• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Chel Diokno, nakiramay sa 5 rescuers na pumanaw sa Bulacan

Nicole Therise Marcelo by Nicole Therise Marcelo
September 27, 2022
in Balita, National / Metro
0
Chel Diokno, nakiramay sa 5 rescuers na pumanaw sa Bulacan

Human rights lawyer Chel Diokno (FACEBOOK / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN) at 5 rescuers (MANILA BULLETIN)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Taos-pusong nakikiramay si Atty. Chel Diokno sa pamilya ng limang rescuers na pumanaw habang nagsasagawa ng rescue operations sa kasagsagan ng Super Typhoon Karding sa San Miguel, Bulacan noong Linggo, Setyembre 25.

 Jerson Resurreccion, Troy Justin Agustin, Marby Bartolome, George Agustin, at Narciso Calayag (Photo from the official Facebook page of Batang Malolos)

“Taos-pusong pakikiramay sa mga pamilya at mahal sa buhay ng limang rescue workers ng lalawigan ng Bulacan na nagbuwis ng buhay para iligtas ang mga kababayan sa banta ng Bagyong Karding,” saad ni Diokno sa isang tweet nitong Martes, Setyembre 27.

“Saludo ako sa inyong kabayanihan, tapang at dedikasyon sa tungkulin sa harap ng panganib,” dagdag pa niya.

Taos-pusong pakikiramay sa mga pamilya at mahal sa buhay ng limang rescue workers ng lalawigan ng Bulacan na nagbuwis ng buhay para iligtas ang mga kababayan sa banta ng Bagyong Karding

Saludo ako sa inyong kabayanihan, tapang at dedikasyon sa tungkulin sa harap ng panganib.

— Chel Diokno (@ChelDiokno) September 27, 2022

Ayon sa mga ulat, ipinadala ang limang biktima sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa San Miguel upang magsagawa ng rescue operations sa binahang lugar.

Kinilala ang mga biktima na sina George E. Agustin, 45, ng Ina O Este Calumpit; Troy Justin P. Agustin, 30, ng Sta. Rita, Guiguinto; Marby A. Bartolome, 36, ng Bulihan, Malolos; Jerson L. Resurreccion, 32, ng Barangay Catmon, Sta Maria; at Narciso Calayag ng Malolos City.

Nagsimula ang operasyon dakong alas-10 ng gabi noong Linggo, Setyembre 25, sa lugar na binaha ng 10 talampakang tubig.

May kabuuang 20 rescuers, kasama ang 30 scout rescuers, ang rumesponde sa lugar kabilang ang limang rescuers na nakasuot ng Bulacan rescue uniform para madaling makilala.

Bandang alas-4 ng madaling araw, nawalan ng kontak ang iba pang rescuers sa limang rescuers na nasa Barangay Camias.
Makalipas ang ilang oras, natagpuang patay ang unang biktima habang ang natitirang apat ay natuklasan bandang alas-6 ng umaga noong Lunes, Setyembre 26.

Ayon sa mga inisyal na ulat, hindi nakarating sa malalim na tubig baha ang trak na sinasakyan ng mga biktima kaya’t pinili nilang gumamit umano ng bangka.

Ang mga rescuer ay may well equipped at well trained. Sinabi ng mga ulat na narinig pa nga ng ilang residente ang kanilang pagbibilang nang sabay-sabay habang minamaniobra ang bangka.

Gumuho umano ang pader ng Gulf Gasoline Station sa Barangay Camias sa isinagawang rescue operations na naging sanhi ng pag-agos ng tubig baha na naging sanhi ng pagkalunod ng mga biktima.

Tags: chel dioknoSuper Bagyong Karding
Previous Post

Ka Leody, may panawagan: ‘Renewable energy, ngayon na!’

Next Post

WALANG NANALO! Jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, papalo na sa ₱221M sa Wednesday draw!

Next Post
Bentahan ng lotto tickets at iba pang PCSO digit games sa MM, suspendido na simula ngayong Biyernes dahil sa ECQ

WALANG NANALO! Jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, papalo na sa ₱221M sa Wednesday draw!

Broom Broom Balita

  • Matapos lang ang 3 araw, MV ng pre-debut single ng Hori7on, tumabo na ng higit 2.2M views
  • Graduating student sa Samar State U, naiulat na nawawala
  • 3 lugar sa bansa, nagtala ng mapanganib na antas ng heat index nitong Sabado
  • Mananaya, bokya sa lotto jackpot ng PCSO ngayong Sabado
  • Wow! Vicki Belo, dinala ang ‘dream come true’ concert ni David Foster sa kaniyang bahay
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.