sali rin sa military drills: Canadian Navy vessel, dumating sa Pilipinas

Sali rin sa military drills: Canadian Navy vessel, dumating sa Pilipinas

September 30, 2023
‘Jenny’ bumagal habang kumikilos pa-northwest sa PH Sea

‘Jenny’ bumagal habang kumikilos pa-northwest sa PH Sea

September 30, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.