• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Matuto ding lumugar!’ Paolo Ballesteros, may pakiusap sa bashers at haters ng Drag Race PH queens

Richard de Leon by Richard de Leon
September 24, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
‘Matuto ding lumugar!’ Paolo Ballesteros, may pakiusap sa bashers at haters ng Drag Race PH queens

Paolo Ballesteros (Larawan mula sa IG/FB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sunod-sunod na tweets ang pinakawalan ni “Drag Race Philippines” host Paolo Ballesteros, bilang panawagan, paalala, at pakiusap sa ilang mga netizen na maghinay-hinay sa pambabash at pag-harbor ng “negativity” sa queens, o sa mga kalahok ng naturang reality show/contest.

Nakatatanggap kasi ng hate comments ang ilan sa mga kalahok nito kaya hindi na nakapagtimpi pa si Paolo. Isa pa, ang pambabash ay mula pa sa kabataang netizen.

“O mga iha imbes na magharbor ng negativity dito sa Twitter, maging mabuting anak sa mga magulang n’yo. Yung tapang ng words n’yo dito hindi ikaka-proud ng magulang n’yo ok? Tandaan also na merong cyber bullying na punishable by law,” ani Paolo sa kaniyang tweet ngayong Sabado ng madaling-araw, Setyembre 24.

O mga iha imbes na magharbor ng negativity dito sa twitter, maging mabuting anak sa mga magulang nyo. Ung tapang ng words nyo dito hindi ikakaproud ng magulang nyo ok? Tandaan also na merong cyber bullying na punishable by law 😉 pic.twitter.com/oKvpNaIUe9

— Paolo Ballesteros (@pochoy_29) September 23, 2022

“Oks to voice out your opinions but when you harbor negativity and attack someone, iba na ‘yon ha 👍🏼 and dont think na just because you blocked someone eh hindi na mababasa ‘yang mga pagharass at pag-attack n’yo okie? Matuto ding lumugar.”

oks to voice out ur opinions but when u harbor negativity and attack someone, iba na yon ha 👍🏼 and dont think na just because u blocked someone e hindi na mababasa yang mga pagharass at pagattack nyo okie? Matuto ding lumugar. pic.twitter.com/jvtCSF1TlZ

— Paolo Ballesteros (@pochoy_29) September 23, 2022

“Yung 200 pesos na subscription doesn’t give you the right to attack anyone on the show okie 😉 and dont give that ‘hindi ka naman nakatag’ chururut. 2022 na. Mangilan-ngilan na lang ang shunga sa mundo 😅😉.”

Yung 200 pesos na subscription doesnt give you the right to attack anyone on the show okie 😉 and dont give that “hindi ka naman nakatag” chururut. 2022 na. Mangilanngilan na lang ang shunga sa mundo 😅😉 pic.twitter.com/oumL2xUHjO

— Paolo Ballesteros (@pochoy_29) September 23, 2022

“I mean I am happy na love na love n’yo ang mga queens natin because they deserve that. All of them are amazing!❤️ Pero also think again, kung yung mga pino-post at pang-aaway n’yo ba eh something na ikakatuwa ng mga idol n’yo? 👍🏼 kaya enjoy enjoy lang,” paalala pa ni Paolo.

I mean i am happy na love na love nyo ang mga queens natin because they deserve that. All of them are amazing!❤️ Pero also think again, kung yung mga pinopost at pangaaway nyo ba e something na ikakatuwa ng mga idol nyo? 👍🏼 kaya enjoy enjoy lang 👍🏼😘

— Paolo Ballesteros (@pochoy_29) September 23, 2022

Hindi lamang ang queens ang nakatatanggap ng bashing kundi maging ang mga hurado nito, lalo na ang sikat na world-renowned Filipino fashion designer na si Rajo Laurel, matapos ang kaniyang “harsh comments” kay Eva La Queen.

Kaagad namang nagpaliwanag si Rajo tungkol sa kaniyang paraan ng paghuhusga.

Tags: Drag Race PhilippinesPaolo Ballesteros
Previous Post

Mga netizen, napa-sana all sa mabilis na aksyon sa inireklamong water bill ni Ryza Cenon

Next Post

TAYA NA! Jackpot prize ng Super Lotto 6/49, papalo ng ₱100M; Ultra Lotto 6/58, ₱88M naman!

Next Post
5 government agencies, tumanggap ng P67M-mandatory contributions mula sa PCSO

TAYA NA! Jackpot prize ng Super Lotto 6/49, papalo ng ₱100M; Ultra Lotto 6/58, ₱88M naman!

Broom Broom Balita

  • Katawan ni Angelica Panganiban, inokray ng body shamers; fans, rumesbak
  • #PampaGoodVibes: Palibreng mami sa customer na walang pambayad, kinaantigan
  • ‘Nambubuking ng kabit!’ Mala-blackmail na pagbebenta ng online seller, kinaaliwan
  • Kelot, binaril ng anim na beses, patay!
  • Andrea, binasag basher; ‘kababae niyang tao,’ siya nag-aya ng promposal kay Ricci
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.