• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Mga netizen, nag-react sa sumambulat na ‘hiwalayan’ nina Kobe Paras at Erika Poturnak

Richard de Leon by Richard de Leon
September 27, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
Mga netizen, nag-react sa sumambulat na ‘hiwalayan’ nina Kobe Paras at Erika Poturnak

Kobe Paras at Erika Poturnak (Larawan mula sa IG ni Erika Poturnak)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Marami ang nagulat nang sumabog ang balitang “hiwalay” na sina Kobe Paras at Erika Poturnak, matapos mapag-alaman ng mga netizen na burado na ang lahat ng mga litrato at video ni Kobe sa kaniyang Instagram account, at hindi na naka-follow sa social media ni Erika; gayundin umano si Erika kay Kobe.

Rumored dating pa lamang sila at hindi pa kinukumpirma ang relasyon, subalit kitang-kita sa kanilang mga ibinabahaging litrato at video sa social media ang kanilang “public display of affection”. Pareho silang anak ng mga celebrity. Si Kobe, 25 anyos, ay anak nina Benjie Paras at Jackie Forster, sina Ina Raymundo at Brian Poturnak naman ang mga magulang ni Eika, na 20 anyos pa lamang.

Naispatan ng mga netizen na kahit isa ay wala nang post si Kobe sa kaniyang Instagram account, at naka-unfollow na kay Erika.

Si Erika naman, bagama’t hindi naman nagbura ng lahat ng kaniyang posts, ay binura lamang ang mga litrato at video na kasama si Kobe.

Marami ang nawindang na mga marites dahil noon lamang Setyembre 19, muling nag-post si Erika ng mga kuhang litrato nila ni Kobe, sa pagdiriwang nito ng 25th birthday, habang magkasama sila sa West Hollywood, California.

Kobe Paras at Erika Poturnak (Larawan mula sa IG ni Erika Poturnak)
Kobe Paras at Erika Poturnak (Larawan mula sa IG ni Erika Poturnak)

Namataan pa silang magkasama noon sa isang beach sa Bali, Indonesia. Ibinalandra nila ang kanilang lambingan sa isa’t isa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/29/kobe-paras-at-erika-poturnak-ibinalandra-ang-lambingan-sa-bali-trip/

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

“‘Yan sinasabi ko senyo wag kayo post nang post ng pictures n’yo ng jowa mo, sa huli mahihirapan ka lang magdelete eh. Kulet kulet mo kasi sabi sayo sa una lang masaya eh.”

“Mas ok talaga yung low-key relationship. Yung tipong durog na durog ka na sa break up n’yo, tapos wala pa nakakaalam.”

“Normal sa mga magkarelasyon ang ganiyan. Ang importante hindi isinuko ang Bataan!

“Ano ‘yan nagtikiman lang?”

“See sabi ko na eh, kami lang talaga nagtatagal kasi di kami nagkikita, kapag lagi, kakasawa.”

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang dalawa tungkol dito.

Tags: Erika PoturnakKobe Paras
Previous Post

‘Wowowin’, pinahinto ni Willie sa socmed para tumutok mga manonood sa ALLTV

Next Post

Gabrielle Basiano, lumipad na pa-Egypt, handang depensahan ang Miss Intercontinental crown

Next Post
Gabrielle Basiano, lumipad na pa-Egypt, handang depensahan ang Miss Intercontinental crown

Gabrielle Basiano, lumipad na pa-Egypt, handang depensahan ang Miss Intercontinental crown

Broom Broom Balita

  • ‘Ang sarap mo!’ Lai Austria, pinapak si ‘Ding Dong’
  • Sharon, pumunta sa advance screening ng ‘Batang Quiapo’; muntik na raw maiyak
  • Lotto winner: Bahagi ng premyo para sa mga flood victim sa Mindanao
  • ‘Sinumbatan sa ₱50k?’ Ogie Diaz, pumalag kay Willie Revillame
  • Broken-hearted employees sa isang hotel sa Cebu, may 5 break-up paid leaves
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.